Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Warning: Incomplete po ito sa Wattpad. Buy the book at Psicom Shop
Maraming salamat po sa suporta 🙏
~~~~

Mga bes, thank you sa pagbabasa nyo. Iyak na po ako 😭
Chos lang!!🤪🤣 Buy na po kayo ng book for only P160 sa Psicom Shop

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

Kanina pa ako hindi mapakali. Sa totoo lang, first time kong sumakay ng eroplano. Nininerbyos na nga ako eh. Paano kung bumagsak ito? Paano kung ma-highjack ito? Paano kung may terorista pala rito? Paano kung may masalubong kaming alien? Ang dami-daming paano. Tapos, ito pang upuan ko, nakapahalang at medyo nakataas ang paa ko. Para na nga akong nakahiga rito. Sabi ko lang naman kanina doon sa babae na gusto ko yung relax ang upo ko.

"How would you like your seat, mam?" tanong sa akin ng babaeng may maliit na sumbrero.

"I want relax." Sagot ko. Napatingin pa nga sa akin si Mr. T. Akala siguro niya hindi ako marunong mag-english.

Tapos, heto na ang kinalabasan ng upuan ko dito sa loob ng eroplano. May nanginginig pa nga sa likod ko. Kaya para akong may epilepsy nito.

Pabiling-biling ako sa upuan ko nang mapansin kong pinanonood pala ako ni sir.

"You look like a worm."

"P-Po?" bulate raw ako?

"Bakit ba napakalikot mo? Can't you see I'm working here?" May nakapatong na laptop sa mga hita ni sir. Sabagay, sa iilan lang na pasaherong naririto, halos lahat ay may kaharap na laptop, o kaya ay Ipad. Ako lang yata ang walang ganoon dito?

Sinubukan kong hindi gumalaw. Ngunit nangingisay pa rin ang katawan ko dahil sa upuan kong kanina pa nanginginig.

Napailing si sir. Itinabi niya ang hawak na laptop at saka yumakap sa akin!

Amp!

"The seat moves in different positions." Naramdaman kong gumalaw ang upuan ko nang may marinig akong munting tunog. Napaayos tuloy ako ng upo. "You can lay flat allowing you to sit for meals or watch movies." May pinindot ulit siya sa upuan ko at biglang nawala ang epileptic mode. "That's the back massager. Ngayon ka lang ba nakasakay sa business class flight?"

Napalunok ako ng laway ko. Ang lapit-lapit kasi ni sir sa akin. Masyado kong naaamoy ang pabango niyang panlalaki. Tapos ang boses niya, kahit seryoso hindi naman siya galit. Para pa ngang nagpapaliwanag siya sa isang batang ngayon lang natutong gumamit ng kutsara at tinidor. Parang gusto ko tuloy himatayin.

Umayos na siya ng upo. Maayos na rin ang pwesto ko.

"S-Salamat po, Mr. T." Sabi ko na hindi maialis ang tingin sa mukha niya. Para kasing nagliliwanag ang paligid kapag nandiyan siya. "First time ko po kasing sumakay ng eroplano." Napakamot ako sa ulo ko. "Ganito po pala." Nahihiya kong pag-amin.

"Tandaan mo, we're doing this because of my lolo. I want to please him as much as I could to gain his trust..." Hindi ko masyadong marinig si sir. Nabibingi na yata ako. Ang naririnig ko kasi ay ang tunog mula sa dibdib ko. At ang nakikita ko na lang ay ang mapulang labi ni Mr. T na marahang gumagalaw sa harapan ko. "Do not worry because I'll pay you more than you are expecting. Just give me thirty days to settle this and you can be on your own..." Kahit walang bayad basta katabi kita sir. "You will pretend to be my fiancee and you have to tell me more about you. I don't want him to perceive the truth about us. That you are just my janitress and that I'm paying you..."

Isang awit na nagpapalambot ng puso ko. Isang himig na nagpapasayaw sa kaluluwa ko. Iyan ang tinig ni Mr. T na naririnig ko ngayon.

"Are you listening?" napakunot-noong tanong ni sir.

Tumango akong marahan.

"Good. So from now on, I want you to call me by my first name. And I want you to tell me your name."

Tumango ulit ako. Titig na titig ako sa mga labi ni sir na siguradong napakalambot kapag nahalikan.

Natigilan siya at tumitig sa mukha ko. Nagagandahan na rin kaya si Mr. T sa akin? Syempre kapatid ko si Marikit. Magkamukha kami ng kapatid kong iyon. Marami ngang nagsasabing parang kakambal ko si bunso. Mas nahuli nga lang siyang lumabas mula sa tiyan ni nanay.

"Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?"

Nakatagilid parehas ang mga ulo namin ni sir para magkatapat ang aming mga paningin.

When my eyes meet yours, I get this overwhelming emotion I can't put into words.

Sabi nga ni Oscar Wilde...

When our eyes met, I felt that I was growing pale. A curious sensation of terror came over me. I knew that I had come face to face with someone whose mere personality was so fascinating that, if I allowed it to do so, it would absorb my whole nature, my whole soul, my very art itself.

"Uulitin ko ang tanong ko! NAINTINDIHAN MO BA AKO?"

Makailang beses gumalaw ang mga mata ko. Parang may humampas sa pisngi ko dahil sa tigas ng pagkakatanong ni sir.

"U-Uh eh..." Dumiretso ako ng upo at umiwas ng tingin. "H-Hindi po kasi ako masyadong nakakaintindi ng english." Yun ngang quotes na iyon hindi ko matandaan kung saang baul ko hinugot. Hindi ko rin nga alam ang ibig sabihin no'n.

Yung sinabi ko sa flight stewardess eh ilang ulit ko pa ngang pinraktis sa isip ko. I want relax.

Napasinghap si sir. At saka makailang ulit na umiling.

"Ano na ulit ang pangalan mo?" iritado niyang tanong. Kanina may lambing eh, ngayon asar na siya.

"M-Mayumi po."

"Mayumi." Pag-uulit niya sa pangalan ko habang tila nakatingin sa kawalan na parang kinakabisa ang sinabi. Saka siya muling bumaling sa akin. "Mula ngayon, ang itatawag mo sa akin ay Brix. Not sir, not Mr. T! Say it!" utos niya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "M-Mula ngayon, ang itatawag mo sa akin ay Brix. Not sir, not Mr. T."

Bumuka ang bibig niya na parang nakakita ng super model. At saka siya napapikit at napatiim-bagang. "Damn! Why is it so difficult to talk to you?" Nahawakan niya ang ulo niya na sumasakit yata. "Ang sabi ko, tawagin mo akong BRIX. Huwag mo na akong tatawaging sir o Mr. T! Maliwanag ba?" muling baling niya sa akin.

"Sir naman. Kabastusan naman po iyon. Sir ko kayo kaya dapat kitang galangin. Saka tinuruan po ako ng mga magulang ko na gumalang sa nakakatanda sa akin. Sabi nga ni nanay, paano ka gagalangin ng iba kung ikaw mismo ay hindi ka marunong gumalang?" napapakumpas na paliwanag ko. "Saka Mr. T," hinarap ko siya upang mas mapaliwanagan ko pa. "Ayokong maging bastos sayo. Ikaw? Na boss ko? Tatawagin kong, Brix? Wow! Ang swerte ko naman, sir! Pero no! Hindi kita tatawaging, Bri-"

Nagulat ako nang bahagyang gumalaw ang eroplano dahilan para kumabog ang dibdib ko. Kasabay no'n ay ang mainit na palad na biglang dumampi sa pisngi ko. Kasunod ay ang paglapat ng mainit na labi sa labi ko. Sa sobrang bilis ay halos hindi ko namalayang napatulala na pala ako.

"Ikaw ang mapapangasawa ko. Kaya mula ngayon, Brix na ang itatawag mo sa akin. Ngayon, naiintindihan mo na ba ang gusto kong sabihin sayo?"

Hala! Pure tagalog iyon ah! Pero ano ba ang nangyari? Bakit napatuliro na lang ako rito? Ako raw ang mapapangasawa ni sir? Kaya mula ngayon, Brix na lang ang itatawag ko sa kanya. Hindi sir. Hindi Mr. T. Okay, malinaw na iyon.

Ang malabo ay ang nangyari.

Hinalikan nga ba ako ni sir sa labi?

Nanlaki ang mga mata ko.

Binalatang patatas!

Si Mr. Brix Talaserna ang unang halik ko?

Pwede nang mag-crash ang airplane na sinasakyan ko!
~~~~~~~~~
>Bili na po ng librong ito na 30 Days with Mr. T @ materica.store bago ka pa mabitin sa kakulitan ng ating bidang si Mayumi Dimabuyu!
~~~~~
Just a kiss on your lips in the moonlight
Just a touch of the fire burning so bright
And I don't want to mess this thing up
I don't want to push too far
Just a shot in the dark that you just might
Be the one I've been waiting for my whole life
So baby I'm alright, with just a kiss goodnight
~~~~~~~~
Ang Vote and Comments po, maganda! Ang hindi mag-vote, alam na!😝
>Bili na po ng librong ito na 30 Days with Mr. T @ materica.store bago ka pa mabitin sa hopeless romantic na si Mayumi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro