Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 // Tea

Chapter 13

After what happened earlier, hindi na ako kinausap ni Krisa. Sa tingin ko, wala naman akong ginawang mali ro'n. I just stood up for myself. Hindi naman pwedeng kakayanin na lang nila ako just because they can.

Iba na ang mundo. Hindi dapat nagpapatalo sa mga ganyan. Alam kong papansin din ako no'n kaya hinayaan ko na lang din muna siya.

I know she'll come around and said to my face na wala akong ginawang iba. Masyado lang din kasing OA si Chienna and the fact that they don't even own the school and that table in the cafeteria, kung makaasta sila, akala naman pagmamay-ari na nila ang lahat.

As they thought I should be scared about them, well, I'm not.

When I'm preparing dinner, makailang beses akong nakatanggap ako ng calls from an unknown number. Hindi ko naman ito nasasagot agad dahil after five seconds ay agad na ine-end ng caller. Napaisip naman akong scammer lang iyon at gustong kunin ang atensyon ko hangga't sa kumakain ako ay nakatanggap ako ng text mula sa same number na 'yon.

Unknown number:

Hi Anneesa.

At that moment, it was the creepiest thing I have read. Hindi ko naman kilala kung sino itong nagmessage sa akin, pero naglakas ako ng loob na tawagan ang unknown number.

Mga ilang segundo pa ito nag-ring hangga't sa sinabi na ito ng kung sino man.

"Hello?" malumanay ko pang panimula. "Hello? Sino ba 'to? Please naman kung manggugulo ka lang at mang-scam, 'wag ako, alright? I know what trick you are up to."

Pero walang nagsasalita sa kabilang linya. Walang sumasagot sa akin. And I know what does this feels like. Kung ano-ano naman ang pumasok sa isip ko, pero isang tao lang ang tumatakbo sa isipan ko na maaaring gawin ito.

"Caleb? Ikaw ba 'to?"

Pagkatanong ko no'n ay saka nito binaba ang tawag. At that moment, I concluded that pinaglalaruan na lang ako ni Caleb ngayon so I just ended up blocking his number so he wouldn't bother me anymore.

Siya itong hindi nagpapakita sa akin at masyadong talk shit sa usapan. Deserve niyang ma-block after what he did to me. Ang daming beses na naming napagplanuhan na magkikita kami, pero ayun, palagi siyang may dahilan. Palagi siyang may emergency. It seems like he's just trying to get away about meeting me in person and I don't know what does it mean.

Sino nga ba talaga 'yong Caleb na kausap ko?

Kilala ko ba ito personally?

In the morning when I arrived at school, sobrang swak pa ng mood ko. I know that this would be a good day for me. But as I walked into the campus, I suddenly felt like something is wrong.

Nang makapasok ako ng building para pumunta sa unang klase ko ngayong araw, ang una kong napansin ay ang mga taong tumitingin sa akin sabay bulong sa mga kasamahan nila.

Nagtataka naman ako sa binibigay nilang atensyon sa akin. Ito ba iyong nangyari kahapon? Well, if that's the case, they might be so surprise na ako lang itong babaeng estudyante na nag-step up against Griffin and his pathetic girlfriend.

But as I'm walking hallways and all, hindi pa rin naaalis ang tingin nila sa akin. Pasimple ko pinunasan ng kamay ko ang mukha ko just to wash something off of my face. Baka kasi may dumi lang? O kaya naman may mga loko-lokong nagsabit ng papel sa likod ko at may mga nakasulat na kalokohan din. Pero wala naman hangga't sa...

"Aneesa," tawag sa akin ng isang babaeng estudyante na hindi ko kilala kung sino. "Sarap ba?"

Nanliit ang mata ko sa tanong niya kaya hindi ko siya pinansin. Nang mapadaan ako sa restroom, pumasok ako sa loob. Sakto namang walang tao at mabilis akong humarap sa salamin just so I could see if there's something wrong with my face.

Pero wala naman... I look so normal and all.

Wala naman akong ulong sa mukha. Hindi naman nagkalat ang lipstick ko sa labi ko. Hindi naman sabog ang buhok ko. All is normal at wala dapat akong ipangamba, pero ano itong pinapakitang atensyon sa akin ng mga ibang estudyante na para bang may big deal akong ginawa?

If it's just what I did yesterday sa cafeteria, bakit gagawin nilang big deal 'yon? Hindi ko maintindihan.

Nang may papasok sa restroom, mabilis kong kinuha ang gamit ko at pumasok sa loob ng cubicle. Kunyari na umiihi ay nakinig lamang ako sa naging usapan nila.

"Nabalitaan mo ba 'yong tungkol do'n kay ano? Ano nga ulit name no'n?" tanong ng isang babae.

"Aneesa ata?" sagot naman ng isa.

"Oo, siya 'yon," sagot pa ng pangatlong babae. "I believe siya rin iyong babae kahapon na umupo sa table nina Griffin at nagkalat do'n. Hindi ko kinaya 'yon. Akala niya si Griffin iyong mapapahiya, but she just brings it to herself. Nakakaloka."

"True," sagot naunang babae. "And the fact that Chienna and Griffin broke up because of her. Hindi ko kinaya!"

"Agree," pagsang-ayon ng isang babae. "Ang kapal din pala talaga ng mukha niya, 'no? May girlfriend na 'yong tao tapos nakuha pa niyang landiin? I feel so sorry for her, but not really sorry. Masyadong desperada."

Nagtawanan iyong tatlong babae hangga't sa lumabas na rin sila ng restroom. Nanatili ako sa loob at mabilis kong chineck ang social media ko at doon ko lang na-realize ang lahat. 

There's a new created page that was meant for me at ang kaisa-isang post doon ay patungkol sa akin at kay Griffin.

Here's the tea...

Griffin is cheating with someone... a no one basically. Her name's Aneesa and they've been together maybe a few months already and we don't have any idea with it. They were so good at keeping it, but now it's gone wild now. Their secret is now out...

and Chienna, you should be thankful. You don't have to endure Griffin's lying words to you. Find a better man for you.

And who the hell created this page?

Lakas loob akong lumabas ng restroom and then their stares at at me again. Binalak ko pang pumunta sa first class ko, I saw Krisa there and was about to ask for her help, but she just ignored me, and at that moment, I don't have anyone to lean on.

And maybe, I'll take the day off and figure out what was happening. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro