Chapter 14. Beneath the Sheets
Ilang linggo na akong nasa mansiyon; hindi ko na ulit nakita si Areezmir. They said he was in Moscow. Hindi masyadong pinag-uusapan sa bahay na ito kung ano ang ginagawa at kung nasaan ang amo nila. Kaya bukod sa impormasyong nakuha ko tungkol sa kanya noong unang araw na nandito ako nangangapa pa din ako sa totoong pagkatao nito. His people called him Ares. The name sounded so simple and light.
Nakahiga ako sa malawak na kama, nakatitig sa kisame. Walang pinagkaiba ang bahay na ito sa bahay ko dati, nakakapaglakad man ako sa kabuuan ng mansiyon, ang totoo kulong pa din ako. Walang kalayaan at de numero ang mga galaw. I brought my cellphone with me. Sa banyo ko lang pwedeng buksan at tingnan iyon dahil nag-aalala akong may CCTV sa loob ng kwartong kinaroroonan ko.
I sent several messages to Chad. Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya ngayon. I owed it to him. Totoo ang sabi ni Blanca, ako ang nagdala sa kanya sa ganoong sitwasyon. Pero hanggang ngayon wala pa ding txt o tawag mula sa kanila.
Bumangon ako at pinakiramdaman sa labas. Mukhang wala namang taong paparating, kaya tumakbo ako sa banyo ng kwarto. Hinugot ko sa likuran ng nakasabit na painting ng bulaklak ang may kalumaan ko nang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon nang makita ako ang isang chat message na nanggaling mismo kay Chad.
He said he was slowly recovering at huwag daw akong mag-alala. Nakauwi na din sila ng Mama niya mula sa hospital at sa bahay nalang siya nagpapagaling. He asked if I could come and see him. Napalunok ako at nakagat ang labi. Gusto ko siyang puntahan pero malayo ako. Chad was the only friend I have. Siya lang ang taong naging pinakamalapit sa akin. Mas malapit pa kaysa sa pamilya ko.
I sent him a message back. Sinabi ko na nasa malayo ako. Sinabi ko na magpagaling siya kaagad.
Tinanong niya ako kung pumapasok pa ako. Sinabi ko ang totoo na hindi na. I never liked my course anyway. Pinili iyon ni Marietta para sa akin para nababantayan ko si Blanca—ibig kong sabihin—napagsisilbihan sa paaralan. I couldn't explain to him what was going on, kaya sinabi ko nalang na pinayagan na ako sa wakas ng Papa ko na bumukod at lumipat ng tirahan malayo sa mga ito.
Chad believed me. I was crying really hard. He was the one person who could give me a warm hug and strength right now. And I couldn't even see him.
Pinilit kong ibalik ang mga luha sa mata ko. I couldn't be this weak if I needed to survive. Somehow, I needed a plan to be able to adapt to this new environment. Gusto kong makarinig ng musika; gusto kong gumuhit, para kumalma ang sistema ko, para mabawasan ang panginginig ng buong katawan ko. Sa kasamaang palad, kahit ang mga iyon ay wala. Sumiksik ako sa kanto ng CR at doon humagulgol habang yakap ang mga tuhod.
"Anong gusto mo for dinner, hija? Ipagluluto na kita." salubong sa akin ni Manang Becca pagbaba ko sa hagdan.
"Kahit ano po."
"Lagi nalang iyan ang sagot mo. Sabihin mo kung ano ang gusto mo at iyon ang lulutuin ko."
Tumingin ako sa mga mata ni Manang Becca, gusto lang naman ng matanda na pagaanin ang pakiramdam ko, she said it herself na napapansin niya ang katamlayan ko.
"Kare-kare nalang po."
"Oh sige at magpapabili ako sa bayan ng ingredients kay Cindy."
"Pwede po ba akong sumama? Kay Cindy?"
Napatitig sa akin ang matanda. Alam kong hindi niya alam ang isasagot.
"Si Ryler kasi ang nautusan ni Ares na magbabantay sayo. Hindi pa siya bumabalik mula sa misyon niya hanggang ngayon. Pagkabalik na pagkabalik ni Ryler. Pwede kang sumama kay Cindy na lumabas, ha hija?"
Tumango. Nabuhayan ng loob na may pag-asa akong makalabas sa mansiyon na ito.
"Doon lang po muna ako sa garden." paalam ko sa matanda.
"Sige."
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig lang sa mga halaman mula sa maliit na garden house sa gitna ng maze ng mga bulalak. I wish I could paint them. I wish I could buy those expensive painting tools I see in the mall. I never had the money to buy what I wanted. Samantalang si Blanca, halos maligo sa mga bagong gadgets, make -up at damit.
Madilim na ng pumasok ako sa bahay. Nakahanda na din ang dinner, kaya kumain na ako. Pagkatapos umakyat ako sa kwarto, madilim na doon, pero hinayaan kong nakasara ang mga ilaw, kahit na lampshade hindi ko binuksan. Naghubad ako ng damit ko pati underwear. Papunta na ako sa banyo nang makarinig ako ng kaluskos mula sa kinaroroonan ng kama. Kinabahan ako bigla, dinampot ko ang damit sa sahig at sinubukang itakip iyon sa kahubdan ko.
"May tao ba d'yan?" nginig kong tanong. Pero walang sumagot. Nakarinig ulit ako sa kaluskos. Alam kong may tao sa kama ko, kaya naman inabot ko ang switch ng ilaw, wala iyon doon. Kinapa ko nang kinapa ang dingding pero wala. Tumama ang katawan ko sa side table; may nakapatong na lampshade doon na kaagad kong binuksan. Nang bumukas ang malamyos na liwanag halos tumalon ako nang makita ko sa kama si Areezmir.
"Anong ginagawa mo dito??"
Sinubukan niyang bumangon. Nakatitig siya sa akin. Nang bumaba ang tingin niya sa katawan ko doon lamang bumalik sa utak ko na nakahubad pala ako. Kaya naman mas mabilis pa sa kidlat na sinuot ko ang bestida ko. Nevermind the undies.
"I should be the one asking you that question. Why are you here naked, Rosita? This is not your room," he said in a slow drawl.
Napatingin ako sa paligid kung saan abot ng liwanag ng lamp. The color of the bedsheets was not the usual flowery one I left it with today. It was dark. The color of the walls was different too. Ang mga bintana sa kwartong ito ay natatabingan ng makapal na curtain. Yung akin, walang takip dahil gusto ko ng liwanag na nanggagaling sa labas. Hindi ko kwarto ito. Nagkamali ako sa silid na pinasok.
Napasinghap ako. "I- I must have entered a different door."
"Your door was right next to mine."
Napalunok ako. Napansin kung hindi yung usual na ma-otoridad na boses ang meron siya ngayon. He sounded like he was in pain. He couldn't even properly go up on the headboard. Nakahawak din siya sa tagiliran.
He was in pain. Lumapit sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag na bigla akong nagpanic sa isiping may masakit sa kanya.
God, this man was the enemy! He was the predator who tried to kill my Dad and imprisoned me here, for Pete's sake!
"So tell me, are you trying to seduce me? Walking right through my door naked to your toes?"
"Sinabi ko na sayo na nagkamali ako ng kwartong pinasok! Hindi ko alam na dumating ka na pala." nakikita kong nahihirapan siyang iangat ang katawan niya para makaupo ng maayos at makasandal sa headboard ng kama, kaya naman pinaikot ko ang braso ko sa malapad niyang likod upang alalayan siya.
"Ah!" daing niya nang dumiin ang palad ko sa ibaba ng kili-kili niya. "Be careful with your touch, honey. I'm wounded," he breathed into my ears.
Alam kong hindi niya sinasadya na ganoon kabreathy ang boses niya, ganoon ka husky, may sugat siya, nasasaktan siya. But my stupid mind translated it all to being highly erotic.
Natigilan ako. Nang makaangat siya ay kaagad akong dumistansiya pero hindi ko magawang umalis ng kama. Nanatili akong nakaupo sa ibabaw niyon kasama siya.
"You've been here seven days. Palipat-lipat ka ba ng kwarto hindi mo masa-ulo ang sa'yo?" akusa niya.
"Kahit isang buwan pa ako dito maliligaw ako."
"You realized you're raising your voice on me, right? Sa tingin mo ba dahil may sugat ako hindi ko na kayang abutin 'yang pinagmamalaki mong maganda mong leeg at pilipitin hanggang sa hindi mo na magamit ang vocal chords mo?"
How could he be so freaking scary and seductive all at the same time? Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko, gusto kong hampasin ang sarili kong ulo. Tapos ay nagmulat ako at huminga ng malalim. "Hindi kita sinisigawan. Hindi sigaw 'yun Areezmir."
"Walang nagtataas ng boses sa akin Rosita, mas lalo na ang sumigaw."
I knew. Believe me, I knew. Everyone I knew was scared of you.
Ang usual na instinct ng tao kapag natatakot di ba ay lumalayo? Pero bakit humaling na humaling ako sa init na nagmumula sa katawan niya at sa amoy niya na hindi ko magawang ilayo kahit na isang pulgada ang katawan ko sa kanya. Para akong isang biktimang naturukan ng kamandag hindi na magawang kumilos, naghihintay nalang na sakmalin anumang oras.
"You imprisoned me here, and I'm not even allowed to raise a little voice against you."
"Nagrereklamo ka na ba? Hindi mo kaya? You can always walk out the door if you want to."
"Tapos papatayin mo ang buong pamilya ko?"
"I'll do you a little favor. Uunahin na kita. Para naman hindi mo makita ang pagkamatay nila isa-isa." His teeth are grinding because of pain, pero ang mga lumalabas sa bibig niya kasadistahan pa rin talaga. Well, Mr. Mafia Boss, I hope you bleed to your death right now!
"Anong sinabi mo?" galit niyang angil.
Nanlaki ang mga mata ko. Lumabas ba sa bibig ko ang mga salitang iyon?
"Alam mo para sa isang taong mahina at namimilipit sa sakit, napakasama pa din ng tabas ng dila mo."
"Ang tabas ng dila mo ang intindihin mo kung ayaw mong mamilipit sa sakit."
"Napakasungit mo!"
"Ang ingay mo!"
"Hindi naman ako mag-iingay ng ganito kung hindi puro pagbabanta ang naririnig ko sayo. Bakit hindi ka kaya magpanggap na normal na tao kahit ngayon lang? Tinulungan na nga kitang makabangon d'yan ako pa masama."
"You cursed me to bleed to death, remember?"
"Dahil sinabi mong uubusin mo pamilya ko."
"You hated your family. When I told you I'd kill them all, that was not a punishment; that was a favor. Dapat nga magpasalamat ka pa."
"You clearly don't know how favor works; it doesn't involve killing other people."
"It does in my world. All the time."
"Well, not in mine!"
Tumawa ng maikli si Areezmir. "We live in the same world, Rosita. Life would be a little better for you if you could play it cold and stiff. Sa mundong 'to, you cannot love and hate a person at the same time. You gotta choose your emotion well. There's just only one option. Whether you hate them or you love them. One emotion at a time. Then you'll probably survive."
"That's rich coming from a person who only has one emotion—hate. Hindi mo pa siguro nararanasan ang magmahal kaya ganyan ang pananaw mo."
Tumawa lang ito at umiling-iling. "How old are you, five? Your fairy tale stories must have gotten into your head pretty hard."
"Then gunpowder must have mixed into your blood pretty well and traveled to your heart and into your head."
"It's not gunpowder, Rosita. It's called sense, common sense to fucking survive. It—damn!" napamura ito at napahawak ng maigi sa tagiliran hindi na natapos ang iba pang sasabihin.
"Anong nangyayari sayo?"
Namutil ang pawis sa noo niya, hindi na niya magawang tapusin ang sasabihin dahil kagat na niya ang ibabang labi sa sakit. Inuntog niya ng mariin ang ulo sa headboard mabuti nalang at may cushion iyon kaya hindi mababasag kahit papanu ang bungo niya.
My hand automatically touched his face. He was burning hot. He had a very high fever! "Tatawag ako ng Doctor, sandali lang!" bago pa man ako makatayo hinawakan na niya ako sa braso at hinila pabalik sa kama.
"I'm a doctor. I don't need another one. Sit the fuck right here!"
"You're in pain! Anong gagawin ko??"
"Give me the blue medicine kit from that drawer," he said, teeth grinding.
I watched him use his teeth to tear the plastic cover off the needle and put it on the syringe. He then took out some kind of liquid solution from a small vial and injected it into his arm. Then he swallowed some white pills with the bottle of wine sitting on his side table.
Pagkatapos ay sumandal siya ng maayos at ipinikit ang mga mata. Nakatitig lang ako sa kanya hindi ko maalis ang tingin sa mukha niya. He was still in pain. He said he was wounded. Was it a gunshot wound? Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya habang nakapikit ang mga mata niya. Pinagmamasdan ko ang paunti-unting pagkalma niya. Ang baba at taas ng dibdib niya sa bawat paghinga.
Nagbawi ako ng tingin ng imulat niya ang mga mata at tumitig sa akin, "Take your clothes off, Rosita."
"What?"
"Don't give me that look; I'm not gonna fuck you. Take off your clothes and get beneath the sheets with me."
Inabot ko ang laylayan ng damit ko at hinubad iyon. Did I have a choice? No. Even if he fucked me right now, wala akong karapatang tumanggi because that was what I was here for. Completely naked, I joined him in bed.
"Undress me."
Tahimik akong sumunod. Nanginginig ang kamay ko hindi sa kaba, hindi sa takot. Hindi sa pag-aalala. Alam kong gusto ko ang ginagawa ko. At mali iyon. Kaya nanginginig ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko sa tuwing nalalapit ako sa kanya.
"Stop shaking. I'm not gonna eat you!" he hissed.
"I can't, okay? You said you're a doctor; nakokontrol ba ng tao ang panginginig??" bwelta ko.
"Are you scared of me?"
"Are you kidding? With those golden eyes and deadly stare, yes! I'm scared of you."
Nasa kalagitnaan ako ng pagtanggal ng butones ng damit niya nang hulihin niya ang dalawa kong kamay at ikulong ang mga iyon sa malaki niyang palad. Mas lalong nagpanic ang sistema ko. I was not scared because he was a killer and he could kill me with one wrong move; I'm scared because... I freaking like being near him! Tina-traydor ako ng sarili kong katawan!
Tumitig siya sa mga mata ko. Hindi ko magawang kumurap. Nang ibaba niya ang mukha at sakupin ng labi niya ang labi ko, I stupidly opened my mouth and let him kiss me. His mouth was hot and wanting. His kisses were rough and intense. There was no passion or emotion in it; it's just plain-cold devouring! Pero tinanggap ko iyon. Ibinalik ko sa kanya ang halik niya na may katumbas na init at pusok.
Lumipat ang dalawang kamay niya sa leeg ko kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na tuluyang hubarin ang pang-itaas na damit niya. Our tongues danced in each other's mouths. Bumaon na din ang daliri niya sa buhok ko. We were fighting one second, then kissing like we had missed each other so much the next.
I missed him. Damn, I missed him! I missed his touch and his kisses. I missed the heat of his skin wrapped around me. I missed him inside me.
"You are a fucking witch, woman. Just what the hell are you doing to me?" he asked when he tore his lips from mine.
Napalunok ako. Sa malamyos na liwanag ng lampshade, this man was gorgeous. Very gorgeous. Para akong nakakakita ng nilalang na hindi nabibilang sa mundong ito. He was from another dimension; he couldn't be human with those golden eyes, perfect nose, and bewitchingly delicious mouth.
His hair was not in it's normal, clean-cut state. It was disheveled and lazily messy. It was very fucking sexy; I wanted to rake my own hands through it.
And he dared accuse me of witching him? He was the one witching me!
"Higa." Maikli niyang utos.
Sumunod naman ako. He laid down beside me beneath the thick sheets of his bed.
"Wrap your arms around me."
I gladly did.
"You're no longer shaking, Rosita."
"Your kiss is like anesthesia. It makes me numb."
"It's a good thing?"
"Of course not!" I hissed at him.
Then he laughed sexily. Hindi na ako nanginginig pero sira na ang ribcage ko sa lakas ng hampas ng puso ko doon.
Ilang sandali pa nang mahimasmasan ako, narealized ko din kung bakit pinahiga niya ako dito sa tabi niya ng nakahubad at nakayakap sa kanya. Naninginig siya sa lamig dahil ang taas pa rin ng lagnat niya. Inayos ko ang pwesto namin.
Nang makatulog na siya, inangat ko ang ulo niya at pinahilig ko sa balikat ko para iyon na ang magsilbing unan niya. That way I could share my body heat better, which he badly needed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro