Chapter 13
Hello sa aking pinakamasipag mag-comment na si @hephijho 😉
_______
"S-Sir... M-Mister T?" Ilang beses nagbukas-sara ang mga mata ko. Nananaginip yata ako. Ano ang ginagawa rito ni sir?
"Kanina pa nakaalis ang shuttle. Why are you still here?"
Lumunok muna ako. Kinurap-kurap ulit ang mga mata. Hala! Si Mr. T talaga siya!
"Honey, let's go!" may maarteng sumigaw mula sa likod ni Mr. T. Nakasungaw sa bintana ng puting kotse ni sir yung sexyng babae na nakita kong nakakandong sa harap ni Mr. T kanina habang gumigiling-giling at humahalinghing pa! Hashtag flash back.
Nilingon ni Mr. T ang babae pero wala namang sinabi. Binalingan niya ulit ako. "Where do you stay?"
"P-Po?" nakatitig si sir sa mga mata ko. Tinatanong niya ba kung saan ako nakatira? Bakeeet ba-ket? Na ang ibig sabihin ay matanda sa ilocano.
"Tinatanong ko kung saan ka nakatira!"
Hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti. Nahihiya akong inayos ang aking bangs. Tumikhim muna ako. "Sa Cupang lang, Mr. T." Sheeet na malagkeeet. Pa-cute ang nene. Gaga ka, may jowa na iyan oh ayan sa likod niya. Pabebe ka? Parang naririnig ko naman si Leng.
"Let's go." Tumalikod na si sir. Uhhh, tinatanong lang pala niya kung taga-saan ako. Sige na sir. I will let you go. Bye!
Nakabalik na si Mr. T sa kanyang kotse. Nakahalukipkip ang katabi niyang babae sabay irap sa akin. Si Ms. T kaya siya? As in taray, taas kilay at tontrabida?
Umugong ang sasakyan. "Hey you! I said let's go!" sigaw ni Mr. T, nakadungaw sa bintana at nakatingin sa akin.
Oo nga 'di ba? Sabi ko nga, I will let you go! Pero teka! Ako pa rin yata ang kausap niya.
"Manang sumakay ka na! Ihahatid ka na namin ni Brix!" sabi ni Ms. T. Nilingon ko ang katabi ko. Sinong manang? Hala may mumo nga yata talaga! Bakit hindi ko makita ang manang na tinatawag nila?
Nagmamadaling bumaba ng kotse ang babae. Napaatras ako nang makita kong humakbang siya palapit sa akin. Nakupo! Sasabunutan yata ako ng mataray na 'to!
Napapikit ako nang maramdaman ko siya sa harap ko. At muli ring napamulagat nang hilahin niya ang kamay ko. Siya pa ang nagbukas ng pintuan ng likod ng kotse at itinulak ako paloob. Nakita ko pa ang ilang ulit niyang pagbuntong hininga at pailing-iling pa nang makabalik na siya sa tabi ni sir. Eh malay ko ba na ako pala ang manang na tinatawag niya!
Umandar ang kotse.
Swabe.
Napapikit ako. Hmmm, amoy sir.
"I'll drop you home first, Lily." Narinig kong nagsalita si sir.
Lily? As in kung Lily-gaya ka sa etits ng iba?
"No, it's alright honey. I can come with you. Then we can go back at my place." Malambing na sabi ni Lily-bagin.
"It's late. You should rest." Walang emosyon ang boses ni sir habang nagmamaneho.
"But I miss you so much, Brix!" Napamulagat ako. Siya siguro ang girlfriend ni sir. Hinarap ni Lily-gpitin si Mr. T. "You're too busy and you don't have anymore time with me."
"That's the point. I'm busy." Diretso lang ang tingin ni sir sa daan. Pinagmamasdan ko sila. Si Mr. T ay parang walang pakialam. Si Ms. Lily-masin, nagtatampo naman.
Ako, bukod sa nakikisakay lang, nakiki-usyoso lang din. Hirap naman kung tatakpan ko ang tenga ko habang nag-uusap sila, 'di ba?
"Thank you nga pala sir, Mr. T!" Masayang singit ko sa usapan nila.
"Lagi ka na lang walang oras sa 'kin." Hindi yata nila ako narinig. Sa tono, mukhang umiiwas si sir kay Lily-bakin.
"I told you, my grand dad is coming over. And I have to fix things..." Ayun naman pala. Busy talaga si Mr. T. Napatango ako sa sinabi ni sir. Ganda ng batok niya. Bagong ahit. Ganda ng likod ng tenga. Lapad pati ng likod niya. Ganda ng view ko rito sa likod...
"You can tell me about it." Si Lily-pulin naman ang tiningnan ko. "We've been together for as long as I remember. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako ipinapakilala sa lolo mo." Mahaba ang buhok, may maliit na brilyanteng hikaw at makapal ang lipstick. Lily-tsunin ko ang babaeng ito. Nakaka-imbyerna ang ganda niya eh. Nakakahiya akong itabi sa kanya. Sabi nga niya, ako si manang, 'di ba?
"You're being demanding, Lily. I told you-"
"Yes you told me not to demand anything from you. But just a bit of your time, Brix. Please spare naman for me." Napatango ulit ako. Sabagay, kung ako ang may boyfriend na kagaya ni sir, gugustuhin ko rin na maglaan siya ng oras para sa akin. Tingin ko rito kay Mr T, wala nang time magpahinga, puro na lang siya pagpapayaman eh ang yaman-yaman na nga niya!
Hindi naman na kumibo si sir. Mukhang may malalim na iniisip.
"Hey manang, sorry sa nakita nyo kanina ha."
Nagulat ako nang pagtingin ko sa salamin sa harap ay nakatingin sa akin si Lily. Napalunok din ako nang maalala ang nasaksihan ko kanina. Wala naman akong pakialam sa mga pinaggagagawa nila kung bakit siya nagso-sorry sa akin?
"Naku, wala po iyon mam." Parang may binugaw akong langaw na pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo, hindi ko na maaalis sa utak ko ang censored na ginagawa nila kanina. At biglang kumulog ng malakas. Napangiwi tuloy ako at nakagat ang hintuturo dahil parang gusto yata akong patamaan ng kidlat. Minsan lang naman po ako magsinungaling eh!
"Na-miss ko lang kasi ang honey ko." Wika niya sabay galaw ng kamay at pumatong sa hita ni sir. Nanlaki ang mga mata ko. PDA?
"Lily, I'm driving." Tinanggal ni Mr. T ang kamay na iyon. Hmm, pakipot pa itong si sir. Gusto rin naman niya. Eh kanina nga halos hubaran na niya ang babaeng iyan kundi ko lang sila naistorbo.
Nagsunod-sunod ang kulog kasabay ng mga kidlat. Hala! Mukhang uulan pa yata. Mabuti na lang isinabay ako ni Mr. T. Walang maniniwala sa akin na naupuan ko ang magarang kotse ng tagapagmana ng mga Talaserna.
Maya-maya ay naramdaman kong bumagal ang sasakyan.
"Brix, ayoko pang umuwi. The night's still young. I wanna spend this evening with you." Hayun na naman ang kamay niya sa ibabaw ng hita ni sir. Bakit ko ba kasi tinitingnan eh?
Sa labas ng sinasakyan namin ay isang mataas na gusali. Dito siguro nakatira si Lily.
Nakatigil na ang kotse. Tiningnan ko ang dalawang nilalang sa harapan ko. Hindi man lang pagbuksan ni Mr. T ng pintuan si Lily. Kaya tuloy kitang-kita ang pagsimangot ng babae. Sa halip, kinuha ni sir ang cellphone niya mula sa compartment at nagpindot ng mga numero habang hinihintay na bumaba ang girlfriend niya. Napailing ako. Hindi talaga gentleman itong si sir.
"B-Brix, hindi mo ba ako sasamahang umakyat sa condo ko?" halatang napapahiyang tanong ni Lily.
"You can walk yourself. Hurry up. It's getting late." Tugon ni Mr. T na hindi man lang tumingin sa babae. Tsk, tsk, tsk! Torooooy!
"Hey, manang..." Nilingon ako ni Lily. "Pwede bang pagbuksan mo ako ng pinto?" Itinuro ko ang sarili ko. Me? Why me? "Please?" Ay! Pa-cute ang ale. Parang tuta. Patingin-tingin din siya kay sir at parang nagpapaawa. Kaso, manhid talaga ang prinsipe.
"Oo naman mam. Ako na po ang magbubukas ng pinto para sa iyo." Masiglang sabi ko at mabilis na bumaba para pagbuksan siya. Parang senyorita lang or tamad lang talaga siya.
Sakto naman. Bumuhos ang napakalakas na ulan. Kung kelan ako nakalabas ng sasakyan. Wala naman akong balat sa pwet!
Dali-dali kong binuksan ang pinto kung saan nakaupo si Lily.
"Manang, ang lakas ng ulan. Ayokong bumaba!" Sigaw niya para marinig ko. Naman! Kung kelan basa na ako oh! Pero 'di ko naman pwedeng sabihin sa kanya iyon.
Kaya, bumalik ako sa loob kotse. Daig ko pa ang naligo sa shower. Nakadama ako ng ginaw dahil sa malakas na aircon at tumama sa basang katawan ko. Sinubukan kong punasan ang sarili ko.
"What's this?" Malakas na boses ni Lily kaya napatingin ako sa kanya. Iyon pala, may iniabot na jacket si Mr. T sa kanya. Ako ang basang-basa, pwede bang sa akin na lang ang jacket na iyan?
"Use it. Keep it. And go." At nag-text ulit sa cellphone niya.
Hahahaha! Nakakatawa itong si sir. Parang robot magsalita. Saka, manhid ba siya? Parang wala talaga siyang pakialam sa girlfriend niya!
Huling-huli ko ang inis at pagkadismaya ni Lily. Pahablot niyang kinuha ang itim na jacket saka nagmamadaling bumaba ng kotse.
Ngayon ko naisip, malas din pala ng mga babaeng iibig kay Mr. T kahit pa saksakan siya ng kagwapuhan at kayamanan.
"And why are you staring at me that way?" Napasinghap ako. Dahil nakasimangot na rin pala ako habang nakikipagtitigan kay Mr. T.
Follow, vote and comment
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro