Chapter 6. She's a Snake
Be the wife.
It still rang in my head like a fire alarm, igniting my system. My mother asked me to stay away from these people. That I should take the earliest opportunity to run. Bukod sa imposibleng mangyari, ni sa panaginip hindi ko masisikmura ang maging asawa ng kriminal at walang pusong kagaya ng pinag-uusapan nilang si Areezmir Vulkov.
I was supposed to go straight home after my last session with Lolita. My whole body was sore and fragile from all that waxing. Lahat ng buhok sa lahat ng parte ng katawan ko, tinanggal nilang lahat. I felt so bare and naked even when I was wearing a dress that was below the knee in length. Gusto kong puntahan si Chad, gusto kong alamin kung ano na ang kalagayan nito ngayon. Kaya naman lakas loob akong nag-utos sa driver ng kotseng sinasakyan ko na dalhin ako sa hospital na tinukoy ni Lolita.
"Dalhin mo ako sa QC General Hospital, Arthur."
Pero hindi umiimik ang driver, ni hindi man lang mag-abalang tingnan ako.
"Sabi ko dalhin mo ako sa QC Gen may gusto akong bisitahin." ulit ko.
"Hindi pwede, Senorita." sagot nito.
"Bakit hindi?"
"Utos ni Donya Marietta, idiretso ka pauwi ng bahay."
Kumuyom ang kamao ko. "Sandali lang naman tayo doon."
Sinulyapan nito ang bracelet ko. Yeah, right. I had a tracker in my hand. "Akong bahala Arthur hindi ka pagagalitan ni Donya Marietta, magpapacheck up lang ako sa hospital kasi kanina pa sumasakit ang tiyan ko."
"Hindi pwede, Senorita."
Shit. Napahawak ako sa noo. Makailang beses kong inuntog ang ulo ko sa bintana ng kotse. This life without freedom was fucking suffocating.
"Paano kung nagsasabi ako ng totoo? Paano kung masama nga talaga ang pakiramdam ko? Mas uunahin mo pa ba ang utos ng amo mo?"
Sinulyapan niya lang ako sa front mirror. Arthur was a big guy, ridiculously muscled and tall. He's like a trained dog, only answering to one boss, and that was Marietta.
"You know one of these days, Arthur, you will regret treating me badly. You have been driving me around, watching my every move since I moved in with the familia. Believe it or not, I grew fond of you already, kahit na alam kong wala ang loyalty mo sa akin. Na kapag may ginawa akong labag sa kagustuhan ni Marietta hindi ka mangingiming isumbong ako. Sana hindi mo pagsisihan ang mga desisyon mo." mahina kong usal. I know it was an empty threat, wala naman akong magagawa para saktan ito o paghigantihan, dahil wala naman akong kapangyarihang gawin iyon. I don't know why I said that.
Napahiya lang ako dahil kahit na tahimik ang seryosong mukha ni Arthur, nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya at pag-irap bahagya ng mata. Tinatawanan niya lang ang sinabi ko.
Pagdating sa bahay pinanalangin ko na sana'y di ako makakita ng tao. Gusto kong tahimik na umakyat sa kwarto ko, hagilapin doon ang cellphone na palihim kong binili at ilang taon nang tinatago sa kanilang lahat. It was a second-hand phone my classmate secretly sold to me inside the school's bathroom. I figured I might need it in an emergency. Pwede kong tawagan si Chad gamit ang cellphone na iyon.
Ang plano kong mapayapang pag-akyat sa kwarto ay hindi nangyari nang sa pintuan palang ng mansyon nakaabang na sa akin si Blanca. She was holding a glass of wine in her hand, tanghaling tapat umiinom ng alak. Sinipat ako nito mula ulo hanggang paa tapos ay isang nakakatakot na taas ng kilay ang pinukol sa akin.
"Why are you wearing a dress like that? Hindi bagay sa itsura mo, mukha kang low class strip club entertainer. Sabagay, what can I expect from a bastard with a whore for a mother?"
Magkapatid kami ni Blanca pero never kaming naging close. Madalas puro panlalait ang naririnig ko sa kanya. Puro pang-aalipusta. Laging sinasabi sa akin ng mga tao na mas maganda sa akin si Blanca, pero sa inaasal niya hindi ko maiwasang isipin na insecure siya sa akin noon pa man.
"Hindi ako ang pumili ng damit na ito."
"Oh. I know. Mother asked a whore to doll you up so you can seduce my husband in bed. I don't know why they even bother eh hindi naman makikita ni Areezmir ang mukha mo. He's not allowed to look at you in the face before the wedding night. Nasabi na ba nila sa iyo na madilim ang magiging kwarto ninyong dalawa? Na hindi mo pwedeng buksan ang ilaw?"
Gustong umikot ng mga mata ko. Gusto kong sumagot, gusto ko siyang supalpalin sa lahat ng mga walang kwenta niyang sinasabi pero alam ko na hahaba lang ang usapan, bandang huli magsusumbong lang siya sa nanay niyang demonyita at ako na naman ang magiging kawawa. Hindi ko pinansin ang sinabi niya, lumakad akong palayo sa kanya, ngunit marahas akong hinila ni Blanca sa braso. Bumaon ang mahabang kuko nito sa balat ko kaya napadaing ako. Mas lalo pa niyang ibinaon iyon habang nakatitig sa akin ng masama.
"Huwag na huwag mong tatangkain na traydorin kami sa gabing iyon. Sa oras na magpakita ka ng mukha kay Areezmir papatayin niya tayong lahat. Alam kong nangangarap ka na ikaw nalang ang maging asawa niya. Pero tandaan mong hindi mangyayari iyon, hindi sumisira sa tradisyon ang isang lider ng Mafia, walang katiting na chance na mapasayo si Areezmir Vulkov."
"Wala akong balak na agawin sayo ang lalaking wala naman akong kahit na katiting na interes. Isa pa base sa mga naririnig ko tungkol sa kanya, mas bagay na ikaw ang asawa niya."
"You won't be his mistress either!"
"Wala akong plano." simpleng sagot ko sa kanya. "Now, if you'll excuse me, Senorita."
Doon niya lang binitawan ang braso ko. Dumugo iyon, kumirot ng husto, pero nanatiling diretso ang mukha ko kay Blanca.
"Kapag nalaman nina Mama at Papa ang totoo tungkol kay Chad, papatayin kita. Walang makakapigil sa nakatakda naming kasal ni Areezmir, matagal na panahon kong hinintay na maging asawa niya. I'm sick of this hell hole already where my credit cards are not enough for me to live the life I wanted. I want Areezmir's wealth and power. Kapag nangyari iyon, I assure you, everybody will bow down their heads on me, kabilang na si Marietta at Don Roman!"
Nagulat ako. Kahit na anong pagmamahal ang ipakita ng mga magulang niya sa kanya kulang pa rin iyon, may plano pa rin talaga si Blanca na suwagin ang parents niya. I knew she was a snake. They all were. Uminit ang ulo ko nang banggitin niya si Chad. "Alam mo ba kung anong ginawa ni Donya Marietta kay Chad? Did you even care to check what happened to the poor man you sacrificed just so you would get away from your sins?"
"I don't need to know. He deserved everything after turning me down to come to you! Kasalanan mo kung ano man ang sinapit ni Chad."
Napakurap ako. "Paano ko naging kasalanan--?"
"Dahil malandi ka! Mang-aagaw ng atensyon. Akala mo ba hindi ko napapansin yang ginagawa mo? Nagsusuot ka ng mga damit na masasagwa para pansinin ka ng mga lalaki!"
Napaawang ang labi ko sa tinuran niya. "Your mother gave me those clothes!"
"Huh! Don't drag my mother into this, magkaroon ka naman ng utang na loob. Biruin mo kinupkup ka niya eh anak ka naman ng querida! I hate living with someone as disgusting as you since the beginning; you should have died when I purposely pushed you into an old well. Hindi ko alam kung bakit nabuhay ka pa."
"It was you?"
Not too long ago, nagkaroon ng camping ang club nina Blanca, inutusan ako ni Don Roman na bantayan ito dahil hindi pwedeng makapasok ang mga bodyguards nito sa camp. It was a nice park. I was strolling during the night when I saw a dark well. Nacurious ako dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng balon. Dinungaw ko kung malalim ba ito. Tapos may tumulak sa akin. Nahulog ako sa malalim na balon at napilayan sa balikat. Mabuti na lamang ay walang lamang tubig ang balon, but I was in agony all night. Umaga na ako narescue nang may dumaang janitor sa area. I was pretty sure some silly students did a prank on me. Nang ma-realized siguro ng mga ito na mali ang ginawa ay nakatot at hindi na bumalik pa. Hinayaan at kinalimutan ko ang insedenteng iyon pero ngayon malalaman ko na si Blanca ang tumulak sa akin?
"Yes, it was me. And when I become Areezmir's wife, I can do so much more. So little sister, if you love yourself and the people around you who you consider friends, don't even think of crossing me ever. You asked me why Chad?" nilapit niya ang mukha niya sa akin sabay hila ng buhok. "Simply because I know you care about him so much."
Para akong nauupos na kandila na nakatayo sa living room, ilang minuto matapos umalis ni Blanca. Ako ang rason kung bakit nangyari iyon kay Chad. Nagbanta din si Blanca na kung hindi ko gagawin ng maayos ang trabaho ko sa gabing iyon kasama si Areezmir Vulkov, may mas malala pang mangyayari kay Chad at sa pamilya nito. Chad had a younger sister, barely five years old. That bitch. My mind and soul refused to accept that I had the same blood as hers!
Si Chad. I needed to talk to him. Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Chad, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya nang dahil sa akin. Patakbo kong tinungo ang kwarto ko, hinagilap doon ang nakatagong cellphone. Nanginginig ang kamay ko nang I-dial ko ang numero niya. Yes, I memorized Chad's phone number. Tama si Blanca, I liked the guy so much that I was hesitating on getting him tangled in the dangerous web of my life. Kaya kahit na gusto niya ako at gusto ko din siya hindi ko hinayaan na lumampas kami sa pagiging magkaibigan. But the situation was different, mababaliw ako sa pagaalala hanggat hindi ko naririnig ang boses niya. Kailangan ko siyang makausap. Nadismaya ako nang network announcement ang marinig ko. His line was disconnected. I needed to find a way to go see him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro