Chapter 3
Sino ang nakagamit na sa inyo ng vacuum cleaner? Walis tambo lang kasi kami noong unang panahon, eh!😱
~~~~~~~~
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
"M-Mr. T?" Lumabas sa bibig ko.
"Are you not aware that all of my employees are already working and you're disturbing us with your noise?" Napalunok ako. Hindi man malakas ang pagkasabi niya, maririnig naman ng lahat dahil biglang napakatahimik nang buong paligid.
"S-Sorry po, sir." Napayuko ako.
"Well then you're lucky 'cause I don't accept sorry! Where's Mang Celo?" Para akong langgam na napakaliit sa harapan niya ngayon.
"N-Nasa storage room po, sir," sagot kong hindi pa rin maiangat ang ulo.
Sakto namang dumating ang lolo, este ang saklolo ko.
"Sir Brix!" Humahangos si Mang Celo na tumabi sa akin.
"Mang Celo! Didn't I tell you that I strictly prohibit any noise during office hours? Sino na naman ang janitress na 'to? Hindi ba siya dumaan sa orientation and preliminary procedures?" tanong ni Sir Brix na pakiramdam ko ay sinusuri ako.
"P-Pasensiya na, sir. First day pa lang kasi niya," paliwanag ni Mang Celo. Hindi nga raw tumatanggap ng sorry, pasensiya pa kaya!
"Such a stupid maid!"
Aray!
First day, stupid agad? Sa hindi ko alam na ayaw niya ng maingay, 'no! Saka malay ko ba na... Dito pala sa floor na ito ang office niya!
Tumalikod na si Mr. T as in tsuplado. Saka pa lang ako nag-angat ng ulo. Nahawakan ko ang dibdib ko. Parang nanikip kasi at ngayon lang ulit ako makakahinga.
Napailing si Mang Celo. "Paano ako magreretiro kung palagi na lang ganito?" Bumaling siya sa akin habang naglalakad palayo. Sumunod naman ako sa kanya bitbit ang vacuum. "Natakot ka ba, ineng?"
Diretso akong tumingin kay Mang Celo. "M-Medyo po."
"Kung gusto mong magtagal dito, masanay ka na sa ugali ni Sir Brix. Basta sundin mo lang ang gusto niya, hindi ka magkakaproblema."
"Daig pa niya ang terror kong teacher noong high school ako." Wala sa loob na nasabi ko.
"Ulila na kasi si sir. Lumaki siya sa lolo niya kaya ganyan siya." Pumasok kami sa storage office. Kumunot ang noo ko. Ano kaya ang ibig sabihin ni Mang Celo? "Hayan ang mga oras ng paglilinis." May iniabot siya sa aking papel. Mukhang schedule ito ng mga dapat gawin sa buong floor. May mapa pa at check list. "Bawat floor ay may isang tagalinis. Kapag umalis ako, ikaw lang ang mag-isang gagawa ng lahat ng iyan. Kaya ngayon pa lang, dapat matuto ka na."
Alas singko ng umaga pala ay dapat nagsisimula na akong mag-vacuum. Kasi, between six to seven daw dumadating si sir. At ang utos, wala nang ingay pagdating niya. Kaloka naman!
Naghugas ako ng kamay sa lababo. Tapos ko nang linisin ang anim na toilet sa buong twenty-second floor. Kainis lang kasi, napakalinis naman ng buong floor na ito! Napakakonti ng lilinisin. Kung ang iba nagrereklamo na maraming trabaho, dito naman ay halos wala. Ano bang meron sa kamay ni Mang Celo at ganito kaayos sa floor na ito?
Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin habang umaagos ang tubig sa masabon kong mga kamay. Kulay dark green na over-all suit na napakaluwag ang suot ko. Extra small na nga ito pero maluwag pa rin. Hindi ko itinali ang alon-alon kong buhok na hanggang balikat dahil dito ako komportable. Nga lang, humahaba na ang bangs ko. Lagpas kilay ko na at malapit nang matakpan ang mga mata ko. Makapagpagupit nga mamaya kay nanay.
Napalis ang pag-iisip ko nang may pumasok na babaeng empleyado. Agad niya akong tiningnan at nginitian. Mga late twenties na siguro siya. Ang ganda niya. Poise na poise sa business attire na kulay itim. Siguro, nag-rebond din siya. Straight na straight kasi ang buhok niya. Swerte ng babaeng ito. May magandang trabaho na siya, may maganda pa siyang mukha. 'Di gaya ko na janitress lang at may ordinaryong itsura.
"Bago ka?"
Napangiti ako sa tanong niya. "Opo," sagot ko.
"Ikaw na siguro ang papalit kay Mang Celo. He's been working here for as long as I can remember. Actually, ayaw siyang paalisin ni sir. But he's already too old for his job." Huminto siya para magpahid ng lipstick sa labi. "Pinagkakatiwalaan kasi siya ni sir."
"Sir po?" tanong ko habang kumukuha ng paper towel para magpunas ng basang kamay.
"Si Mr. T. You know, our boss here? Mr. Talaserna." Inayos din niya ang kilay niya sa pamamagitan ng isang lapis. "Sana makatagal ka."
Natigilan ako. Para kasing iba ang himig ng tono niya sa huling sinabi niya.
"Opo naman po," sabi ko na may gusto pa sanang marinig.
"Sana nga. Wala kasing tumatagal sa mga tini-train ni Mang Celo. Usually one week lang nagre-resign na." Mula sa salamin ay nakita kong nagtaas-baba siya ng tingin sa akin. Nakita ko rin ang pangngisi niya. "Our boss is tyrannical, terror and is very tough. He doesn't care of anyone's feelings. Kaya kung sensitive ka, hindi ka pwede rito." Ibinaba niya ang kanyang mga pampaganda at diretso akong hinarap. Bahagya pa nga akong napaatras. "Sa itsura mong iyan, for sure you're not going to last like others who have tried. You definitely looks so naive and innocent. Better reserve that to yourself, girl."
Napalunok ako sa mga sinabi niya. Kahit english iyon, naintindihan ko naman lahat. Iyon siguro ang dahilan kaya ang akala ko, walang nag-a-apply maging janitor o janitress. Iyon pala, walang makatagal. Lalo tuloy nadadagdagan ang kaba ko.
"S-Salamat po." Lumabas sa bibig ko at ewan ko ba kung bakit gusto kong magpasalamat sa kanya.
Natawa siya ng malakas. "That is what I am talking about. Simple things and for you it seems like a big deal. You don't have to thank me for such!" Nakangiti siyang tumitig sa mukha ko. "Call me Ate Wanda. And you?"
Nahihiya akong sumagot. "M-Mayumi po."
Nanlaki ang mga mata niya. "Seriously?" Napanganga siya na parang hindi makapaniwala. "You're as gentle as your name." Tinapik niya ako sa braso. "Good luck to you, Mayumi." Tatalikod na sana siya nang biglang mapaatras at tumingin sa ulo ko. "Oh and next time, magbaon ka ng suklay okay?" Bigla kong nahawakan ang buhok ko. Narinig ko pa ang malakas na lagitik ng takong ng kanyang sapatos.
Kumakain kami ng tanghalian ni Mang Celo rito sa loob ng storage office. May maliit na pantry at mesa na kasya lang ang dalawang tao. Mabuti at pinagbalot ako ni nanay ng kanin at ulam kanina. Napakamahal pala ng mga pagkain na mao-order dito. Kakainggit lang ang ulam ni Mang Celo kasi bukod sa maganda ang presentation, mukhang masarap pa. Buti nakakaya niyang bumili ng ganoong klase ng pagkain kahit janitor lang siya.
"Sayo na ito, ineng." Napanganga ako nang ilagay ni Mang Celo ang karne sa lunch box ko.
"Naku, Mang Celo salamat po." Kala niya tatanggi ako? Kanina ko pa nga gustong humingi ng pagkain niya. Ligo sardines lang kasi ulam ko 'no!
"Ikaw ba si Mayumi?" Halos sabay kaming napalingon ni Mang Celo sa isang gwapong lalaking naka-amerkana. Hindi namin namalayan ang pagpasok niya rito sa storage office. "Sorry pumasok na 'ko. Kanina ka pa kasi pinapatawag ni sir."
Muntik na akong mabulunan sa karneng isinubo ko. Wala namang ibang 'sir' na magpapatawag sa akin dito.
"Kumakain pa si Mayumi, sir John." Si Mang Celo ang sumagot.
"Pero urgent daw, Mang Celo. The boss needs to see her. Now."
Hala!
~~~~~~~~~~
Take this pink ribbon off my eyes
I'm exposed and it's no big surprise
I'm just a girl,
Well don't let me out of your sight
I'm just a girl, all pretty and petite
So don't let me have any rights.
The moment that I step outside
So many reasons for me to run and hide
I can't do the little things
'Cause it's all those little things that I fear.
I'm just a girl
Guess I'm some kind of freak
'Cause they all sit and stare with their eyes
I am just a girl
Take a good look at me
Just your typical prototype
I'm just a girl in the world
That's all that you'll let me be!
~~~~~~~~~
Follow, vote and comment
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro