Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Year 2055


Ano ba namang pauso 'to. Pang tamad. Nayayamot kong sabi sa sarili ko, nakita ko na naman kasi ang side-destined-machine.


Ito 'yung tinatawag na side walk dati, sa bawat gilid ng kalsada may parang escalator pero flat surface ito, naandar lang 'yon kapag nadedetect nung machine na may nakatayong tao sa kaniya. Tatayo ka lang doon at makakarating ka na sa pupuntahan mo. Easy. Hindi mo na kailangan maglakad pa. Oh diba katamaran.


Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon pabalik sa Manila para salubungin ang bagong taon. Sa probinsya kami nag pasko, sa Cavite.


"Buti na lang talaga walo na ang lane ng kalsada ngayon, hindi katulad noon na dadalawa lang" sabi ni mama habang nag ddrive.


"Dalawa? parang ang sikip naman nun" sabi ni ate Tricia.


"Oo, dalawa lang kaya uso ang traffic dito sa Pinas dati" kwento ni mama "tyaka noon, kapag probinsya ang pinuntahan mo, probinsya talaga. Puro puno, maaliwalas ang hangin ganun" dagdag niya. Eh ang mga probinsya kasi ngayon ang laman ay nagtataasang buildings. May mga puno pa rin naman pero hindi katulad sa Manila na halos bilang na lang sa daliri ang mga puno na makikita mo sa paligid mo.


Napunta ang tingin ko sa langit, may nakita ako na iilang sasakyan ang nalipad. Flying Car kuno.


Isa rin 'yan sa imbento ng Katamae Company. Ewan ko ba sa kumpanya na 'yan. Sa kanila rin 'yung side-destined-machine. Eto pa matindi, last year naglabas ulit sila ng bagong produkto at tinawag nila itong Incredible Chair. See, upuan naman ang pinag-initan nila.


Guess what kung ano 'yon, syempre upuan. Upuan na lumulutang at dadalhin ka kahit saan mo gusto nang nakaupo haha. Ang corny. May controller silang nilagay sa right arm chair, may color red circle na button for start and stop, may apat na arrow din sa bawat side nung button. One up arrow button for straight direction, left arrow button for left direction, right arrow button for right direction and down arrown button for back off.


Sa left arm chair naman may dalawang malaking arrow, up and down. Kung gusto mo mag feeling butterfly, then press the up arrow button on left arm chair. Kung gusto mo naman maging feeling dog, then press the down arrow button on left arm chair. Simple as that.


Sa mismong upuan naman nito ay may nakaukit na Katamae which means it is Katamae brand. Bagay lang pala ang pangalan ng kumpanya sa mga produktong 'to. Mga pang katamae-ran.


Kaya naman kung gumagamit ka ng mga produkto nila. Isa ka sa alagad ng Katamae na tinatawag kong tamae-d.


Hindi ako nagamit ng produkto nila. Unless its necessary.


Ang mga produktong 'yon ay isa sa nagpapatunay na mas maunlad na ang Pilipinas ngayon. Ang pagkakaroon ng walong lane sa kalsada ay kabilang din. Wala ng traffic. Pati nga pagpapaputok ng fireworks kontroladong-kontrolado na rin. Last year 114 na katao ang nadisgrasya dahil sa paputok, sila ang mga taong pasaway. Sa panahon ngayon legal ang paggamit ng fireworks sa edad na 35, matatawag ka na illegal user kapag 35 below ang edad mo at pagmumultahin ka ng anim hanggang walong libo.


"Malapit na tayo" sabi ni mama.


Finally, malapit na kami sa subdivision kung saan kami nakatira.


Nang makarating na kami sa bahay, pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto dahil pare-pareho kaming antok na antok.


Lumundag ako sa kama ko sa sobrang pagod. Hindi lang pag ddrive ang nakakapagod. Nakakapagod din umupo at tumunganga buong byahe.


Pinikit ko na ang mata ko para matulog.







I am Bellinda Cristina Mandayao, ipinanganak ako sa mundong 'to na mas maunlad na ang Pilipinas at ang katamaran ng kabataan ay patuloy na umiiral.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro