Chapter 26
Explain malandi? hihihi.
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Sabi nga ni Leng, kapag tinawag kang flirt, ibig sabihin, lumalandi ka! Ganyan ang tawag niya sa mga kagaya ni Dorisa.
Bakit ako papipirmahin ni Brix ng ganito? Lumalandi ba 'ko? Kay ka-love team na Ben? Hindi naman, ah. Kaya ba parang galit na galit siya kay Ben kanina?
Natigilan ako. Pakiramdam ko ay napakababa ng tingin sa akin ni Brix. Pinagdiinan na nga niya ang salitang janitress, sasabihin pa niyang malandi ako.
Hindi ko mapigilan ang sarili na mapayuko at itago ang tunay na nararamdaman. Para kasing may mga karayom na tumusok sa dibdib ko. Ganoon nga siguro. Ganoong klaseng tao lang ako sa tingin ng mga Talaserna. Lalo na ni Brix Talaserna.
Gaga ka, May, kung sa tingin mo ay magkakatotoo ang sinabi niya sayo na ikaw ang piyansey niya! Gaga ka kung akala mo, may karapatan kang mangarap na totoong magkakagusto siya sayo. Yung mga pangarap mo ng gising dahil sa mga halik niya ay isa lamang kalokohan. Nangyari iyon dahil pinapaswelduhan ka niya. Iyon lang ang papel mo, May!
"What are you waiting for? Pirmahan mo na bago pa kita ipatapon pabalik sa inyo!"
Nakagat ko ang labi ko. Para lang talaga akong basura.
"M-Mr. T..." Tumayo ako. Napansin kong nagulat siya nang makita niya ang nag-iinit kong mga mata.
"W-Why? Don't tell me you wanna go back to your family right now?" Napayuko siya. Nakita kong nagsara rin ang kanyang kamaong nakapatong sa lamesa.
Umiling ako.
"P-Pahiram ng ballpen." Sabi ko.
"W-What?" Muli niya akong tiningnan.
"Paano ko pipirmahan ito kung wala akong ballpen? Gusto mo, lawayan ko na lang para mas madali?" Napatanga siya sa akin. Bakit? Ang ganda ko ba masyado? "Ballpen po, Mr. T." Dumukwang ako sa kanya. Hindi na kasi siya kumurap. Hindi ko tuloy alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko.
"U-Uh, yeah..." Aniyang nagmamadaling iniabot ang ballpen niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Pinirmahan ko na lang ang papel. Nilagyan ko pa nga ng smiley para mangiti naman siya. Masyado kasi siyang seryoso sa buhay.
Maghapon akong nasa loob lamang ng kwarto ng prinsesa. Kung ano-ano lang ang ginagawa ko rito. Nagbebending, nagtatambling nagme-meditate at nagsasarili. Naiinip na nga ako. Nag-text ako kina nanay pero busy daw sila sa parlor. Si Leng naman ay may interview kaya hindi ko siya makachikahan ngayon kahit man lang sa cellphone. Sayang ang unli-call ko.
Napabuntong hininga ako habang nakahiga sa kama. Kanina, tinalikuran ko si Brix pagkatapos kong pirmahan ang papel ng kalandian. Alam ko, parang inamin ko na rin na nakikipag-flirt nga ako dahil sa pirma kong iyon. Pero wala naman kasi akong magagawa. Kapag hindi ko siya sinunod, matatanggal ako sa trabaho. Masasayang lang ang nasimulan ko. Mapapagalitan pa ako ni Magilas. At baka masabunutan pa ni Leng.
Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok. May tumalon agad sa dibdib ko isipin ko lang na si Brix iyon.
"Mam Mayumi..." Boses ng babae. "Pinapatawag po kayo ni Lolo Emilio!"
Bumalikwas ako upang buksan ang pinto. Isang medyo may katabaang babae ang nakatayo sa harap ko. Tantiya ko ay sing-edad ko lang siya.
"Ako po si Gloria, kasambahay po. Nasa balkonahe po si Lolo Emilio." Aniya at tinalikuran na ako.
"T-Teka sandali, miss." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako. Ng nakasimangot. Aba! "U-Uh, itatanong ko lang kung saan ang balkonahe." Sabi ko.
"Doon. Kumaliwa ka tapos diretso. Tapos kanan ulit, 'pag nauntog ka, dun na! Hmp!" nakapamaywang niyang paliwanag.
Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis. Ang suplada! Eh kasambahay lang naman! At least ako janitress, 'no! Mas mataas ang posisyon ko sa kanya. Humanda sa akin ang babaeng iyon. Paglalabahin ko siya at tatawaging Gloria labandera!
Tinungo ko ang itinuro ni Gloria. At nang mauntog ako, sakto, nakita ko nga si lolo pogi. Nakaupo sa harap ng mesa habang may iniinom sa tasa. Napatayo agad siya pagkakita sa akin.
"Hija, apo! Nar'yan ka na pala. Kanina pa kita pinapahanap sa mga katulong eh. Kumain ka na ba?" diretsong usisa niya at agad nanghila ng silya para mapaupo ako. Buti pa si lolo, gentleman.
"Hindi pa nga po lolo." Totoo naman iyon. Nagkulong kasi ako sa kwarto kakaisip sa pinapirma ni Brix. Hindi ko namalayan na heto, madilim na pala. At mukhang naghapunan na ang lahat samantalang ako, dilat na ang mata.
"Mabuti pa ay dito ka na kumain. Para magkasama tayo habang nagpapababa ako ng hinapunan ko. Gloriaaa..." Malakas na tawag niya. "Ang akala ko ay magkasama kayo ni Brix. Kaya hindi na kita inabalang katukin sa kwarto mo. Nang sabihin ni Gloria na hindi ka pa naghahapunan ay ipinatawag agad kita." Saktong dating ng supladang kasambahay. Pero salamat sa kanya dahil siya pala ang nagsabi na hindi pa ako kumakain. Suplada pero mapag-alala naman pala. Sige, hindi ko na siya paglalabahin. Patatakbuhin ko na lang siya, hindi sa pagkapangulo ng Pilipinas, bilang si Gloria Masupladita Aruykupo! Kundi sa gym, para pumayat naman siya.
"Salamat, Gloria." Nakangiti kong sabi sa kasambahay. Na inirapan naman ako. Tapos ngumiti kay lolo. Sipsip ang babaeng ito.
Nagpahanda si lolo pogi ng makakain. At habang nilalantakan ko ang kare-kare na may bagoong, kwento naman ng kwento si lolo.
"Wala nang mga magulang iyang si Brixander." Alam ko po, parang nasabi na sa akin yun ni Mang Celo. "Kaya wala nang tumitingin sa kanya. Kailangan na ng kaisa-isa kong apo ng makakasama habang buhay. At natutuwa ako, Mayumi at nakilala ka niya..."
"Ngakukuwa ngying fo akho, yoyo," sabi kong punong-puno ng laman ang bibig.
"Sa isang linggo na ang engagement party nyo. May maisusuot ka na ba, hija?" tanong niya habang pinapanood ako. Kita kong nangingiti siya pero nagpipigil lang.
"Engeshemen patty?" nilunok ko muna ang nasa bibig ko. "Naku lolo, para saan iyon? Hindi po ko mahilig sa party-party. Saka nahihiya po ako." Subo ulit. Ang sarap nguyain ng twalya, parang chiklet sa kunat.
"Ipapakilala kita sa mga kaibigan namin dito. Alam mo, apo, lahat ng mga natitirang Talaserna ay nasa ibang bansa na naninirahan. Tanging kami na lamang ni Brixander ang natitira rito." Uminom siya ng kanyang tsaa. "Kaya hindi ka dapat mahiya. Huwag kang mag-alala."
Tumango-tango na lang ako at ninamnam ang pagkain. Hihigop sana ako ng sabaw na may bagoong nang muntik na akong mabulunan.
"Eeeeeeeeeeeeee..." Dahil sa isang wang-wang ng sirena. May sunog ba? "Lolo Emilioooooo..."
Napatingin ako sa babaeng biglang yumakap kay lolo pogi. Medyo matanda lang siguro siya sa akin ng ilang taon.
"Rebecca?"
Nagulat din si lolo kaya napatayo ang matanda at kumalas sa babae. Naku, ano ba itong si lolo? Badinggarzee o pedo? May Arman na, may Rebecca pa?
"Where is Brix, lolo? Come on, tell me! Where is he?" Napaangat ako ng kilay. Si Brix ang hanap niya? "I want to see my babyyyy..."
Nyemas! Siya ang nanay ni Mr. T? Teka! Akala ko ba ulila na si Brix? Eh sino ang babaeng ito?
Tumingin sa akin ang babae. Naglahad ng kamay. "Hi! I'm Rebecca. Brix's girl lover!"
Muntik ko nang mabuga ang bagoong sa mukha niya!
Mukha kasi siyang mangga!
~~~~~~~~~
Sa binigay mong lagim
Sa buhay pag-ibig ko'y nabalot ng dilim
Pag-asa ay naglaho na
Meron ka pang ibang kasama
Kayakap mo pa.
Ngayon ako'y nanginginig
Sa katotohanang ika'y mahal ko
pero sa iyo ay kalandian lang ako
May araw ka ring letse ka
Makakaganti rin ako.
Mangga-gamit ka
hindi ko akalain na
mapapaikot mo ako
sa kasinungalingan na
pinagmamalaki mo pa
huling huli ka na nga.
Mangga-gamit ka.
Mangga!
~~~~~~~~
50 votes for next update. 😚😙😗
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro