Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3. 24K Virgin Lover


Buo na ang desisyon ni Marietta, alam kong kahit na anong gawing pangungumbinsi ng asawa at anak nito ay walang magagawa. Isa pa, walang ibang lusot sa problemang ito kundi ang bigyan nga ng paen si Areezmir Vulkov. Aminin man ng pamilya ni Don Roman o hindi, papatayin kaming lahat ni Areezmir sa oras na malaman niya na sumira si Blanca sa kasunduan. We had to get through this wedding, no matter what. Isa lang ang paraan, ang maayos kong magawa ang trabaho ko sa unang gabi kasama si Areezmir. Unlike the old traditions, it would not happen the night after the wedding; I am going to be in Areezmir's bed the night before the wedding. He's a Mafia boss; he wanted his goods checked first before he handed out the money, of course.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko hanggang sa tila magdugo na iyon. Pumasok sa utak ko na ibisto ang kasinungalingan ng pamilyang ito sa gabing iyon kasama ang lalaking alam kong mas makapangyarihan kay Marietta, para matapos na ang pagtitiis ko sa mansyong ito, para kahit sa kamatayan ay makalaya ako. Pero unfair, unfair para sa akin, unfair para sa Mama ko na nagsumikap dugo katawan at pawis ang ipinuhunan para lamang mabuhay ako. I couldn't end my life here; I couldn't die as miserable as my mother, because even in death I didn't want to hurt her. I didn't want to disappoint her.

My hands trembled as I remembered my mother going home with cuts all over her body and bleeding. She came from one of her bookings that night. Some sadistic client violated her brutally for some petty cash. I was five years old then. Kahit bata alam ko kung gaano kasakit ang mga sugat na iyon at kung gaano winalanghiya ang Mama ko. Sinabi ko sa kanya na magsumbong, sinabi kong isumbong niya ang sino mang gumawa niyon sa mga pulis. Nakikita ko noon sa mga palabas sa TV na kapag inapi ka o ginawan ng masama kailangan ay magsumbong ka sa pulis. Ang sabi ni Mama hindi pwede, wala daw karapatan ang isang katulad niya na magsumbong sa mga pulis dahil tinanggap naman niya ang bayad sa bawat sugat na tinamo niya.

Awang-awa ako sa Mama ko, habang pinupunasan ko ng malinis na bimpo ang mga sugat niya, halos kagatin niya hanggang magdugo ang labi niya sa sobrang kirot. Galit na galit ako. Sinabi kong paglaki ko gusto kong maging pulis. Hindi na kailangang magsumbong ni Mama sa akin ako na mismo ang magpaparusa sa kung sino man ang gumawa nun sa kanya. Kapag naging pulis ako wala nang makakapanakit sa Mama ko. At five years old. I wanted to be a policewoman.



****

It was not the sound of the alarm that woke me the next day. I scheduled it to ring at seven in the morning, pero heto ang mga katulong ni Marietta, nasa loob na ng kwarto ko alas sais palang. Ginusot-gusot ko ang mata ko, I eyed at them suspiciously. "Anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?"

"Ibinilin ka ni Donya Marietta bago siya lumipad patungong ibang bansa kanina, kailangan mo nang maghanda sa gabing napagkasunduan ninyo." ani Leonora, ang pinagkakatiwalaang mayordoma ni Marietta. Kagaya ng amo, palagi ding nakataas ang kilay sa akin ng matandang ito na para bang ang lalim ng kasalanan ko sa kanya. "Dahil malapit na iyon."

"Anong paghahanda? May klase ako today at hindi ako pwedeng umabsent."

Mas lalong sumungit ang mukha ni Leonora. "Pinasabihan na sa paaralan mo. Hindi ka papasok sa loob ng dalawang lingggo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Dalawang linggo? I'll miss a lot of things if I'm out for two weeks! Hindi ako makakahabol sa mga studies ko!"

"Wala kang magagawa, iyon ang utos ng Donya sa bahay na ito. Pwera nalang kung gusto mo siyang suwayin..." may halong pagbabanta sa tinig nito.

Bagsak ang balikat ko at kumirot nang bahagya ang dibdib ko sa narinig. Alam kong kahit na anong gawin kong protesta ay walang laban ang salita ko sa mga utos ni Donya Marietta. Kailangan kong sumunod kung gusto kong mapanatili ang kung anumang klaseng kakarampot na kalayaan meron ako ngayon, kailangan kong sumunod hanggang sa araw na hindi ko na kailangang magyuko ng ulo sa babaeng iyon.

"Ito ang mga schedule mo sa araw na ito."

Binigay sa akin ni Leonora ang mahabang listahan ng mga kailangan kong gawin at mga taong kailangan kong kitain. She wanted me to meet with beauticians, trainers, and doctors. Apparently, I needed to be fit, clean, and gorgeous for that night with the Mafia Boss. I had to have the perfect shape and the perfect stamina, too. Yun ang nababasa ko sa mga listahan ng mga tao at mga activities na kailangan kong gawin sa loob ng dalawang linggong hindi ako papasok sa klase.

"Anong tinatawa-tawa mo?" sita sa akin ni Leonora.

Umiling lang ako at nagbuntong-hininga. "Can I at least take my shower before going out on the first schedule?"

She blankly stared at me before nodding her head.

It was ridiculous! Gusto kong magmura at magwala habang patungo sa shower. This stupid idea of taking on the role of a 24-karat virgin lover for a particular monster was taking its toll on me. It's specifically listed there that I had to meet with sex gurus and physical trainers for me to be able to bow and bend my body to give that man the best sex of his life. I had to be both a virgin and a sex prodigy; I had to satisfy him to the point of ecstasy so that he wouldn't think of ditching his wedding with my sister. I wanted to vomit just at the thought of it! It was sick! Absurd! Pwedeng-pwedeng gawing pelikula ang istoryang ito kahanay ng mga malalaswang taboo videos sa mga porn sites!

This is only the beginning, Rosita. Konsula ko sa sarili ko habang walang tigil na kinukuskus ng scrub ang braso ko hanggang sa pumula iyon ng husto. Nasa ilalim ako ng dutsa, tumatagas ng walang katapusan ang tubig pabagsak sa ulo ko at sa buong katawan. Nabibilang nalang ang mga araw na malinis ang katawan ko at buong pagkatao. I expected this to happen somehow; it was not a surprise that Marietta would eventually whore me away just to serve her in a certain way. Hindi libre ang bahay at pagkain sa bahay na ito ng isang walang pusong kagaya niya, kailangan kong pagbayaran ang bawat sentimo.

Ang nakalimutan niya, matagal na akong bayad sa kanya. Dugo at katawan ni Mama ang pinambayad ko sa magandang bubong na ito at masasarap na pagkain. Ang gagawin niyang ito sa akin ay lampas at sagad na sa kanyang limitasyon. Anumang kasamaan ay may kabayaran at hangganan, darating ang kaparusahan sa pamilyang ito maghanda silang lahat.

Nang siputin ko si Leonora, nakabihis na ako ng maluwag na slacks at blusa. Hindi din kagandahan ang kulay niyon na ginagamit nalang yata ang mga matatandang dalaga. But what could I do? I was only allowed to wear clothes like these. I was being controlled down to the simple outfits I chose. Kaya naman binalewala ko ang pag-angat ng kilay ni Leonora sa itsura ko. Hindi ako pwedeng maging maganda, alam ni Leonora iyon, maalat sa mata ni Marietta kapag nakikita nitong maganda ang anyo ko. Ilang beses ko nang napatunayan iyon. Hindi ko makakalimutan na sinunog ng madrasta ko ang buhok ko noong sampung taong gulang ako dahil mas maganda ang tubo at kulay niyon kaysa kay Blanca.

Sumakay kami sa itim at magarang kotse na nakaparada na sa harapan ng pinto ng mansyon. Ilang mga tauhan ang nakasunod sa amin at ilang kotse sa harap at sa likod ang bantay ko. Nang makasakay ako sa kotse ay sinamahan ako ni Leonora. Nakatungo ang ulo nito habang nagbibigay ng instruction sa driver. Hinarap niya ako, kinuha sa bulsa ang gintong pulseras at marahang isuot sa pulsuhan ko.

"Simula sa araw na ito, hindi ka maaring mawala sa paningin ko. Huwag mong subukang tumakas o di kaya ay magtago sa akin dahil alam mong masasaktan ka."

"So I'm a prisoner now? Alam ba ni Papa 'to?"

Naningkit ang mata ng kontrabida. "Alam ni Don Roman kung gaano kahalaga na mapanatili mo ang pagkabirhen mo hanggang sa gabing itinakda ni Areezmir Vulkov. Sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng buong angkan ng mga Ferrer de Sandoval, kaya kung kailangang igapos kita, igagapos kita, sa oras na sumuway ka sa akin—"

"Hindi mo ako pwedeng saktan. Hindi magugustuhan ni Areezmir kung maka-kapa niyang may marka o galos ako sa katawan." banta ko.

Tumawa na parang Satanas si Leonora. "Huwag kang mag-alala, expert ako sa larangan ng pananakit, hindi kita kailangang galusan para lang saktan. Huwag mo akong susubukan, bastarda ng pamilya."

Hanggang ngayon nadudurog ang puso ko sa tuwing binabanggit ang tungkol sa pagiging bastarda ko. Hindi para sa ama ko kundi para sa ina ko, ako ang buhay na alaala kung anong klaseng sakit ang pinagdaanan ng ina ko sa kamay ng mga taong ito.

Nang umandar ang sasakyan, nakakabinging katahimikan ang pumailanlan sa pagitan namin ng babaeng katabi ko. Tuta ni Marietta si Leonora, kung kasamaan ang pag-uusapan gusto kong isipin na kambal silang dalawa. Lahat ng madudungis na trabaho, si Leonora ang gumagawa para kay Marietta, gaano man kabaho at kadumi ang utos, masayang sinusunod iyon ng babaeng ito. Magkasing-itim sila ng budhi ng amo niya, magkasingsama ng kaluluwa.

Napatitig ako sa gintong pulseras, sinasakal nito ang pulsuhan ko. Sinasakal ang buong pagkatao ko. Isa itong kadena na nagsasabing simula sa araw na ito ay wala na akong kalayaang magdesisyon para sa sarili, wala na akong kalayaang pumunta sa kung saan ko man gusto nang hindi nila nalalaman kung ano ang ginagawa ko at kung sino ang nakakausap. The bracelet was a tracker. I knew.

Nang huminto ang sasakyan, naunang lumabas si Leonora, nakasunod ako sa kanya habang limang malalaking lalaki naman ang nakasunod sa likod ko. Dumiretso kami sa isang pribadong elevator ng matayog na building na ito. I saw her pick floor number 36. Isang magarang private floor ang bumungad sa akin. Taliwas sa usual na aura ng business lobby, ang lugar na ito ay hindi gaanong maliwanag. Pula ang ilaw, at parang isang malaking luxury hotel room ang dating. Ginawa ang lugar na ito para sa sex at lahat ng bagay na nakapalibot ay para sa sex lamang. It was a fucking erected penis on that painting on the wall, was it? Tch. I knew exactly what this place was.

The guru had a private office; fortunately, the office was big and vibrant. Maaliwalas hindi kagaya ng lobby na puro kulay pula ang nakikita ko. She was a young woman, probably in her mid 30's. She was tall and beautiful. Her lashes were thick,and her lips were bright red. Kahit na alam kong may edad na siya pero alagang-alaga niya ang katawan, hindi nagkakalayo sa kinis at kabataan ang mga balat namin. Nakipagkamay ang babae kay Leonora bago ako nito sinipat mula ulo hanggang paa.

I knew instantly that she didn't like what she saw.

"This woman... I don't know how to describe her; she's uh... dull? Mahihirapan ka pero, alam kong magagawan mo ng paraan. Malaki ang tiwala ni Donya Marietta sa 'yo." komento ni Leonora habang nakatitig sa akin ang babaeng tinawag nitong Lolita.

Lolita gave the other woman a wry smile. "Just like all the other girls, this one just needs a touch-up. I don't know what you mean by dull though; I think she's spicy, fierce, and passionate. Her eyes say it all."

Nilapitan ako ni Lolita, halos dumikit na ang tungki ng matangos niyang ilong sa mukha ko. Tinitigan niya ako ng husto, hindi pa siya nakontento, pinaglandas niya ang dulo ng daliri niya sa pisngi ko. Inamoy niya ang leeg ko. "Hmm. Delicious. Who is she? Why do you need her fixed up? Is she a gift for a rival Lord or something?"

"She's a gift for Areezmir Vulkov."

Natigilan si Lolita. Nawala ang tawa sa mga mata. "Que?" she asked in confusion.

"You don't have to ask so many questions. Sinabi ko sayo kung para kanino siya kaya ayusin mo ang trabaho mo."

"Hindi siya dadalhin ni Donya Marietta sa akin kung hindi maayos ang trabaho ko. Hindi pa ako pumapalpak Leonora, alam mo 'yan".

Binalingan akong muli ni Lolita matapos niyang ingusan si Leonora. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Virgin?"

"Yes."

"Virgin and golden. When do you need her?"

"In two weeks," ani Leonora.

Kinabahan ako. Alam kong malapit na ang araw na iyon pero ngayon palang halos nagsi-sink in sa utak ko.

"If that's the case, we start today. Leonora will take her leave now, darling. Will you be scared?" tila pang-tutudyo nito.

I don't need two b*tches in front of my face, so yes. Get rid of her. The sooner, the better. Yun ang gusto kong sabihin pero mas pinili ko nalang ang manahimik. I don't have the energy to deal with the likes of my wicked stepmother. I'd rather shut my mouth up and be done with all this nonsense. Blanko ang mukha kong tumango. Atubiling umalis si Leonora kahit na alam kong labag sa loob nito na mawala ako sa paningin. Awtomatiko akong napahawak sa gintong bracelet. Hindi ako sanay sa bagay na iyon sa pulsuhan ko ngali-ngali kong pigtasin iyon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro