Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 77: Gone

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Parang nakatabingi 'yung cabinet na nakikita ko sa paanan ko, may mga boses din na ume-echo sa paligid.


"Ms. Bellinda, are you alright?" naririnig kong sabi ng isang lalake sa tabi ko. May puti siyang coat at nakatayo lang sa gilid ko.


"She's awake! Doc!" natataranta na sabi naman nung isang lalake na nasa kaliwa ko, naaaninag ko na nakasalamin siya.


"Anong nararamdaman mo, iha?" sabi nung lalakeng nakaputi.


"A-ang labo.." Hindi ko alam bakit ang labo ng paningin ko.


Kinabukasan ang labo pa rin ng mata ko. Nasa tabi ko na si ate Tricia.


"Ate, ang labo ng mata ko" maiyak-iyak kong sabi.


"Sabi ng Doctor mo, naapektuhan daw ang mata mo sa pagkabagok ng ulo mo."


Ang labo pa rin ng mata ko pero hindi katulad kahapon. Dumating 'yung Doctor ko at sabi pwede na raw ako umuwi, ipapacheck up naman daw ang mata ko.


Habang nasa sasakyan kami pauwi, biglang nagsalita si mama.


"Hindi ka na makikisama kina Jaecey." galit na sabi ni mama.


"Pero ma--"


"Napapahamak ka sa kanila."


Kahapon ko pa hinahanap sa kanila sina Jaecey pero hindi nila ako sinasagot, kahit si ate ayaw din sumagot.


May pasok na sa susunod na araw. Kaya magpapahinga muna ako buong linggo. Tinatanong ko rin sina mama kung paano kami nakaligtas, hindi talaga siya sumasagot. Galit ata sa'kin.


Maghapon lang ako tulog nung linggo. Kaya naman excited na ako pumasok bukas. Isang linggo rin pala ako absent, ang dami ko na naman hahabulin!


Nandito na ako sa classroom namin ngayon, bukod sa mga trashmates ko si Sephil lang ang nakita ko.


"Mamshie!" umiyak agad si Sephil sa balikat ko.


"Bakit?"


"Galit si tita sa'min kaya hindi ka namin madalaw." umiiyak pa rin sya.


Nakita ko naman si Sean na pumasok.


"Bell!" nag aalalang sabi niya. "Kumusta?"


"Okay lang" sagot ko, hinimas himas niya ang likod ni Sephil.


"Nasaan si Jaecey?" napatigil si Sephil sa pag iyak. Nagkatinginan sila ni Sean na parang sila lang ang nagkakaintindihan.


Ang tagal nila sumagot.


"Eh si Jaebey?" kinakabahan na ako kasi hindi takaga sila sumasagot.


"Umalis na si Jaecey." nakayukong sabi ni Sean.


"Saan pumunta?" nagtatakang tanong ko.


"Bumalik na sa Australia"


"A-ano?" kaya pala hindi siya nagchchat o nagparamdam man lang sa'kin.


"Kailan pa?"


"Nung nasa hospital ka pa."


"Si Jaebey?" nagkatinginan ulit sila.


"Wala na rin si Jaebey." nakayukong sabi ni Sean.


"Saan pumunta?"


Napataas ang kilay ni Sephil.


"I mean, wala na si Jaebey, patay na siya." paglilinaw ni Sean.


"Ha?! Paano--"


"Nabaril ni Cath." sabi ni Joshua. Kararating niya lang.


Ibig sabihin, siya 'yung humarang sa'kin nun? Siya 'yung nag ligtas sa'kin!


Hiniram ko ang mga facebook account nila baka sakaling mag reply sa kanila si Jaecey, pero hindi rin nag rereply.


Hinayaan ko muna si Jaecey, sabi nina Sephil kailangan ko raw muna maghabol sa mga activities. 'yon lang ang ginawa ko buong linggo na 'yon habang nag hihintay na magreply sa'min si Jaecey. Pati contact number niya hindi na namin ma-contact.


Nung sabado sinamahan ako nina Sephil sa puntod ni Jaebey. Iyak lang ako nang iyak, hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kaniya. Kinamuhian ko siya noong nabubuhay pa siya, hindi ko alam na magagawa niya akong iligtas.


Hinihimas-himas lang ni Sephil ang likuran ko habang nakatayo sa puntod ni Jaebey.


Kinabukasan sinamahan ulit nila ako sa kulungan naman ni Cath. Nakulong si Cath sa salang murder, kidnapping.


"Iwan niyo muna kami." sabi ko kina Joshua.


Kami na lang ni Cath ang magkaharap ngayon. Nakatulala lang siya sa kawalan, paang nababaliw na.


"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat galit ka sa'kin at hindi mo na ako dinalaw?" sabi ni Cath.


"Kahit may ginawa kang masama sa'kin, dadalawin pa rin kita." meron akong iniabot na keychain sa kaniya, nakaukit doon ang pangalan na 'Andrea'


Inabot ko 'yon sa kaniya, kinuha niya naman. Pinagmasdan niya 'yung keychain.


"Bakit Andrea?" tanong niya sa'kin.


"Maniwala ka man o sa hindi, mag bestfriend tayo sa past life ko." natigilan siya sa sinabi ko.


Tumawa siya nang malakas. "Anong pinagsasabi mo?" parang gusto na niya umiyak.


"Hindi kita pipilitin na maniwala sa'kin, basta Andrea ang pangalan mo sa past life. Second life na natin 'to, nalulungkot ako na ganito pa ang nangyare sa'yo." naiiyak na sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.


"Hindi kita maintindihan." malamig na sagot niya.


"Hindi mo talaga ako maiintindihan kasi hindi mo naman naaalala ang past life natin." sabi ko. "Miss na miss na kita, Andrea."


"Umalis na ka na." aalisin niya na sana ang kamay niya sa kamay ko pero pinigilan ko 'yon.


"S-sana.. sa third life natin, matino ka na. Huwag kang mag alala," tinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya at nilagay iyon sa pisngi niya. "Pinatawad na kita." hindi niya ako pinansin, tumayo na siya at bumalik sa kulungan niya.


Napangiti ako ng kaunti nung nakita kong hawak-hawak niya ang keychain na binigay ko.


Lumabas na ako nang bigla kamkng nagkauntugan ni Sephil.


"Aray!"


"Bell! Nagreply na si Jaecey!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro