Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

"Honey...
Ah, sugar, sugar!"

Parehas ba kita bes? Sintamis ng dila ko ang asukal. Tikman mo pa! Hehehe! 😝

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

"Ate? Hindi ba si-"

"Oo siya nga. Lika na sa loob at lumalakas pa ang ulan!" ayun lang ang sagot ko sa tanong ni Magilas saka mabilis na akong tumakbo papasok ng bahay. Sabi ko na, magtataka siya. Ang gara kaya ng kotseng naghatid sa akin.

Madilim na ang loob at mukhang tulog na sina tatay, nanay at Marikit.

"Tagal naming naghihintay sayo. Inantok na sila nanay. Bakit ba ngayon ka lang ate?" Pinatayo niya sa gilid ng pinto ang isinarang payong.

"Nasiraan kami ni sir." Habang naghuhubad ng sapatos.

Nagulat ako sa akbay niya. "Astig ka, Ate. Paano mo nagawa iyon?"

"Ang alin?" Tinanggal ko ang kamay niya mula sa balikat ko para hindi siya mahawa sa basa kong mga damit.

"Na nadala mo si Mr. T dito sa bakuran natin! Iba ka talaga! Kaya elibs na elibs ako sayo eh!" Saka niya kinurot ang pisngi ko. "Akalain mo, Talaserna meets Dimabuyu! Pwedeee!" Natawa lang ako sa pang-aasar niya.

"Nagkataon lang na naawa siya sa 'kin kasi naiwanan ako ng shuttle bus." Paliwanag ko kahit na pati ako rin naman, hindi makapaniwala.

Nasa loob na ako ng banyo. Isa-isa kong hinubad ang mga suot ko at saka ibinabad sa plangganang may tubig at konting surf. Napahikab. Sa totoo lang, tinatamad na akong maligo dahil antok na antok na ako. Kaya nagbuhos na lang ako ng isang timbang tubig. Saka nagpatuyo ng buhok sa pamamagitan ng twalya habang nakaupo sa bowl.

Mag-aalas dose na siguro ng madaling araw. Kumakalam din ang sikmura ko dahil hindi pa ako naghahapunan. Magkakape na lang siguro ako mamaya bago matulog. Alas singko dapat nasa building na ako ng Tee Corporation. Alas kwatro y media ang unang byahe ng shuttle at magta-tricycle pa ako papuntang sakayan. Hindi ko ulit napigilan ang mapahikab.

Maya-maya ay napapangiti na lang ako. Bumabalik kasi ang itsura ni Mr. T sa isip ko. Dalawang beses na niya akong sinasalo. Una, noong nahulog ako sa may bintana ng opisina niya habang naglilinis ako at hinahanap ang daga. Tapos kanina, iniiwas niya ako sa rumaragasang motorsiklo. Nakilala ko siya na sobrang sungit, hindi lang naman sa akin kundi sa lahat na yata ng tao. Si Lily nga na kasintahan niya, nagawa rin niyang dedmahin kanina. Pero ngayon, iisipin kong sinapian siya ng mabuting ispiritu. Kahit na suplado siyang umalis kaya nga hindi na ako nakapag-thank you. Sabi nga ni Magilas, pwedeee!

Kinikilig akong naginhawahan paglabas ng mga kinain ko sa buong maghapon. Pero parang may natira pa kasi masakit pa rin tiyan ko. Push pa ng konti. Ahhhh.... Habang nakatakip ang ilong ko. Siguradong lalo akong gugutumin nito!

Naalimpungatan ako sa ingay. Muntik na rin akong mahulog sa kinauupuan ko. Ano ba iyong ingay na iyon?

Tidididit... Tidididit... Paulit-ulit. Tumilaok ang manok ng aming kapitbahay. Hala! Anong oras na ba?

Dali-dali akong nagsahod ng tubig sa tabo para maghugas. Patay ako nito. Hindi ko na namalayan ang oras at mukhang dito na ako nakatulog sa banyo.

Nagtatakbo akong pumasok sa maliit kong silid para patahimikin ang alarm clock. Alas kwatro na nga ng madaling araw! Namaan! Bakit ba napakabilis ng oras? Kanina lang jumejebs ako pagkurap ko umaga na?

Parang sinilaban ang pwet kong nagmamadaling hinanap ang uniform ko. Hindi ako pwedeng ma-late. Kailangan kong mauna kay Magilas dahil alas otso pa naman talaga ang pasok niya. Sinamahan ko lang talaga siya noong first day niya. Syempre, excited ang ate!

Teka! Nahilo na ako kakahanap ng uniform ko sa loob ng kabinet. Usually, sinasabit ko lang iyon sa likod ng pintuan eh. Bakit wala rito? Wala rin sa hangeran. Wala rin sa labahan. Giniginaw na ako, kanina pa ako nakabomba rito! Buti na lang tulog na tulog pa si Marikit, hindi niya makikita ang ka-sexyhan ng ate niya.

Pinutakte! Natampal ko ang aking noo nang maalala kung saan ko naiwanan ang aking uniporme. Nagtatakbo ako pabalik ng banyo at...

Walah! Wala na! Wala nang panahong maglaba pa at magpatuyo ng uniform ko dahil nakababad pa rin ito sa plangganang may bula-bula pa ng surf! Napapikit na lang ako at agad binanlawan ang damit. Pinagpag at saka isinampay sa labas ng bahay habang nakatapis lang ako ng twalya. Paano pa ito matutuyo eh paalis na 'ko? Tiningnan ko ang orasan. Four twenty na! Munyemat nyaman (sound ngo-ngo)!

Kaya kahit ano na lang ang kinuha ko mula sa closet. Hindi na rin ako nagsuklay. Bagay naman sa akin ang messy hair divah!

T-shirt na puti at maong na asul ang naisuot ko. Dahil malamig pa ang umaga, nagsuot din ako ng jacket na may hood. Okay lang naman siguro ito. Anong magagawa ko kung hindi natuyo ang uniform ko 'di ba? Saka napakalakas naman talaga ng ulan kagabi.

Tulog pa ang lahat ng umalis ako ng bahay. Ayoko naman silang istorbohin sa kanilang mga panaginip. Sakay na ako ng tricycle at nililipad ng hangin ang buhok ko. Kaya itinalukbong ko muna ang hood sa ulo ko. Nagtatakbo ako sa pilahan ng shuttle bus. Kahit konti pa lang ang mga pasahero, kahit hindi pa puno ay umandar na ito. Napalungayngay na lang ako sa aking upuan dahil talagang antok pa ako. Sayang pa ang kalahating oras na idlip.

Umabot naman ako on time. Nag-punch ako ng card at ang karelyebo na ni manong guard ang nakapwesto sa entrance. Hindi naman siya nagtaka kahit hindi ko suot ang uniporme ko. May ID naman kasi ako.

Nagmadali akong pumasok sa storage para kunin ang mga panlinis. Wala pa si Mang Celo. Ang buong carpeted floor ang inuna kong na-vacuum. Dala ang basahan at squeegee, opisina naman ni Mr. T ang pinasok ko. Napakarami pang basura. Kung sana walang malaswang naganap kagabi, natapos ko na sana ang ibang trabaho ko rito. Mas mapapadali sana ang paglilinis ko.

Napakunot ako nang may napansin akong gumagalaw sa ilalim ng mesa ni sir.

"Aha! Ang mabait ay nagtatago sa ilalim ng mesa!" Hindi ko pwedeng sabihing daga kasi baka maintindihan niya ako. Tapos, magtago na naman siya at hindi ko na naman mahuli.

Nagbilot ako ng mga dyaryo para ipukpok sa daga. Marahan akong naglakad palapit sa mesa ni sir.

"Andres... Andres... Huwag kang magtago na parang toot-toot."

Nang malapit na ako sa mesa ay agad kong pinagpupukpok ang gumagalaw na papel. "Huli ka, balbon!" Sabi ko pero mukhang nakawala pa yata at nagsumiksik sa dulo ng lamesa. Kaya sinundan ko pa rin siya. Gumapang ako sa ilalim at hinanap ang salarin.

"Mousy, mousy! Meee-yaw..." Matakot ka. Pusa ako! "Meee-yaw...."

"You don't have to be here this early. You should be lying in bed and sound asleep."

Hala! Sino iyon? Bigla kasing bumukas ang pinto kasabay ng mga yapak at mga boses.

"Hijo, I'm on my way for a morning exercise and decided to check on you first." Hindi ako kumilos. Baka rin kasi makawala ang daga kapag nalaman nitong may mga kasama na ako para hulihin siya. "Kumusta ka na ba, hijo?"

"I'm alright 'lo. You don't have to worry about me..."

"But you haven't talk to me seriously. Alam mo naman kung ano ang kahilingan ko. Bakit hindi mo man lang ako mapagbigyan?"

"Achooo!" Napasinghot ako. Maalikabok pala ang ilalim ng mesang ito, lagot! Tss, paano ko pa mahuhuli ang mabait?

"Is that...? Wait. What is that, apo?"

Naramdaman ko ang mga taong papalapit sa pwesto ko. Hindi naman ako makaalis agad dito nang hindi gumagapang pabalik.

"Oh, honey! What are you doing under my table?"

Nakagat ko ang labi ko. Sino namang matinong tao ang tatawag ng 'honey' sa daga? Aba, kaya pala umaabuso ang mga daga rito, eh. Bini-baby masyado.

"Honey?" Tanong ng isang boses. "Hijo, you mean..."

Nagulat na lang ako nang may malakas na pwersang humila sa balakang ko palabas ng kinaroroonan ko.

Una kong nakita ang dalawang pares ng sapatos. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa hood na nakasukbit sa ulo ko.

Nanigas ako nang may umakbay sa akin pagtayo ko. Isang mamang tingin ko ay matangkad. Mabango. At higit sa lahat...

Matigas!

Napayuko akong lalo.

"Just the way I expected. Good choice, hijo. I like her unadorned, plain and simple." Sabi ng boses na nasa harapan ko. "Kumusta ka, hija." At may kamay na tumapat sa akin. Teka! Ako pala kausap niya?

Hoy, Mayumi, binabati ka yata! Sumagot ka nga! Huwag kang bastos!

Pero bago ko inabot ang kamay ko ay tinanggal ko muna ang hood na suot ko. At nakita ang isang gwapong matanda na ngiting-ngiti sa akin.

"K-Kumusta po?"

"Lolo, meet my fianc-" Biglang nawala ang mabangong nakaakbay sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya. "IKAW?" Nanlalaki ang mga mata niyang napasigaw.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "G-Good morning, Mr. T. Hindi ko pa rin po nahuli ang daga." Peace sign.

Nagtaka na lang ako dahil biglang nagdikit ang mga mapuputi at pantay-pantay na ngipin niya na parang mangangagat na aso!

~~~~~~~~~~~

Sugar
Ah, honey, honey
You are my candy girl
And you got me wanting you
Honey
Ah, sugar, sugar
You are my candy girl
And you got me wanting you
I just can't believe
The loveliness of loving you
I just can't believe its true
I just can't believe
The wonder of this feeling, too
I just can't believe its true.

~~~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro