Chapter 17
This is it, pusit! 🦑🦑🦑
Sinong kumakain ng adobong pusit?😃
[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
"What's your name, hija? I couldn't believe my grandson have finally found a very special girl like you."
Nahihiya akong napangiti. Parang gusto kong mag-beautiful eyes. Syempre 'no! Sa'n pa makakahanap si lolo pogi ng katulad ko? Masipag, matiyaga, mabait at higit sa lahat cute pa!
"Hijo, you should bring her to our farm. This girl is definitely a great catch." Naku! At mukhang dadalhin pa nila ako sa bukid nila. Akalain mo? Aba, mahusay din kaya akong magtanim! Sa katunayan, malalaki na nga ang mga tanim kong kalamansi at kaimito. Janitress na farmer na magka-catch pa ng fish. Hindi lang si Magilas ang matutuwa nito. Pati na rin si Marikit. Mahilig sa halaman at mga isda ang batang iyon eh. "Arman, prepare the papers. After the wedding, Brix will take over of everything."
Wedding? Sino kaya ang ikakasal? Si lolo pogi? Atsus! Kumerengkeng ang matanda. Teka baka naman si Mr. T ang ikakasal? Kay Lily-gaya? Bakit parang may kumurot sa dibdib ko sa isiping iyon?
"W-Wait, lolo... This is uh..." nagtaka ako dahil nakakunot ang noo ni sir habang nakatitig sa akin. Pero nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin.
"Mayumi po, Mr. T!" diretso kong dugtong habang nakatingin kay sir habang hawak pa rin ni lolo pogi ang kamay ko.
"Mayumi. What an adorable name!" hinigpitan pa ni lolo ang pagkakahawak sa kamay ko. "At iyon ba ang endearment nyo sa isa't-isa? Ang apo ko ay si Mr. T at ikaw naman ay si Mrs. T! That was brilliant, hijo!" tumingin siya sa kanyang apo na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Na para bang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano. Natatae kaya si sir? At nahihiya siyang aminin sa harapan namin?
Pero teka! Sino raw si Mrs. T? Bakit sa akin nakatingin si lolo pogi? Inakbayan ako ng matanda bago pa ako nakapagsalita.
"Hija, nagagalak akong makilala ka. I couldn't believe na sa dinami-rami ng mga babaeng nakapila sa apo ko, ikaw pa ang napili niya..." hindi naman ako pumila, nag-applay ako sa personnel department. Muntik na ngang hindi ako matanggap. Hinarangan kasi kami ni manong guard kaya nga block listed na rito si Leng. "I'm so proud of you, Brixander!"
"L-Lolo, what do you mean, you are proud of me?" Nakita kong nag-up and down ang adams apple ni sir.
"Never been this proud, apo. Akala ko kasi noon, tumitingin ka sa panlabas na anyo. Ngayon mas naunawaan ko na kung bakit napakatagal bago ka nakahanap ng tamang babae." Muli akong tinitigan ni lolo pogi. "You're just waiting for the perfect girl." Tumatango-tango pa siya at ang ngiti ay abot tenga.
"Y-You will let me take over? This soon?" nagsalita ulit si Mr. T.
"Of course, apo. As soon as everything's turns out fine then the business is all yours."
"S-Sandali..." Biglang nalito ang itsura ni sir. "All mine?"
"All yours! Nabalitaan ko nga pala ang nangyayari sa Tee Farm and my flight going there is in a few hours. I am expecting you to follow me and bring this charming girl with you. Doon natin pag-usapan ang lahat ng dapat ayusin."
Medyo hindi ko makuha ang mga pinag-uusapan nila kaya nanahimik na lang ako. Binitawan ako ni lolo pogi at nilapitan niya yung lalaking kanina pa nakatayo sa gilid ng opisina ni sir. Pormal ang reaksyon ng lalaki na parang kahawig ni Kang Dong Wong ba iyon? Mas gwapo lang si Mr. T ng ilang paligo. Mga ten times.
"Arman, magpa-deliver ka nga ng breakfast at gusto kong makasabay mag-almusal ang mga apo ko." Utos ni lolo pogi. Agad namang tumalima si Arman. Nagpipindot siya sa kanyang cellphone at tumalikod pa habang may kausap sa phone. Hindi kaya ang Arman na ito ang gustong pakasalan ng lolo ni Mr. T? Natakpan kong bigla ang bibig ko. Hala! Baka nga! Ang sweet-sweet kasi ng tinginan nila. Parang may something. "Hija, nag-breakfast ka na ba?" tanong ng bading, este ni lolo pogi. Sayang pogi pa naman siya. Poging jooding pala!
Naalala ko na wala pa nga palang kahit na anong laman ang tiyan ko. Nagmamadali kasi ako kanina at gabi na rin ako nakauwi kagabi. Ano kaya kung makikain ako kasabay ng mga Talaserna? Nakakahiya naman. Sino ba naman ako eh tagalinis at tagaligpit lang naman ako rito? Sabihin pa nila ang kapal ng mukha ko. Pero hindi ko kasi ugali ang magsinungaling.
"Uh, eh... Hindi pa nga po." sagot ko at hinawakan ko pa ang maliit kong tiyan. Wala pa kasing laman, 'di ba nga magdamag nga akong nakaupo sa trono kagabi?
"Great! Sabayan mo na kami. Halika." Bahagyang naglakad si lolo. Patungo siya ng pantry. Mukhang kabisado niya ang napakalaking opisina ni Mr. T. Susunod na sana ako kaso hinarangan ako ng isang matipunong katawan na sobrang bango.
"What are you doing inside my office?" mahinang tanong ni Mr. T na bahagyang nilingon ang kanyang lolo na papasok na ng pantry. Tiningnan ko rin si lolo para humingi ng saklolo. Nakakatakot kasi ang nangingintab at asul na mga mata ni Mr. T. "Answer my question! What are you doing inside my office? And-" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pabalik sa mga mata ko. "Ano iyang suot mo? Where's your uniform?"
Napayuko ako. Hindi ko matagalan ang mga tingin niya. Para kasing kinakain ng kulay asul niyang mga mata pati na ang kailaliman ng kaluluwa ko. "H-Hinahanap ko po yung daga."
"What are you talking about? You're always making excuses! Dapat una pa lang, pinaalis na kita rito!" Parang pagod na pagod na hinagod niya ang kanyang buhok. Nakagat ko naman ang mga labi ko. Bakit ba ang gwapo ni sir kahit pinagagalitan niya ako?
Tumalikod siya. Hindi ko alam kung sa labas ng building siya nakatingin o kung sinusuri niya lamang ang salamin. Makailang beses siyang huminga ng malalim.
"L-Labas na po ako, sir." Tatalikod na rin sana ako nang biglang may pumigil sa braso ko.
"No!"
Napanganga ako. At napaangat ang tingin sa nagbabaga niyang mga mata.
"S-Sir..."
"This is your fault!" Mariing sabi niya habang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. "You don't have any other choice, my dear skimpy rat! From now on, you'll do whatever I want. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa 'kin sa farm!"
Napalunok ako. Gusto kong uminom ng tubig para masayaran ang nanunuyo kong lalamunan. "P-Pero sir, hindi naman po ako-" Sasagutin ko sana siya na hindi naman ako tumatanggi, eh bakit galit na galit ang itsura niya?
"Shut your mouth!" Napasinghap ako nang tuluyan na niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Pakiramdam ko ay naging marshmallow sa lambot ang mga tuhod ko. "You'll pretend to be my girlfriend. No! You'll be my fiancee! You are going to stay with me."
"M-Mr. T..." Mahinang lumabas sa bibig ko. Rumaragasa ang nerbyos sa dibdib ko lalo ngayong titig na titig siya sa mga mata ko. Damang-dama ko pa rin ang mahigpit na hawak niya sa braso ko.
"You'll do what I say kung ayaw mong matanggal sa trabaho mo!"
"A-Ano po ang gagawin ko?" Lasing na yata ako. Nahihilo kasi ako sa mga tingin ni sir.
Binitiwan niya ako. Napahawak ako sa gilid ng mesa niya dahil pakiramdam ko ay matutumba ako. "Pack your things..." Pinindot niya ang intercom. "Cancel all my appointments, John. Book a flight to Bacolod tonight... Yes! Susunod ako kay lolo... Book for two... No! Not Lily." Halos mahigit ko ang hininga ko nang matalim niya akong titigan. "For the janitress... You heard me right..." Hindi niya inalis ang mga tingin sa akin. At napanganga ako sa sumunod niyang iniutos kay Sir John. "She will be with me. This girl will stay with me for thirty days!"
Naririnig kong may sinasabi pa si Sir John. Pero malabo at ayaw rumehistro sa utak ko. Para kasing may mali. Parang may ibang gustong mangyari si Mr. T.
"I don't care, John. Tawagan mo si Fran! Or si Nathan! Let them take charge." Patuloy na salita ni sir. Napaatras ako. Alam kong medyo slow ako at matagal mag-load pero malakas ang kutob ko na may mali. Tumalikod ako upang makalabas na ng opisinang iyon para makapag-isip. Pero nagulat na lang ako nang hawakan ni Mr. T ang kamay ko sabay lumabas mula sa pantry si lolo pogi.
"O mga apo, mamaya na ang lambingan! Samahan nyo na akong mag-almusal. Pag-usapan na natin ang inyong nalalapit na kasal."
~~~~~~~~~~
Girl, why are you playing with me?
Girl, who are you playing with?
You've been on that new stuff
I've been on the same shit
Girl, why are you playing with me?
I don't got the time for that
Might need me a refund,
I'm a need that time back.
You say you'll try
I've heard that lie a thousand times before
I'm not sad, I'm not crying
If you mad, that's fine,
but I think that I should go
Why you try to play me?
You being a different you and I'm being the same me.
Girl, why are you playing with me?
~~~~~~~~
Comment and vote po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro