15 // Confrontation
Chapter 15
I'm not the enemy here, pero bakit parang ako 'yong nagmumukhang evil-step sister dito?
Krisa's not talking to me and I don't understand why and whatever Griffin said to me was complete nonsense. At hindi ko nga alam kung bakit pinagpipilitan ko pa ang sarili ko na alamin kung anong nangyayari when in fact, wala naman akong ginawa in the first place. Wala naman dapat gawing issue. Sila lang itong mga walang magawa sa buhay at gumagawa ng issue.
Saglit lang din nang makatanggap ako ng message mula sa isang unknown number. Sinubukan ko pang replayan kung sasagutin ba ako nito, pero hindi naman. Kung sino man nagpapakalat ng number ko kung kani-kanino, humanda siya sa akin.
And I hope it's not Krisa.
When Griffin left my apartment, pinuntahan ko si Krisa unit niya so I can talk to her and know what was happening. Alam kong hindi naman 'yon gagawa ng mga kalokohan si Krisa. I've known her since we've met on our first day in college and we've been together through better and worst times of our college life... and this thing wouldn't be the reason why we would be turned into enemy.
Tumungo ako sa bahay niya. Nag-text ako sa kanya bago ako pumunta. She wasn't answering any of my calls or messages kaya naman baka ini-ignore niya lang ako at sobra sa pagtatampo kaya bago ako tumuloy sa bahay niya ay dumaan pa ako sa isang ice cream shop pampalubag loob.
But as soon as I get there, I continued knocking on the door, pero walang sumasagot sa akin. I know she's at home and wouldn't be anywhere else at this moment. Gabi na kaya naman alam kong nandito lang siya.
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko 'cause I know she was just there, waiting for me to leave. But I stayed. Patuloy ko siyang ginambala hangga't sa ilang saglit ay bumukas nang biglaan ang pinto at saka siya bumungad sa akin.
She just looked straight at me, pero binungaran ko siya ng malaking ngiti.
"Hi, bes!" pagbati ko pa. "I've brought something for you!"
Inabot ko sa kanya iyong paperbag na hawak ko, but she just look at it and bring her eyes back into mine. And yes, she just ignored it one again kaya dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko.
"Are you okay?" I asked, but she didn't answer me. Iniwas niya lang saglit ang tingin sa akin. Para bang inirapan niya ako. "Can we talk?"
She immediately shook her head. "No... I don't think so. I'm good... matutulog na rin ako. You should go home as well."
"May nagawa ba akong mali?" I asked straightforward.
She looked at me.
"Alam kong meron," aniko. "Kanina sa campus, I know you saw me and you just ignored me. Kung may problema ka sa akin, just tell me. Ayoko iyong ganito tayong dalawa na hindi nag-uusap. It is because of what I did to Chienna?"
Napangisi naman ito.
"So? Tama nga ako?" aniko.
She chuckled. "Alam mo... it's not just about Chienna. Everything you do lately. Sobrang mali, Aneesa, and I don't think you're realizing that so I'm giving you some space to learn what you did there. Pero ngayon... parang wala lang talaga sa 'yo, 'no? You're just shrugging it off like you did nothing. You're doing a bad job here, Aneesa. You should realize that."
Ako naman ang napangisi sa mga sinabi niya. "For your information, wala naman akong ginawang mali. And I know you know that. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin and you're making a big deal out of it. Nakakaloka ka, Krisa. If you're making it a big deal iyong nangyari sa cafeteria kahapon, you should forget about it."
"You did more than that," aniya.
"Oh? For real? E, 'di, ano?" tanong ko pa.
"You lied to me," aniya. "Ang sabi mo sa akin, wala naman kayong pag-uusap ni Griffin or whatever you do with him. You basically lied to me and you betrayed me there. Bakit hindi mo siya sinabi sa akin? You know, I could've helped you, and instead of doing that, you kept it to yourself tapos ngayon ako ang magiging masama just because I'm mad at you? 'Di ba, deserve ko namang magalit sa 'yo?"
Hindi ako sumagot nang maisip ko ang nangyari kanina sa campus.
"And with that being said, I'm sure you're the one na nagpakalat na mayroong something between me and Griffin, 'no?" At first, I was expecting she would deny it at sasabihin sa akin na hindi siya ang may kagagawan no'n, but she smirked, and based on that initial reaction, I knew she did something to it. "So, tama nga ako?"
She smiled wickedly. "Well, if you think I was the one who did it, bahala ka kung paniniwalaan mo o hindi. Ikaw naman ang may kasalanan no'n... and could you please me alone na? And then just go somewhere else where people would like be around you."
I was left speechless about what she did. She just shut the door right in front of my face and at that moment, I know I lose her at that point.
Para akong naglalakad sa kawalan habang pabalik sa apartment ko, but I know I would only push myself fso hard there kaya naman naisipan kong dumaan muna sa night market. I was just gonna free my mind about what was happening.
Mukhang wala rin namang gaanong tao kaya ayos lang kung magdamag din ako ngayon. And if there's something I could've done, I would've done it in the first place.
Sa ngayon... what will happen tomorrow at the campus?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro