Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 79: Mansion

"Malalaman mo mamaya." hinatak niya ako papunta sa harap ng salamin. Kumuha siya ng upuan at pinaupo ako, may dala-dala siyang suklay at ipit.


"Ano gagawin mo?" hindi siya umiimik.


Bigla niya na lang sinuklay ang buhok ko. Napapaaray na lang ako sa ipit na ginagawa niya sa buhok ko. Ang higpit.


"Ayan, mukha ka ng tao." sabi niya nang matapos niya na akong ayusan.


Oo nga, mukha na akong tao-- tao naman talaga ako!


"Ano ba kasing meron? Ha? Ba't hindi mo na lang sabihin?" iritang tankng ko sa kaniya.


""Wag mo na ako tanungin, malalaman mo rin naman mamaya." inirapan niya ako at lalabas na sa kwarto ko, bago pa siya lumabas lumingon siya sa'kin.


"I'm happy for you." sabi niya at tuluyan ng lumabas.


Anong sinasabi niya? Kinuha ko ang cellphone ko, cinontact si Sephil. Hindi sumasagot. Hinayaan ko na lang at bumaba na ako.


Habang bumabyahe kami, hindi ako pamilya sa lugar na kung saan kami dumadaan ni ate.


"Where are we?"


Ayun, hindi na naman umimik. Naka-focus lang siya sa pag dadrive. Napatingin ako sa langit, kitang-kita ko ang iilang kotse na nalipad. Katamae na naman!


"Sa tingin mo, ano gender nung may ari ng Katamae Company?" tanong ko kay ate.


"Female." matipid niyang sagot.


"Why?"


"Daming kaartehan e." tumawa siya. Magkapatid talaga kami, pareho ang takbo ng isip namin e..


"True, hindi nga malaman-laman kung sino ang tagapagmana e." sagot ko.


"Pribado silang tao kung ganoon." diretsyo lang ang tingin ni ate sa daan habang nakikipag usap sa'kin.


Hininto niya na ang sasakyan. Nakita kong nasa isang maganda bahay kami.


"Dito na tayo." magtatanong pa sana ako pero bumaba siya kaagad.


Bumaba na lang din ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, ang lawak, ang daming damo at may puno. Nasa gitna 'yung magarang mansion.


"Pasok na tayo." sabi ni ate, dirediretsyo siya maglakad hanggang sa binuksan niya ang main door na akala mo kaniya 'tong bahay.


"Kaninong bahay 'to? Ang ganda." bulong ko sa kaniya.


Pinauna niya ako pumasok habang nasa pintuan siya. Pumasok naman agad ako sa sobrang pagkamangha sa ganda ng bahay na'to!


Dahan-dahan akong naglalakad papasok habang nag niningning ang mga mata ko sa ganda ng paligid. Nahinto ang pag kamangha ko nung nagsalita si ate.


"Ay, may naiwan ako sa car, kunin ko lang saglit. Diyan ka lang, babalik agad ako."


"Wai--" sinarado niya agad 'yung pinto. Medyo tumaas ang balahibo ko kasi ako lang mag isa rito.


Napatingin ako sa isang pader na may naka dikit na printed paper. Lumapit ako para mabasa ko ng mabuti kung ano ang nakalagay.


'Akyat ka sa second floor, don't be shy.'


Ako naman si masunurin, umakyat nga. Sobrang naa-amaze ako! Ang ganda nung chandelier! Ang ganda rin ng iba't - ibang paintings na nasa picture frame. Plane white and black ang kulay ng bahay, modern ang style. Ang dami ring kung ano-anong statue ang nandito.


Napatingin ako sa isang malaking salamin, may nakadikit din na printed paper doon.


'Go to the fourth room'


Napatingin ang sa tabi nung salamin, may isang pintuan doon, bedroom ata. Simula doon, sunod-sunod na ang pintong makikita. Apat na pintuan lang ang nakikuta ko.


Medyo nalito pa ako kung saan ang fourth room na tinutukoy nito, 'yung room ba na nasa tabi lang nitong salamin o 'yung nasa dulo. Sinubukan ko buksan ang pintuan na katabi lang nitong salamin pero naka-lock. 'Yung nasa dulo nga 'yung fourth room.


Dahan-dahan akong lumapit papunta roon. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan, pinapakinggan kung may tao ba sa loob. Mukhang wala naman kasi tahimik. Pinihit ko ang door knob at dahan-dahan ko binuksan ang pinto.


"Wow.." napaawang ang bibig ko sa sobrang ganda, may mga christmas lights na pinalibutan ang buong kwarto, may mesa rin na nasa gitna at dalawang upuan don. May flower vase pa sa ibabaw nung lamesa.


Lumapit ako sa lamesa at may nakita akong papel na nakataob. Kinuha ko 'yon at hinarap sa'kin, may nakasulat.


'Tingin ka sa likod mo'


Napalingon nga ako kung nasaan ang pintuan, mas nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang pader na puno ng pictures! Naningkit ang mata ko, nilapitan ko 'yon at hindi nga ako nagkamali.


Puro pictures ko! Inisa-isa ko 'yung mga picture, 'yung iba roon hindi ko alam kung saan galing. Wala akong matandaan na nagpicture kami ng ganito. Napatitig ako sa isang picture ko na may nakalagay na 'B612' sa ibaba, medyo jeje ang picture.


Kinakabahan na ako sa mga nakikita ko, sigurado ako na picture ko ang mga 'to sa past life ko! Hindi ko nga alam ang B612 sa panahon na 'to!


Busy ako na nagtitingin sa mga pictures hanggang sa may nagsalita sa likuran ko.


"Do you like it? Tina."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro