Chapter. 17 Bite her Lip
Matagal akong nakatitig sa mga banig ng pills na binigay sa akin ng OB. Mabigat ang loob ko pero alam kung ito ang nararapat. Kailangan kong itatak sa utak ko ngayon palang na si Areezmir Vulkov ay hindi nararapat maging ama ng mga anak ko. It was the mother's responsibility to choose who would be the father of her children; she owed it to them. A man as heartless as that demon did not deserve to have any of my children.
Just for the sex. Yup. Let's keep our relationship that way. I couldn't attach my future to that kind of monster anyway.
"Senorita Rosita, is everything alright?"
Si Cindy iyon. Kumakatok na siya na cubicle na okupado ko sa public toilet ng clinic na ito. Nagpaalam akong magba-banyo lang saglit pero inabot na yata ako ng ilang minuto dito.
"Yup. Just give me a minute." sagot ko.
Ipinasok ko sa maliit na bag na binigay ng clinic ang mga pills na hawak ko. Nang lumabas ako nakangiti sa akin si Cindy. She waited for me for probably a quarter of an hour, pero wala sa mukha niya ang pagka-irita. Nasa labas na din ng women's comfort room si Ryler, naghihintay sa amin. Nasa loob ng isang malaking mall ang clinic ng doctor na pinuntahan namin kaya naman gusto kong samantalahin ang pagkakataon na nakalabas ako.
"Pwede ba tayong maglakad-lakad muna bago umuwi?"
Tiningnan ni Cindy si Ryler, I paused my breath for a second. Sinipat ni Ryler ang relo bago tumango sa aming dalawa. Si Cindy ang halos tumalon sa tuwa, kinawit niya ang braso sa akin at hinila ako patungo sa section ng mga damit pambabae sa mall.
Naglibot-libot ako habang nakikita ko si Cindy na nagsusukat ng mga damit na napipili niya. She asked me for my opinion sometimes. Puro naman oo ang sagot ko dahil halos lahat ng damit na sinusukat niya ay bagay sa kanya. Well, she was a beautiful woman. She had all the right curves in her body too, kaya naman hindi hirap sa kanya ang maghanap ng damit.
I saw one pretty dress that I liked. It was an off-shoulder floral white maxi dress.The price was three thousand pesos. It was pretty cheap compared to the boutiques I went to with Blanca. Ang mga damit ng kapatid ko hindi bababa sa twenty thousand ang halaga. Even for a simple crop top. 'Yon ang presyuhan ng mga damit niya.
Napabuntong-hininga ako. The dress I was wearing right now was a little tight in the butt area. In fact, halos lahat ng mga damit ko sa closet na binigay nila hindi naman talaga comfortable sa akin. They must have miscalculated my frame. I always struggle to find dresses that fit my butt area.
I wish I had three thousand pesos right now. Gusto kong bilhin ang damit na ito. Nang makita ko si Cindy na nilapag ang mga pinamili sa counter, nilapitan ko na siya.
"Where's the dress you're buying, Senorita?"
"We've agreed to not calling me Senorita, Cindy."
Nginitian niya ako. "Ops. So nasaan ang damit na gusto mo?"
Nagkibit-balikat ako. I couldn't have her buy a dress for me. "Sa kabila naman tayo?"
Cindy showed me a particular boutique inside the mall na alam kong pricey. Umiling ako. Kahit naman makakita ako ng damit d'yan hindi ko rin naman mabibili.
"Alam ko na doon nalang tayo sa kabila!"
And it was an even more expensive store. Napangiwi ako.
"Ayaw mo din doon? May particular store ka bang hinahanap? Tell me, baka andito pwede nating puntahan."
"Can we go to the Fine Arts Supplies store?"
"Fine Arts, hmmm, alam ko meron sa ground floor, eh. Come on, let's take the escalator."
Buong-buo ang energy ni Cindy sa pagsama sa akin. Samantalang nasa likod lang si Ryler nakasunod sa kung saan man kami pumupunta. Isang malaking store ang pinasukan namin na punong-puno ng mga supplies para sa iba't-ibang uri ng art para sa iba't-ibang artist. Wow. This was my first time going to a place like this. I have seen so many things that I liked the first time I saw them.
Kaagad kong pinuntahan ang section para sa painting. I checked the paints and brushes, as well as the acrylic papers and canvasses. I used to paint secretly after class in a private place Chad found for me in school. Ninanakawan pa nga niya ako ng mga supplies na ganito sa painting class nila. Natigil lang ang pagtakas-takas ko na iyon nang isumbong kami ni Blanca sa teacher. Pareho kaming na na-guidance ni Chad, isang linggo akong kinulong ni Marietta sa kwarto dahil daw sa kahihiyan na binibigay ko sa pamilya.
I missed painting. Nakakawala ng stress, nakakapagpa-kalma ng utak. Pero kagaya nga ng mga nakikita kong presyo sa online, napakamamahal ng mga ito. And I knew I couldn't afford them. Matapos kong malibot ang buong store nagyaya na akong umuwi kay Cindy.
"Wala ka bang nakitang gusto mo?" tanong niya.
"Sa susunod nalang."
"Sure ka? Maaga pa naman baka gusto mong lumipat. Meron pang isang store sa 3rd floor."
"Hindi na. Okay na ako. Gusto ko lang naman silang makita."
"Hmm. Okay. Let's go. Ry, uwi na daw tayo."
***
Pagdating sa mansyon diretso ako sa kwarto. Hindi ko alam kung nasa bahay ba si Areezmir o kung may lakad na naman ito kasama ang mga tauhan niya. It had been two days since that morning when he fucked and shamed me. Hanggang ngayon kumukulo ang dugo ko sa inis sa kanya. Mabuti na lamang parati siyang busy kaya hindi ko nakikita ang pagmumukha niya sa bahay na ito. Kundi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko bigla ka nalang siyang hampasin ng malaki at mamahalin niyang flower vase sa ulo kapag nakatalikod siya.
I wanted to see him. Angry or not, I wanted to see him. Sulsol ng bwesit na parte ng pagkatao ko na nagkakandarapa sa lalaking iyon. If I couldn't keep my hands off him, puso ko ang rerendahan ko. It was easy to like a man who was a sex beast and gave you ecstasy every time he touched you, but that was all it was going to be. Sex. At the end of the day, physical pleasure was not enough reason to fall blindly in love with someone. Especially if he was a freakin mafia boss with the ruthless eyes of a lion. He was a criminal; he killed people for a living. He tortured anyone who stood in his way. A plain, savage predator from which every sensible woman would stay away.
Later that night, gabing-gabi na siya dumating ng bahay. Maraming tauhan siyang dala na para bang galing sila sa malayong lugar at katatapos palang ng giyera. Cindy said I needed to join the mob boss for dinner tonight. Kaya naman kahit na wala akong ganang kumain nasa harapan niya ako ngayon sa isang napakahabang lamesa na kailangan ko pa yatang sumigaw para lang marinig niya ako mula sa kabilang dulo. Matapos mailapag ang pagkain tahimik akong sumubo ng hindi siya tinatapunan man lang ng tingin sa mga mata. Ayoko siyang pansinin. Bakit pa ba ako magpapaka-civil sa kanya kung ang tingin naman niya sa akin ay vagina na tinubuan ng katawan at mukha. I was not a woman to him; I was just a machine built for sex just for him.
Hindi rin naman niya ako pinapansin, nagnakaw ako ng isang sulyap sa kanya. Sa kabila ng sunod-sunod na pagsubo ng pagkain at paglagok ng wine, halatang napakalayo ng iniisip niya. Isang nakaw na sulyap lang ang gusto ko sanang gawin, ang kaso napakahirap nang alisin ang tingin ko sa kanya sa oras na madikit ito. He was looking very powerful and formidable in his gray suit right now. He had loosened his neck tie, and two of his buttons were open. Paano nangyaring napakagwapo ng lalaking ito sa kahit na saang anggulo? Hindi ko alam kung ilang sandali akong nakatitig sa kanya basta nang nag-angat siya ng tingin at salubungin ang titig ko nangangawit na ang talukap ng mata ko n'on. Binaba ko ang tingin at pasimpleng kumuha ng pagkain at ngumuya. Alam kong siya naman ang nakatitig sa akin kaya kahit na anong ngawit ng leeg ko hindi ako tumitingin ng diretso sa kanya.
Kaya naman hindi ko namalayan na wala na pala siya sa harapan ko. Heck??! Ano yun may sa pusa? Walang tunog ang footsteps?! Para akong tanga na malapit nang magka-stiff neck tapos wala naman na pala siya sa harapan ko?!
Sa inis ko hindi ko namamalayan na naubos ko na pala ang buong manok na nakalapag sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Kelan pa Rosita? Kailan pa 'ko kumain ng ganito kadami?! Kaya naman ang bigat ng katawan ko nang umakyat ako sa kwarto.
After a quick shower, sinilip ko sa loob ng banyo ang cellphone ko. I saw that Chad was sending me messages every day. Napapangiti ako. Napaka-sweet ng taong ito kahit pa nga alam kong may ideya siya na kami ng kapatid ko ang dahilan kung bakit dinanas niya ang karumal-dumal na bagay na iyon. He had sent me pictures of himself too. The doctors somehow were able to fix his face; ngayon ay namamaga na lamang pero nakikita kong pagaling na siya.
Nag-message ako na ituloy-tuloy niya lang ang pagpapagaling niya. Nagreply siya kaagad. Tinatanong kung nasaan daw ba talaga ako at kung ano ang ginawa sa akin ng pamilya ko. He must have heard rumors at school. Hindi maiiwasan dahil malaki ang bunganga ni Blanca, malamang kung ano-ano na namang tsismis ang pinagkalat nito tungkol sa akin.
Chad insisted that when he recovered, he was going to see me. Bigla akong kinabahan. Would Areezmir allow that? Malamang ay hindi. I knew for a fact that he was a cold person, but was he the jealous type too? Wala naman kaming ibang gagawin ni Chad, wala naman din siyang masamang intensyon, pero paano nga kung pumunta siya dito?
I typed my reply, hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang ginagawa iyon eh wala naman akong ginagawang masama. In my nervousness, nasagi ko ang maliit na flower vase na may lamang miniature indoor plant. Napa-iktad ako nang mabasag iyon sa harapan ko.
Damn, how clumsy!
Naupo na ako para damputin ang nabasag ko nang umilaw ulit ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko. I was typing earlier, and I told Chad that I would like to see him too, but I couldn't. Pero mukhang yung first part lang ng message ko ang nasend ko. Hindi na 'yong parteng hindi pwede.
"Rosita."
I heard a voice from outside the door. My heart immediately short circuited. Nataranta ako hindi ko alam ang gagawin ko. Kaagad akong tumayo para isiksik sa pinagtataguan ang cellphone ko, sa ginawa kong iyon nasagi ng paa ko ang basag na vase. Napa-igik ako sa kirot niyon. His voice had this weird effect on me that made me both frightened and excited at the same time.
"What was that noise?" he insisted.
"I broke the vase." kinalmahan ko ang boses ko kahit na nanginginig ako. "Anong kailangan mo?"
"Are you okay?"
Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon. The nerve of this man to even ask! Ni hindi niya ako tinanong kung okay lang ako matapos niya akong parausan noong nakaraan na para bang isa lang akong sex doll sa paningin niya tapos ngayon nagtatanong kung okay lang ako dahil sa basag na vase?!
"Nabasag 'yong vase. Tinatanong mo ba kung okay lang ang vase? Nag-aalala ka sa vase?"
"What are you talking about? Open this door." isang pabalang na sagot nasa tono na kaagad niya ang pagka-irita. Cold na nga, maikli pa ang pasensya.
"No."
"What do you mean no?"
"I don't want to open the door. I might be your whore, but I'm not a sex doll; I'm human too. Give me some goddamn privacy!" I can't believe I said that.
"Just what the hell are you talking about?? Don't make me ask again. Open this fucking door. Now."
Nang masiguro kong nakatago na ang cellphone ng mabuti, binuksan ko na ang pinto. Kaagad na bumaba ang tingin niya sa maliit na hiwa ko sa paa, nagkulay pula na iyon pero hindi naman dumugo ng madami dahil maliit na nganga lang naman.
"Happy now?" patuya kong tanong. Inayos ko ang bathrobe na suot ko tapos ay nilampasan ko siya, dumiretso ako sa vanity mirror. Inalis ko ang tuwalya na nakaikot sa buhok ko at sinimulang suklayin iyon.
I ignored his presence in my room.
Kahit na panggap lang.
His smell was all over my freaking nose, and my knees were starting to feel like jelly. Narinig ko ang pag-buntong-hininga niya. Akala ko ba walang pansinan, ni hindi niya nga ako inimikan kanina sa dining table, anong ginagawa niya dito?
Pero nang tinungo niya ang pinto at akmang lalabas na, hindi ko pa rin talaga napigilan ang bibig ko. "Aalis ka na?"
May panlilisik ng mga mata siyang tumingin sa akin. "Why? You want me here?"
"No."
"That's what I figured. Put some ointment and a bandage on that wound before you get an infection."
"Sanay ako sa sugat, Mr. Vulkov. Lumaki ako sa pasa, sa bugbog, sa sabunot. Pati na din sa kulungan sa ilalim ng lupa. Balewala sa akin 'to."
Nakahawak siya sa doorknob habang titig na titig sa akin. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bago pa man ako maluha sa mga ala-ala binalik ko ang atensyon sa mukha ko sa harapan ng salamin. I learned to use creams and expensive oils for my face and body. Lolita told me that the key to staying safe inside his house was to make sure I didn't lose his interest. She had seen countless women thrown away once the boss got tired of them.
"I don't care what kind of hell you can tolerate; what I'm telling you is you no longer have to. In my house, if you have a wound, you get treated. If you're sick, you get a doctor. Nobody will raise a hand, not even a tone, on you. Anybody who puts you back in a dark cell, I'll kill."
"Why? Because you own me? That I'm some kind of possession na kapag kinanti ng sinuman makakanti din ang ego mo? Ganun ba 'yon?"
"Yes. Probably. Whatever my reason is, it doesn't matter. You heard what I said, hindi mo na kailangan na magtiis simula ngayon."
"That's bullshit."
Naningkit ang mga mata niya at kaagad na sinugod ako. Sa isang mabilis na kilos nagawa niyang makalapit sa akin at maibaon ang mga daliri sa buhok ko. Napakalapit ng bibig niya sa akin, nakatitig ang mapanuring mga mata. "Watch what's coming out of those pretty little lips, honey. I'm not used to people swearing at me." His hot mouth came down on me and he bit my lower lip a little hard. The touch of his lips on mine was like fireworks just waiting to light up. "This is the only pain you'll ever have to tolerate, Malishka. The pain of my bite on your lips. Nothing else."
Ako naman ang napatitig sa kanya. This man was something. I couldn't figure him out. One minute I was a slave to him, the next I was the freaking Queen. But I won't get my hopes too high. Kagaya nga ng sinabi nilang lahat tungkol kay Areezmir; he might be the devil to everyone else, but he's the opposite to those loyal to him.
He left without another word. Ganun nalang iyon? Papasok-pasok siya sa kwarto ko tapos wala naman palang gagawin? Titingnan lang ako ng masama tapos aalis na? My lower lip felt a little numb. Ngayon ko lang naramdaman ang kaunting kirot mula doon. Namula iyon. He freaking marked my lip!
In the morning, when I woke up, I found a small adhesive bandage neatly covering my wound. Hindi ako naglagay nito kagabi. Bumalik ba siya sa kwarto ko para dito? Gusto kong sapakin ang sarili ko. My first instinct, as soon as I woke up, was to find him. This was not freaking normal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro