18 // Cheater
Chapter 18
Nabu-bwisit pa rin ako sa lalaking 'yon hanggang ngayon. Kung hindi lang nagkataon na nagkita kami kagabi, hindi rin naman agad ako aalis sa night market. Kaya ko pang hintayin si Caleb doon—kung dumating nga ba siya o hindi dahil no'ng umalis ako, wala man lang text sa akin o kahit ano.
Isa lang ang ibigsabihin no'n, hindi rin talaga siya sumipot.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung anong pumasok sa isipan ko at pinagbigyan ko pa ng chance 'yon na kitain. When in fact, alam ko na naman ang magiging resulta.
Kaninang umaga, wala naman akong mga klase. Hindi pumasok ang mga professor ko at hindi ko alam kung bakit. Ang laking tuwa ng iba kong kaklase dahil hindi natuloy ang mga quizzes namin.
Also, while I was at lunch earlier, naka-receive ako ng notification na in-add ako sa isang group kung saan ang mga member do'n ay mga invited sa magiging party tonight sa kung kanino man bahay 'yon. There were more than sixty students on the group including my best friend—Krisa. Kabilang din do'n sina Chienna at Griffin.
Magli-leave sana ako sa group na 'yon dahil wala naman akong interes na pumunta lalo na't nandoon iyong mga taong iniiwasan kong makasalamuha. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako na-add sa group. Hindi naman ako relevant? O baka dahil sa mga nangyayari ngayon ay relevant na ang turing nila sa akin?
Mag-isa lang ako sa bahay at itinuon ko na lang ang atensyon kong manood ng Kdrama at baka may mapala pa ako ngayong gabi.
Nagkaroon din naman ako ng ideya na silipin kung ano na ang nangyayari sa group na kabilang ako. Mula sa unang pagbisita ko, meron lamang sixty plus iyon na ngayon ay umabot na sa hundred plus.
May ilang pictures na rin na posted doon at mukhang nagsisimula na ang party since nagdaratingan na silang lahat doon.
Kahit parang ang exciting tingnan ng mga picture, hindi pa rin naman ako natukso na pumunta.
And while I continue watching, naagaw ng atensyon ko ang group kung saan patuloy akong may nari-receive na notification dahil karamihan ng mga nagpupunta ro'n ay pinopost nila ang mga picture nila.
Hindi iyon sa isang bahay lang—hindi siya frat party na pinuntahan namin last time. Para bang sa isang clubhouse sila at anak ng mayaman ang nag-organize ng party kaya lumalago nang lumalago ang members ng group dahil napapansin ko sa ibang picture na pinopost nila ay may mga lower year na ring dumadalo.
Nang mapansin kong masyadong natutuon ang atensyon ko ro'n, I just turned my phone off at muli akong nanood.
I just grabbed a snack to eat while watching. But while watching, I couldn't even understand what I was watching. Panay ang tingin ko sa phone ko kaya sa huli nang matapos kong panoorin ang pinapanood ko na hindi ko na rin naman naintindihan.
I just turned my phone on and proceed checking what's on the group.
And then there I found some juicy news—and they were about Griffin.
May mga sunod-sunod na video pa ang pinagpo-post nang kung sino-sino at iisa lang ang pinopost nila. Iba-iba lamang ang mga anggulo.
And then I played the video.
"How dare you to come at me pa, Griffin?" Chienna shouted.
All the people who were there are watching them all. Tahimik at nakatutok ang mga camera sa kanila. Nagulat din ako nang mahagip ng camera do'n si Krisa. Hindi na rin naman ako nagulat nang makita ko siya ro'n since she would be there as she was invited.
"Why not?" sagot ni Griffin sa video.
"You're a liar," she said, pointing her finger at his face. "You cheated on me. Kung hindi ko pa nga napapansin 'yang pag-ngiti-ngiti mo sa phone mo habang may ka-text ka, I wouldn't know a thing about it. You said you just found something funny online and all. And at that moment, you're already cheating to another girl with me. How dare you to say na why not? Ano okay lang sa 'yo? Ang kapal naman ng mukha mo."
"Don't make this a big—""
She didn't even let him finish his words when she slapped his face in front of these people who are attentively watching them.
"Not big deal mo mukha mo!" sigaw ni Chienna. "I wonder who the girl is..." Lumingon si Chienna sa paligid at mariing tiningnan ang bawat babaeng nasa paligid niya.
All looked so innocent and avoided her glance.
Saglit lang din naman ay pumagitna iyong lalaking nag-organize ng party. It was Lance—he was the admin of the group and the one who invited me there as well. Hindi na naging audible sa video kung anong sinabi ni Lance sa dalawa dahil ang sunod niyang ginawa ay nagbigay ito ng anunsyon na bumalik na sa mga sariling ginagawa ang mga ito.
Chienna joined her friends while Lance patted Griffin's shoulder as he walked away.
Napasinghal ako dahil kung kailan hindi ako pumunta sa isang okasyon, saka naman maraming nangyari. I would be there laughing at him dahil sa ginawa niya. Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isipan ng lalaking iyon at nagawa niya iyon.
Who's in the right mind na magloko pa kung nasa stable relationship ka naman?
If this girl is something that Griffin would do anything for his previous relationship, maybe this girl is special... or maybe not. Maybe he was just trying to get to this girl so he can satisfy himself.
But good thing, I'm not the only person who hated him. Maybe... the rest of the girls inside the campus does. This is what happens when he keeps playing with someone who he doesn't have an idea to come against with.
Good thing, I didn't let the cheater play me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro