Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Natakpan ko ang bibig ko. Anyametin! Akala ko may mga pakalat-kalat na daga kaya may ingay. Iyon pala, mga pusang naglalampungan!

Mabilis ang mga paa kong bumalik ng storage room. Dumadagundong pa rin ang dibdib ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naka-witness ng live show. At parang nagre-replay pa sa walang kamuwang-muwang na utak ko. Si Mr. T ay may kalong na sexyng babae. Halos hubad na siya at parang sumasayaw sa ibabaw ni sir!

Woooh!

Dali-dali akong uminom ng tubig. Alam kong butil-butil ang pawis ko. Grabe ang init! Kaya hinipan ko ang sarili ko, ang nalaglag kong bangs pati na ang ilalim ng baba ko. Pati mga kamay ko ay pumapaypay sa leeg ko para lang pakalmahin ang nararamdaman ko.

Inubos ko ang laman ng baso. Mabuti na lang at may water dispenser dito para malamigan naman ang nag-iinit kong utak!

Sinadya ko talagang magpagabi dahil gusto kong magpasikat kay sir. Akalain mong hindi niya ako sinesante kanina? Muntik na! Pero bigla niyang binawi. Siguro, kinalabit siya ng fairy god mother ko! Kaya ipinangako ko sa sarili ko na magsisipag ako palagi. Na mauuna na ako kay sir pumasok. Na kahit palagi akong mag-overtime para wala siyang masabi. Ilang oras nga akong hinintay ni Magilas pero pinauna ko na siyang umuwi.

Ihip-ihip! Paypay-paypay! Hinga-hinga! Ngayon naiisip ko tuloy kung magpapasikat pa ako ng kasipagan kay Mr. T. Paano kung gabi-gabi pala siyang may kandong na babae? Paano na ang inosente kong utak? Syempre, maiisip ko ang kasunod na gagawin nila, 'di ba? Haleeer! May sex education din naman kami noon at kahit hindi ko iyon masyadong maintindihan, sa dami ba naman ng paliwanag ni Leng ay hindi ko pa iyon mage-gets? Matalino rin naman ako paminsan-minsan. Hihi!

Mabuti pa ay makauwi na. Hindi ko alam kung nakita ako ni Mr. T kanina. Tinakpan ko kasi agad ang mga mata ko bago pa ako mabulag ng ginagawa nilang kasalanan. Lakad-takbo ang ginawa ko para makababa ng building.

Naraanan ko si manong guard na hihikab-hikab."O, Mayumi!" Aba! First name ko iyon, ah. Hindi naman ako nakipag-close sa kanya. "Ginabi ka na. Marami bang kalat sa taas?"

"Opo, Manong! Sobrang dami. Mga twenty times akong nagtapon ng basura!" kako na lang pero dire-diretso nang lumabas ng gusali. Na feeling ko may sumusunod sa akin. Tumatayo pa nga ang mga balahibo ko, oh!

Inilang hakbang ko ang papuntang shuttle bus. Wala pang nakapila. Wala pa ring bus. Ang alam ko, alas-diyes pa naman ang last trip. Pasado alas nuebe pa lang naman kaya aabot pa ako.

Pakiramdam ko ay tumatayo ang mga balahibo sa batok ko. Alam mo iyon? Goosebumps 'ata tawag doon? Iindap-indap kasi ang ilaw dito sa tabi ng poste kung saan ako naghihintay. Malamig ang ihip ng hangin na nagagawang liparin ang aking bangs. At nakakapagtaka, ang dating maraming taong daan, ngayon ay iilan lang halos ang dumaraan. Ako pa rin ang nauuna sa pila. Ang problema, ako rin ang nasa huli!

"Ay putakte!" halos mapatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko pa ang paligid at baka may nakatingin sa akin. Bakit ba kinikilabatutan ako? Pakiramdam ko nasa dako paroon ako. Likha ng aking balintataw. O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan. 'Di kayang ipaliwanag. Ngunit alam mong magaganap!

"Ahhhhh!"

"Ate! Ate Mayumi! Hello..." may nagsasalita! Saan galing iyon? Nuno sa punso? "Ate! Ano'ng nangyayari sayo?"

Sisigaw sana ako ulit nang maalala kong boses nga pala ni Magilas iyon. Saka ko naalalang siya pala ang tumatawag sa cellphone!

"Ano ka ba, Magilas? Bakit nanggugulat ka?" Sermon ko sa kanya.

"Nanggugulat? Ano na ba'ng nangyayari sayo? Bakit hindi ka pa umuuwi? Tinatanong ka na nina tatay at nanay! Saan ka ba nagsususuot?" Umikot ang mga mata ko. Hala naman! Parang siya na ang tatay ko! Makatanong naman, sunod-sunod! Eh sa wala pa ang shuttle bus, ano'ng magagawa ko? "Bakit ka sumisigaw? Nakidnap ka ba? Na-rape ka ba? Ate naman! Wala tayong isang milyon!"

Hindi rin OA 'tong kapatid ko, 'no! Saka isang milyon? Ganoon ba 'ko ka-cheap? "Tange!" Nakahinga ako ng maluwag. Napalitan ng ewan ang takot ko kanina. Ewan kasi hindi ko alam kung magagalit ako kay Magilas o kung matatawa ako sa kanya! "Ano'ng pinagsasabi mo riyan? Pauwi na ako. Naghihintay lang ako ng shuttle bus. Tagal nga, eh!"

"Ganoon ba? 'Kala ko kung napano ka na. Sige, ingat ka ate. Nayyy..." Narinig ko pa ang huling sinabi niya kay nanay na pauwi na ako.

Ibinulsa kong muli ang cellphone. Pinalo ang lamok na kumakagat sa braso ko. Kinamot ang kagat. "Tagal namaaan!" reklamo ko sa sarili ko.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at nangawit na ako sa kinatatayuan ko. May pumila rin naman kasunod ko. Mag-jowa siguro kasi magka-holding hands. Ang cute nga nilang tingnan eh. Nagkukurutan pa nga ng pisngi. Para silang si batman and robin! Ang lalalim pati mga boses nila. Sabi ng isa, "Cute mo, babe." Sagot ng isa, "'Kaw din, babe." Parang mga pavarotti at andrea bocelli ang mga boses. Kakaantok tuloy. Napahikab ako. Naupo sa gutter. Kanina pa ako nakatayo rito. Ngawit na ang makikinis kong mga legs. Sumandal ako sa poste habang naghihintay ng shuttle bus. Para akong nahehele ng mga boses ng dalawang beki!

La luce che to dai
Nel cuore resterà
A ricordarchi che
L'eterna stella sei

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

"HOY!" Nag-aaway siguro ang mga bakla. Kanina lang bago ako pumikit ang sweet-sweet nila. Ngayon, LQ naman.

Tulog ulit.

"Hoy, miss! Gumising ka nga!" Naramdaman ko ang marahang pagsagi sa binti ko. Bakit ba sila nangengelam eh sa antok na 'ko? "Hoyyy!"

"Ay putake!" Muntik na akong masubsob. May tumulak kasi sa akin habang ako'y nagmumuni-muni. Lokong mga badinggar-z 'to. Pati pag-idlip ko pinapakialaman! "Ano ba?" Iritado akong napatayo habang pinapagpag ang pang-upo ko.

"Bakit dito ka natutulog? Wala ka bang bahay?" Tanong ng taong nakatayo sa harapan ko.

"May bahay ako, 'no!" Nakapamaywang kong sagot sa matangkad na lalaki. Ganda ng shoes niya. Pure leather siguro. Kasi nangingintab kapag tinatamaan ng ilaw na nagmumula sa poste.

"And why are you still here?"

"Eh kasi nga..." Huh! Teka! Kilala ko ang boses na iyon, ah. Iniangat ko ang ulo ko.

Holy patatas!!!

~~~~~~~~~
Follow me wherever you go.
😙

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro