Chapter 18. The World at her Feet
Note: So ayun na nga guys...napakatagal na panahon...pasensya na. Huhu.
Ares
I was trying to concentrate on sending emails and a series of instructions to my trusted Capos in Moscow, pero hindi ko magawa dahil bigla na lang sumulpot sa harapan ng pinto ko si Rosita. Nakasara ang pinto, pabalik-balik siya na parang pinag-iisipan kung kakatok ba o hindi. I could see her clearly from the CCTV installed in front of my office door.
It was hard for me to read this woman. I hated that she wouldn't recognize my authority or flinch one bit in front of me, even when I raised a tone. She went to the doctor yesterday, and I watched her every move as she scanned the boutique and the arts store. There was one dress she particularly liked in that boutique and a whole lot of items in the arts store. She didn't buy any of it, though. She just stared at the prices as if they cost a fortune.
She was the second daughter of Roman Ferrer de Sandoval, and yet nothing of her actions showed that she was a mafia princess. Totoo hindi na ganoon kaimpluwensiya at kalakas ang sakop ni Roman pero hindi pa rin naman sila maituturing na naghihikahos na pamilya para umasta si Rosita ng ganoon sa harapan ng mga simpleng bagay na may kakarampot na presyo. The more I realized that she had been treated unfairly at that house since the beginning, even abused. Hindi lang sa emosyonal na aspeto kundi pati na rin pinansyal. Rosita had been deprived of so many things all her life. Kaya ganoon na lamang ang lungkot na nababasa ko sa kanyang mga mata kapag tinititigan ko siya. Malalim ang pinanggagalingan niyon na alam kong hindi basta-basta mawawala gaano man kalaking pera ang gastuhin ko. O gaano man karaming tao ang pagdusahin at patayin ko mula sa angkan ng mga Ferrer de Sandoval.
I asked Cindy to review the footage I sent her and make sure that every item in those stores that Rosita spent a two-second glance at was bought.
She was mine. And I would make sure that she had the world at her feet. Kung ako lang ang masusunod, tupok na ng apoy ang bahay ng mga Ferrer de Sandoval ngayon.
Napahawak ako sa noo. Ano bang ginagawa ko, nag-aaksaya ako ng panahon kakabasa sa mga kilos at galaw ng isang babae gayong napakaraming bagay ang dapat kong asikasuhin? The sites in Moscow were not exactly serene.
Matapos ang ilang buntong-hininga, pinindot ko ang automatic lock ng pinto, nagbukas iyon. Tila nagulat pa siya at akmang tatakbo.
"What do you need?" nilakasan ko ng kaunti ang boses ko para marinig niya.
Pamaang siya. Pumihit pahaap sa akin at saka dahan-dahang pumasok ng kwarto. "Are you talking to me?"
Gusto kong matawa. She was pretending that I was the one who needed her. "Kanina ka pa pabalik-balik sa pintuan ko, anong kailangan mo?"
She bit her lip in embarrassment. I caught her off guard. I watched as she swallowed a lump in her throat. Everything about this woman was intriguing...and fascinating. I couldn't believe I was waiting for her response, like I was hanging by a thread. What could she need from me right after she gets off her bed?
"Ikaw ang naglagay ng bandaid sa sugat ko kagabi?"
Umangat ang kilay ko at bahagyang ngumisi. Why would I do that? At bakit niya naman iisipin na ako nga ang naglagay?
"No. I did not put a bandaid on your wound, Rosita. Cindy checks on you every day, even before you wake up. Bakit hindi siya ang tanungin mo?"
I watched her as her face brightened and her tongue came out to lick her lower lip. Damn, I want to lick it too. Napahiya siya pero pilit pa rin niyang tinatatagan ang mukha. Gustong kong tumawa ng malakas pero pinigilan ko din iyon. Tiningnan ko ang orasan, alam kong marami akong nakalinyang gagawin sa araw na ito pero hindi na siguro masama kung maglalaan ako ng isang oras sa kanya. Sinulpayan ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa nang tumunog iyon. It was Cindy. Sabi niya ay dumating na ang mga items na pinabili ko sa kanya. Tumayo ako at inayos ang pagkakatiklop ng manggas ko hanggang sa siko.
"Come on, I'll show you something."
"Ha?"
Naglakad akong patungo sa pinto, hindi pa rin siya gumagalaw.
"Saan tayo pupunta? Nakanightgown ako..."
"It's okay."
Nang hindi pa rin siya gumalaw, inabot ko ang kamay niya. Nanlalamig iyon at pinagpapawisan. Lagi siyang kinakabahan kapag lumalapit ako sa kanya. Napaka-defensive lagi ng instinct niya na para bang ang lahat ng taong lumalapit sa kanya ay kalaban na anumang oras ay sasaktan siya. Hindi sapat ang mga salita para tuluyan niyang maintindihan na sa poder ko, walang sinuman ang makakapanakit sa kanya. Magbabayad ng mahal ang gagawa noon.
Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng bahay, nararamdaman ko ang unti-unting pagrelax ng kamay niya sa hawak ko. Hindi na rin ganoon kabigat iyon na kanina ay kailangan ko pa siyang hilahin.
Dinala ko siya sa kwarto kung saan naroon ang mga boxes na iniwan ni Cindy kanina lang. She probably went to her room to tell her about this, but she was sleeping. Cindy might have noticed the small wound in her foot and put on that bandaid.
Iginala niya ang tingin at pinagaralan ang mga malalaking kahon sa harapan niya. "What are we doing here? Bubuhatin ko 'tong mga 'to?"
Parang may kung anong kumuliti sa akin na basta nalang akong natawa sa sinabi niya. Pinigilan ko ang tawa ko sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig ko gamit ang likod ng braso ko. Napamaang at napatitig siya sa akin. Nakakunot ang noo. Hindi nila alam kung bakit ako natatawa.
"Bakit ka tumatawa? Anong gagawin ko sa mga kahon na 'to?"
"Open them. Para sayo 'yan lahat. At hindi mo 'yan kailangang buhatin sa kung saan. If you want to move them, the staff are here to do that for you."
She nodded.
Sinenyasan ko siyang buksan ang mga kahon at 'wag nang masyadong maraming sinasabi. Ang totoo naaatat akong makita ang reaksyon niya. Malalagot talaga sa akin si Cindy kapag sumimangot si Rosita at hindi magustuhan ang mga regalo sa harapan niya.
Una niyang tinanggalan ng tali ang isang mahabang kahon na alam kong damit ang laman base sa tatak nito. It was quite a cheap dress. Hindi ba't halos lahat ng mga babae ngayon ay mas nagugustuhan kung mas mamahalin? I wanted to take the gift back and probably just ask someone to get her a dress from Armani or Dior—she smiled.
'Yong tipo ng ngiti na abot hanggang sa mga mata at sa puso... This woman was breathtakingly gorgeous when she was genuinely happy. Napalunok ako. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. She never failed to short-circuit my whole fucking system. Parang may live wires sa loob ng puso ko na pinagkikiskis at nagi-spark ng walang tigil.
"Hindi ba't ito 'yong nasa mall? Binili ni Cindy para sa akin?"
Sumimangot ako. "Ako ang bumil niyan."
"Ikaw? Paano mo nalaman na gusto ko 'to?"
"Magaling ako. Mababaw ka lang naman. Madali kang basahin."
"Hindi kaya. Marami kang hindi alam tungkol sa akin 'no."
Napaayos ako ng tayo. "Tulad ng? May nililihim ka ba sa akin?"
"Wala."
Sumingkit ang mga mata ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay meron. She went on with the other boxes, and just like the first box, every other box received the same pretty smile from her.
Damn, I bought those things that made her smile. Napatikhim ako ng mahina. Napaangat ng kaunti ang balikat ko, pigil na pigil ang ngiti na gusto ding sumungaw sa mga labi ko.
Fuck. I think I'm fucking sick.
Napansin kong galing sa pinakamalaking kahon inilabas niya ang mga kagamitan para sa pagpe-painting. I wasn't informed that she was into painting. "Marunong kang magpaint?"
"Oo. Tumatakas pa ako kila Daddy at sa asawa niya para lang makapagpinta kapag may free time ako."
"Free time?"
"Time na hindi ko kailangang bantayan si Blanca. Kapag tulog siya o kapag kasama niya ang barkada niya."
"Kaya ba napakalayo ng course mo sa field of interest mo ay dahil ginagawa kang babysitter sa kapatid mo?"
Lumamlam ang mga mata niya. "Oo."
I was waiting for her to give me more details, pero tanging Oo lang ang lumabas sa bibig niya. Kitang-kita sa mukha niya na ayaw niyang pag-usapan. Na isipin palang ang nakaraan, tila nasasaktan na siya. One minute my fucking blood is serene, the next it's fucking hot and molten like lava. "Well, you can paint now. You can do everything you want to do, walang pipigil sayo."
"Gusto kong pumunta sa tabing dagat. Gusto kong ipinta ang paglubog ng araw. Alam mo ba nung bata pa ako, paborito namin ng Mama ko na maglakad sa tabing-dagat? Napakabango kasi ng dagat, napakapayapa."
"There's a place like that near the house. Pwede kang pumunta doon."
"Talaga? Hindi ba bawal? Ang alam ko bawal akong lumabas sa bahay, okay lang ba kung pupuntahan ko ang lugar na iyon na sinasabi mo?"
"Ako na ang nagsabi, Rosita. Pwede kang pumunta. From now on do whatever you want to do, go wherever you want to go. Kahit na anong gawin mo. Ang tanging kondisyon ko, magsasabi ka. Magsasama ka ng tao na magbabantay sayo to keep you safe. I am gonna be away for sometime, hindi ko alam kung kelan ako aalis at kung kelan ako babalik. Kaya gusto ko kung may gagawin ka, magsasabi ka sa akin."
"Bakit saan ka pupunta? Magtatagal ka ba?"
"Hindi ko alam. Hindi ko masasabi."
"Are you in danger?"
"I am always in danger, Rosita." I chuckled with her innocent question. "It kindda comes with the type of job I have."
"Lolita told me the kind of influence you have in the underworld. She defined what it means to be one of the Masked Wolf's Phantoms. You're a powerful boss. You're untouchable."
Natawa na naman ako. Hinaplos ko siya sa buhok at pinakatitigan sa mga mata. "Is that what you see in me, Rosita? You think I'm powerful?"
"Yeah, I think you are a god."
"I serve the god of the mafia world, princess. I am not a god myself."
"Lolita told me you are a manifestation of your own boss. You are his shadow. You are him. You are as powerful. Therefore, you are a god."
Humugot ako ng malalim na hininga. May mga bagay na hindi na niya kailangang malaman pa. Kung 'yon ang paniwala niya, 'yon nalang din ang sasabihin ko sa kanya. I didn't want to give her unnecessary problems to think about. Mas maganda kung wala siyang iisiping iba kundi ang mga bagay na lang na gusto niyang gawin.
"Tell Cindy when you want to go to that place. Sasamahan ka niya. You will bring the assigned bodyguard for you, of course; we can't compromise on that."
"Hindi mo ba ako sasamahan?"
My heart skipped a beat. "No."
"Okay."
Disappointment was evident in her voice, and It made me ache inside. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin kapag kasama ko ang babaeng ito. Parang nakakonekta ang puso ko sa kanya na kapag nalulungkot siya may tali na humihigpit sa puso ko.
"I'll probably join you some other time. Hindi lang sa mga susunod na araw. Marami akong ginagawa sa ngayon."
"Sige. Sa susunod na lang."
I felt like I no longer needed to be in the room, kaya tumalikod na ako at tinungo ang pinto. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso at humarap siya sa akin. Her eyes were bright and dreamy. She was really beautiful.
"Thank you," she said in a small, shy voice. Nanlaki ang mga mata ko sa hindi ko inaasahang pagtingkayad niya at paghalik ng mariin sa mga labi ko. Her small tongue teased my mouth to open, which I did. I returned the kiss just as swiftly and snaked my arms around the thin of her waist. Nagulat siya pero hindi nagtangkang lumayo. Her body molded into mine. Isang halik lang sana ang pinlano niyang gawin sa akin, pero hindi ko kaya ang isang halik lang. Lalo't alam kong mawawalay ako sa kanya ng matagal sa oras na magsimula na ang digmaan sa Moscow. Hindi ko rin alam kung makakabalik ako sa kanya ng buhay.
And then there's this recurring pain in my head again whenever I'm with her or even when I just think of her. Something inside my brain was breaking. I needed to go back to the lab in Russia to check how damaged the chip was. I needed to find a cure, or everything I had worked so hard for would just be a blank space in my head... including her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro