Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 78: Reply

"Bell! Nagreply na si Jaecey!" Natatarantang sabi ni Sephil.


Mabilis kong inagaw sa kaniya ang cellphone niya, nadismaya ako sa nakita ko.


"Ang ganda ng reply niya ha" sarkastik na sabi ko.


Tadtarin mo ba naman ng chat 'yung isang tao sabay hindi ka nireplyan ng isang linggo tapos ngayon nag reply na nga, tuldok lang naman ang reply.


Nairita lang ako kaya nagpasama ako sa kanila sa mall para kunin na ang contact lense ko.


"Bigla na lang talaga lumabo mata mo 'no?" sabi ni Joshua.


"Oo nga e" sagot ko.


"Sana hindi rin lumabo ang pagtingin mo kay Jaecey." pang aasar ni Sean. Ayan na naman siya sa kaaasar niya.


Naiirita lang ako kapag naaalala ko si Jaecey. Nasan na siya? Nasan na 'yung manliligaw ko?


"Simula ngayon, wala na akong manliligaw!" sigaw ko sa kanila.


"Ang bitter naman." comment ni Sephil. "Malay mo busy 'yung tao."


"Busy?! Bakit Presidente ba siya ng Pilipinas?! Sobrang busy ba siya kaya tuldok na lang ang inireply niya?" inis na sabi ko.


"Bakit ka nagagalit? Kayo ba?" sabat ni Joshua.


Inirapan ko lang siya.


"Ayan kase, noong nandito pa, ayaw pa sagutin. Ngayong wala na, hahanap-hanapin." mabagal na sabi ni Sean.


Sa insi ko sa kaniya, hinampas ko sa ulo niya 'yung paper bag na hawak ko.


Tawa lang nang tawa si Sean, nauna na ako maglakad para kumain na kami.


"May sasabihin ako." napahinto sila sa pagkain nila. Nasa tabi ko si Sephil, nasa harapan ko si Joshua at nasa tabi niya si Sean.


"Ano 'yon?" sabi ni Sean.


Ang tagal bago ako nakapag salita.


"Mamaya na lang pala." sabi ko. Binagsak bigla ni Joshua 'yung kutsara at tinidor na hawak niya, dismayado.


"Ayoko ng pabitin." sabi niya.


Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila na si Jaecey at 'yung lalake na nakikita ko sa weird scenarios na Ralph ang pangalan, ay iisa lang sila.


Napahinga ako ng malalim bago ako nag salita.


"Paano pala tayo nakaligtas?" 'yun na lang ang sinabi ko. Hindi ko rin pala nalalaman kung paano kami nakaligtas.


"Bigla na lang kasi kayo nawala ni Sephil nun, wala naman ibang tao o sasakyan na dumaan maliban lang doon sa van." sabi ni Sean.


"Sinisintas ko ang tali ng sapatos ko nun tapos pagkatayo ko, wala na kayo. Ilang oras ko pinag isipan kung magsusumbong ba ako kay papa, buti na lang nabasa ko 'yung plate number nung van kaya na-trace rin agad nila." duktong niya.


"Nung nabaril si Jaebey, tapos wala kayong malay ni Sephil doon na dumating 'yung mga pulis kasama si Sean." sabi ni Joshua. "Hindi na nakatakas pa sina Cath at 'yung mga tauhan niya kaya lahat sila sa kulungan ang bagsak."


Nagpasalamat ako kay Sean at nilibre ko siya ng paborito niyang milk tea. Umuwi na kami pagkatapos nun. Nagkaayos na rin pala kami ni mama at pinayagan na ako sumama kina Sephil.


Nakahiga ako sa kama ko ngayon, nagpapahinga. Binubuksan-buksan ko rin ang cellphone ko, nagbabakasakali na nag reply na ng matino si Jaecey. Minumura ko siya kanina sa inis pero wala siyang reply.


Na-ghost ba ako?


Pumasok si Jojo sa kwarto ko.


"Bakit?" tanong ko. May dala dala siyang picachu na stuff toy niya.


Naalala ko tuloy si Jaecey.


"Mag bihis ka raw, alis daw kayo ni ate." sabi niya.


Saan kami pupunta? Kauuwi ko lang e. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nag bihis agad.


Bumaba ako para tanungin si ate Tricia kung saan ba kami pupunta.


"Ano ba naman 'yang suot mo, Bell!" iritadong sabi ni ate.


"Bakit?" wala naman akong nakikitang problema sa suot ko. Naka jeans ako at naka white tshirt, simpleng-simple lang.


Tinulak niya ako pabalik sa kwarto ko. Binuksan niya ang cabinet ako at naghalungkat ng damit.


"Huy! Ginugulo mo damitan ko!" saway ko sa kaniya. Pinipigilan ko siya maghalungkat.


"Ayusin mo damit mo, mag dress ka o kaya off-shoulder! Basta 'yung maganda at matino, 'yung nakakaakit tignan!"


"Bakit saan ba tayo pupunta?!" sigaw ko sa kaniya.


Hindi siya sumasagot. Pili lang siya nang pili ng susuotin ko. Itinatapat niya pa 'yung mga nakahanger na damit sa katawan ko, tinitignan kung bagay.


"Eto, suotin mo 'yan." sabi niya nang matapos na siya mamili ng damit. Inabot niya sa'kin 'yung white dress ko na hanggang taas ng tuhod, floral ang design at may colar.


"Ginagamit ko lang 'to kapag may okasyon." tinaasan ko siya ng kilay.


"Suotin mo na lang" sabi niya.


Sinuot ko na lang 'yung dress ko, ang kulit niya kase.


"Susuotin din pala ang dami pang sinabe." masungit na sabi ni ate.


"Saan ba talaga tayo pupunta?" pangungulit ko. "Wala naman sinabi si mama na may family reunion tayo or what, wala rin namang may birthday ngayon." pinagkrus ko ang kamay ko sa harap ng dibdib ko.


Hindi niya talaga ako pinapansin! Patuloy lang siya sa pag aayos ng mga damit ko na ikinalat niya. Aba, dapat lang na ayusin niya, siya nagkalat e.


"Suotin mo 'yung heels mo." utos niya.


"Naka dull shoes na ako." laban ko.


Sinamaan niya lang ako ng tingin. Padabog kong hinubad ko 'yung dull shoes na suot ko.


"Saan tayo pupunta? Mga ilang beses ko pa ba itatanong?" sabi ko habang isinusuot ng maayos ang heels.


"Malalaman mo mamaya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro