Chapter 23
Sinipag si author mga kapatid. Sana kayo rin sipagin mag-comment. Kanta muna tayo...
"O tukso, lapitan mo akoooooh... bilis para ako'y makatakboooo-ahooo..."
Hoy! Kung ayaw nyong matulog, magpatulog kayo! Pisting yawa!😝😆
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
Kimi lamang akong sumusunod sa mag-lolo. May pinag-uusapan silang hindi ko maintindihan. Kasama rin namin si ka-love team Enrique. Katulad ko, maayos na rin ang suot niya. Hindi kagaya kagabi na probinsyano-look alike siya talaga.
Mabuti rin at may damit na si sir este Brix. Kasi kanina, parang short lang na manipis ang suot niya. Nakita ko pa nga ang manipis na buhok sa kanyang dibdib. Naalala ko ang mga muscles na tiyak ay matitigas. At may nasulyapan din akong nakabakat sa gitna ng mga hita niya. Sa isip ko, bakit kaya parang halos hindi magkasya iyon sa suot niya? Dapat extra large na short ang binili niya para naman magkasya yung ano niya. 'Di ba?
"Honey, bilisan mo!"
Nagulat ako sa biglang sumigaw. Malayo na pala sila mula sa kinaroroonan ko.
"Mam Mayumi, tinatawag ka na ni sir." Napalingon ako sa aking tabi. At nakita ko ang mapuputing ngipin ni Ben. Mukhang kanina pa niya ako sinasabayan sa paglalakad.
Nakita kong nakatingin sa amin ang mag-lolo. Naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko. Wala pa nga ako sa part na biglang bumukas ang pinto habang nananaginip ako ng gising.
"Mam, bakit namumula ang pisngi mo?"
"H-Ha?" Napahawak ako sa aking mukha. Mainit ang pakiramdam ko. Hindi ko kasi makalimutan ang nakakahiyang nangyari kanina.
Ano na lang ang iisipin ni honey? Este Brix? Na naghuhubo talaga ako kapag mag-isa sa kwarto ng mga prinsesa? O baka isipin niyang isa akong eva eugenio na tinutukso siya?
Natakpan kong bigla ang aking mukha. Ahhh shite naman talaga! Nakakahiya!
"Okay ka lang ba, mam?" boses ni Ben na naramdaman ko ang palad sa aking likod.
"What's goin' on?" seryosong tinig. Nag-angat ako ng tingin at nakalapit na pala sa akin si Brix. Kasunod din niya si lolo pogi.
Mabilis na nawala ang palad ni Ben mula sa katawan ko. "Sir Brix, masama yata ang pakiramdam ni Mam Mayumi."
Nakita kong may gumuhit sa noo ni Brix. "Sige na Ben. Mauna na kayo ni lolo. Ako na ang bahala rito." Aniyang hindi man lang sumulyap sa kausap dahil sa akin siya pirming nakatingin. Mas lalo tuloy nag-init ang pakiramdam ko.
"Okay sir," ang sabi ng masunurin kong ka-love team.
Napapitlag ako sa mainit na kamay na humawak sa braso ko. "Walk," utos niya.
Ako namang si robot, nag-walk.
"You're already raising a child. Why are you still hitting on my caretaker?" tanong ni Brix na napahigpit ang hawak sa akin.
Yeaaah, take care coz I care, duh! Hindi ako kumibo. Dahil hindi ko naman siya maintindihan kung bakit pinag-iingat niya ako. Saka pakiramdam ko kasi tumatagos sa bestidang suot ko ang mga mata ni Brix. Alam mo iyon, parang meron siyang x-ray vision. At makikita niyang muli ang mga pinakatago-tago ko.
"Tandaan mo, Mayumi. Nandito ka para magpanggap na girlfriend ko. Kailangan mong kumbisihin si lolo na tayo na nga ang magkakatuluyan." Mariin niyang sabi.
"U-Uh, eh sir..."
"Brix! I told you to call me by my first name." Madiin niyang utos.
Oo nga pala.
Pero, pwedeng 'honey' na lang?
"B-Brix, mawalang galang na po. Bakit hindi si Mam Lily ang ipakilala mo sa lolo mo? 'Di ba siya naman ang girlfriend mo? Nakita ko pa nga kayong nagjujugjugan sa office mo-"
"Nagjujug-, what?" kunot noong tanong niya.
"Jugjug. Alam mo na iyon. Yung ginagawa lang ng mag-jowa." Paliwanag ko sa kanya. Ang hina rin pala nitong si Brixander Talaserna. Akala ko ba magna cumlaude siya nang nag-graduate? May Masters degree pa nga siya.
"I see," tumango siya na parang naiintindihan na rin ako. "I don't think na magugustuhan siya ni lolo. A liberated woman like her cannot please a conservative man like my grandfather."
"Malay mo naman, magustuhan siya ni lolo pogi..."
"Lolo pogi?" tanong niya. Napatutok ang mata sa akin.
"Si Lolo Emilio ang tinutukoy ko. Pogi naman talaga siya. Parang ikaw, magkahawig nga kayo eh. Mas gwapo ka lang ng mga ten times na shower."
Napahinto siya sa paglalakad. Tumigil din tuloy ako. Nasulyapan ko sila Ben at lolo pogi na diretso pa ring nauuna at naglalakad. Pagtingin kong muli kay Brix ay kulay strawberry na ang mukha niya. Hala! Pinagalit ko na naman ba siya?
"U-Uh sir. Okay lang po. Kung iyon po talaga ang gusto nyo. Thirty days lang po 'di ba?" Hindi siya kumibo. Galit nga yata siya talaga. Mali ba ang sinabi ko? "Payag na po akong magpanggap, basta po pagkatapos ng thirty days ay babalik na po ako sa pamilya ko at sa dati kong trabaho."
Nagpakawala siya ng buntong hininga. Humakbang siya at ganoon din ang ginawa ko.
"Just act naturally. Kapag nahalata ni lolo na nagkukunwari ka lang, hindi kita babayaran sa trabaho mo. And worst, sisante ka na agad."
Hala, grabe naman! Nakagat ko ang labi ko. Kung gayon ay masasayang lang pala ang pagpunta ko rito at ang pag-iwan ko kina tatay at nanay at Magilas at Marikit? Sabi ko pa naman ibo-blow out ko sila pagbalik ko at kakain kami sa Burger King at oorder ng whopper with cheese. Mukhang pandesal with eden cheese na lang ang bagsak namin nito.
"Mahilig ako sa gulay. At isda na rin. Kumakain ako ng kahit ano, kahit bagoong lang at manggang hilaw ang ulam ko."
"What are you saying?" takang tanong niya.
"Hindi ba gusto mo akong makilala? Para hindi magtaka si lolo pogi? Kaya sinasabi ko sayo ang mga paborito kong kainin." Ikaw, pwede na rin kitang isama sa listahan ng mga favourite food ko. Sarap mo siguro kahit walang palaman! Hihihi! "Ikaw, B-Brix, ano'ng mga paborito mo?" Joskopo! Kenekeleg naman ako. Getting to know na ba beh?
Napahinto na naman siya sa paglalakad. Nakasalubong ang mga kilay niya at napatingin sa maninipis na damong dinadaanan namin.
"Wala akong paborito..." Napatititg siyang muli sa akin. Para naman akong napaatras dahil lang sa mga titig na iyon. "And you know what I do not like?" Naninigas ang ulo kong napailing. "I don't like people that always ask questions. I hate talkative, stupid, skimpy and clumsy women! And I'm sick of pretentious ladies who stick with me because of material thing!" ang tigas ng pagkasabi niya. Pakiramdam ko, naging bato ako. Siya ba si meduso, asawa ni medusa?
Dahan-dahang tumaas ang kamay ko. Papunta sa gilid ng aking noo. Nanginginig ang kamay ko na sumaludo sa kanya. "S-Sir yes, Mr. T."
"Good." Umayos siya ng tayo. "Bilisan mo na at baka makahalata pa si lolo." Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli na naman siyang huminto. Ano ba itong si sir? May mabigat ba siyang dinadala at napapahinto siya? Wala naman siyang bitbit na kahit ano, maliban sa kanyang... Napahawak ako sa aking panga para mag-isip. Hmm, mabigat nga kaya iyon? Sabagay hindi nga magkasya sa maliit na short niya...
"ANO BA?" sigaw niya. "Kikilos ka ba o sasabihin ko sayo ang nakita ko sa loob ng kwarto mo?!"
Sandali na naman akong napaisip. Tumatalino ako kapag kasama siya. Nakakapag-isip na kasi ako na dati ko namang hindi ginagawa.
Nagmamadali akong sinundan siya. "Eh, Brix," humihingal na sabi ko. "Ano bang nakita mo sa kwarto ko kanina?" Hindi kaya nasundan ako ng mabait dito?
"You don't remember?" tanong niya nang magkatapat na kami. At saka bumaba ang tingin sa dibdib ko, pabalik sa mukha ko. "I saw you naked, you twit! And you think you can allure me? Dream on, little girl!" Saka niya pinitik ang noo ko.
Ano raw? Nananaginip daw ako? Eh 'di ba gising naman ako? Saka ko lang naramdaman ang sakit ng pitik niya sa noo ko.
"Ouch!"
~~~~~~~~~
Tapat ang puso ko
At ito'y hindi magbabago.
Pagka't pag-ibig ko
Ay tanging para sa 'yo.
Wag sanang mangyari
Matukso ako nang sandali.
Pagka't ang tukso ay
Madaling nagwawagi.
Di kayang sabihin
Na ako'y di magdadarang din.
Pagka't ako'y tao
May puso't damdamin.
Ngunit kung kaya ko
Ako ay hindi padadaig
Sa tuksong kayrami nang
Winasak na damdamin.
Kayrami nang winasak na tahanan
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro