Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: An almost accident

*bUgsh*


"Bell, ayos ka lang?" ang bilis ng pangyayari. Hinila niya ako palayo kanina bago bumagsak 'yung flying car.


Nakita namin ni Jaecey na nagtransform into normal car 'yung kaninang flying car. Wala itong sira. Talagang bumagsak lang 'yung katamae car na wala sa lugar.


Nilapitan ni Jaecey 'yung nagmamaneho "Sir, are you alright?" sabi niya. Lumapit ako sa kanila.


Senior cetizen pala ang nagmamaneho. "Uhm, lolo delikado po na kayo ang nag ddrive nitong katamae car tyaka wala pa kayong kasama" nag aalalang sabi ni Jaecey.


Bumaba si lolo sa sasakyan niya "Pasensya na iho at iha, napuwing kasi ako habang nagmamaneho at hindi ko kaagad kayo napansin nung ibababa ko na ang sasakyan ko, pasensya na talaga" halatang sincere siya sa pag ssorry niya.


"Okay lang ho, lo. Ingat na lang po kayo sa pag uwi" sabi ko.


"Salamat iha, iho mauuna na ako. Salamat, salamat" nagmamadali ito at agad umalis pero hindi na siya nagpalipad.


'yan ang disadvantage ng katamae car. Tulad nga ng sinabi ko, I hate Katamae brands. Hindi lang siya pang katamae-ran, lapitin din ito ng katamae-yan. Sounds like ka-ma-tay-an.


"Muntik na tayo don" sabi ni Jaecey.


"Salamat" sabi ko.


"Wala 'yun" sabi niya "ilang beses na rin kitang niligta--" bigla niyang pinutol 'yung sinabi niya.


"Huh?" hindi ko masyadong naintidihan 'yung sinabi niya. Ang bilis niya kasi magsalita.


"Wala. Tara na" patuloy lang kami sa paglalakad.


"Jaecey, alam mo ba nakita kita na may hawak na ice cream nung nakaraan"


"Ice cream?" nagtatakang tanong niya.


"Wala joke lang HAHAHA" pagbawi ko. Hindi ko pwede sabihin, hindi niya rin naman maiintindihan tyaka isang beses lang naman 'yung scenario na nakita ko. Iba na ang iisipin ko kapag nauntog ulit ako at siya ang pumasok sa isip ko.


"Corny mo" huminto na kami sa paglalakad, nasa tapat na pala kami ng bahay namin.


"Pasok ka muna" sabi ko.


"Hindi na, hindi ko pwede iwan si nanay Elen mag-isa sa bahay ng ganitong oras" sabi niya. "Mauuna na ako" nakatingin lang kami sa isa't-isa.


???


Sabi niya mauuna na siya? Ano pang ginagawa niya? Nakatayo pa rin siya sa harapan ko.


Hindi ko naiwasan na tumaas ang isa kong kilay "a-ah" utal niyang sabi. Nahalata niya yata na nag aabang ako kung may sasabihin pa ba siya.


Napansin kong hindi niya alam kung kakaway ba siya sa'kin o hindi. Pataas-baba kasi ang kinikilos ng kamay niya at parang nag dadalawang isip pa.


"Bye. Ingat!" ako na nag first move. kumaway ako at pumasok na sa bahay.


Hindi ko na alam ngayon kung ittext ko ba si Jaebey o hahayaan ko muna lumipas ang galit niya. Nagmumukha kasi siyang monster pag nagagalit siya, hindi lang pala mukhang monster pati kilos mala-monster din.


Tinext ko na lang si Jaebey.


"Don't be mad. I will explain everything to you tomorrow. Good night, Ily!" - Bell


Naalala ko dati muntik na rin ako masagasaan tapos si Jaebey ang kasama ko. Galit na galit si Jaebey doon sa muntikang makasagasa sa'kin, susuntukin niya sana pero pinigilan ko siya. Kaya wala siyang ibang nagawa kundi pagmumurahin niya at kulang na lang isumpa niya na.


Pero iba 'tong si Jaecey. Kahit kambal sila ang laki pa rin ng pagkakaiba ng personality nilang dalawa.


Malaki ang galit ni Jaebey sa kambal niya. Maraming kwinento sa'kin noon si Jaebey sa mga kasamaang ginawa sa kaniya ni Jaecey. Kinukumbinsi rin ako ni Jaebey noon na 'wag ko nang papansinin si Jaecey dahil sa pinag gagawa niya.


Pero hindi ko gagawin 'yon, walang ginagawang masama sa'kin si Jaecey kaya wala akong dahilan para magalit sa kaniya. Hindi mo kailangan magalit sa isang tao dahil lang galit sa kaniya ang isa sa mahal mo sa buhay. Pwedeng dismayado ka sa nagawa nung taong 'yon sa mahal mo pero tandaan, hindi mo kailangan maging harsh sa kaniya kasi hindi naman ikaw ang ginawan ng masama.


Saka ka lang magalit kapag nagawa kang gaguhin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro