Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 76: Hard fight

Inisa-isa namin 'yung pintuan.


"Bell, eto na naka-lock" sabi ni Jaebey.


Agad akong lumapit sa kaniya. Kinatok ko 'yung pintuan.


"Sino yan?!" narinig kong sigaw ni Sephil.


"Sephil! Si Bell 'to!" narinig ko na kumatok pabalik si Sephil at natutuwa siya. Sinensyasan ako ni Jaebey na sisipain niya raw ang pinto para mabuksan. "Sephil! Umatras ka!" sure naman ako na narinig niya ako.


Bumwelo muna si Jaebey bago niya sinipa 'yung pinto. Sa unang sipa niya hindi mabuksan, ganun din sa pangalawa at pangatlo.


"Tulungan na kita." sabi ko.


Bumwelo kami pareho at sabay namin sinipa 'yung pinto, nagtagumpay naman kami kasi nabuksan na.


Agad akong tumakbo papalapit kay Jaecey, niyakap ko siya kaagad.


"Bell" sabi ni Joshua habang nakayakap ako kay Jaecey. Parang sinasabi niya na nandito-si-Jaebey-wag-ngayon.


Kumalas ako sa pagkakayakap. Hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin. Napalingon ako kay Sephil, tinaasan niya lang ako ng kilay. Si Jaebey naman ngumit lang.


"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Sephil kay Jaebey.


"Hindi ko rin alam." walang pake na sagot ni Jaebey at dumiretsyo agad siya sa likod ni Sephil.


Kumilos agad kami ni Jaebey, kinalagan ni Jaebey si Sephil, habang ako kay Jaecey. Mabilis lang nakalagan si Sephil kaya si Joshua naman ang sinunod niya. Tinulungan na ako ni Sephil sa pag tanggal ng tali sa kamay ni Jaecey, buhol-buhol masyado.


"Bell, okay ka lang? Ano ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba nila?" sunod-sunod na tanong ni sa'kin ni Jaecey.


Umiling lang ako at niyakap niya ako.


"Ehem! Mamaya na 'yan. Bilisan na natin habang hindi pa sila bumabalik." sabi ni Jaebey.


Natawa naman ako sa kalandian namin ni Jaecey. Umiling-iling pa sa'min si Joshua at si Sephil gulat na gulat sa inaasta ni Jaebey.


Tumakbo agad kami palabas pero agad din kami huminto.


"Saan kayo pupunta?" malas. Nakabalik na sila!


"Sa playground? Maglalaro." sagot sa kaniya ni Sephil.


Nagulat naman ako nung biglang sinapak ni Jaebey 'yung isa lalake hanggang sa nagkagulo na. Sampy sila at anim lang kami!


Napatingin ako sa paligid at nakita kong may kahoy na mahaba sa hindi kalayuan. Agad akong tumakbo papunta doon at kumuha ng isa.


"Sige! Ipupukpok ko 'to sa ulo mo kapag lumapit ka sa'kin!" sigaw ko sa lalakeng humabol sa'kin.


"Hindi mo 'ko matatakot" naglabas siya ng kutsilyo!


Mabilis kong pinukpok ang ulo niya gamit ang kahoy na hawak ko bago niya pa ako saksakim. Nawalan agad siya ng malay.


"Sephil!" nakahandusay na siya sa sahig.


Nakita ko rin na may apat na lalakeng nakaitim ang nakahandusay na rin sa sahig at walang malay.


Lalapitan ko sana si Sephil kaso sinugod naman na ako nung isa pang lalake pero agad akong nakaiwas. Nakita ko sina Jacey na nakikipag suntukan doon sa malalakeng tao. Si Joshua nakahiga na sa sahig at namimilipit na sa sakit ng katawan niya pero pinipilit niya pa rin bumangon.


Hindi ko matukoy kung sino si Jaecey at si Jaebey! Nakatalikod sila sa'kin, pareho ba naman naka black t-shirt! Pati pants pareho! Pati sapatos pareho white!


Nahawakan nung lalake ang kamay ko para pigilan ako na pukpukin siya. Nakipag agawan ako sa kaniya hanggang sa itinulak niya ako dahilan para matumba ako.


Nauntog ang ulo ko sa mga kahoy na nasa sahig. Napapapikit ang mata ko sa sakit. Nanlalabo ang paningin ko, hindi ako makagalaw. Ang sakit ng ulo ko.


Naaninag ko na naglakad na paalis 'yung lalakeng tumulak sa'kin at pumunta kina Joshua para makipag suntukan.


Ang labo ng paningin ko. Napapikit ako hanggang sa may pumasok na lang bigla na maraming scenarios sa utak ko.


"Ralph! tulungan mo 'ko!" sigaw ko sa lalakeng duguan. Nakikipagsuntukan siya habang nakatali ako sa isang upuan.

-

"Happy anniversary, Tina" nakangiting sabi sa'kin ni Ralph. Si Jaecey ang nakikita ko.

-

"Ma-mi-miss kita, Andrea." sabi ko sa isang babae na kamukha ni Cath.

-

"Wala na akong kapatid na kasama ko manuod ng Aldub, patay na si Ella." umiiyak na sabi ko doon sa Ralph.

-

"I like you too." sabi nung Ralph habang hawak-hawak ang pisngi ko.

-

"Girlfriend mo na ako ngayon kaya huwag ka mahiya sa'kin na magsabi ng problema." nakangiting sabi ko doon sa Ralph na kamukhang-kamukha ni Jaecey!

Naaalala ko na rin 'yung mga kwinento sa'kin ni Sephil na pansamantalang nabura sa ala-ala ko.


"Humihinga ka pa, tutuluyan na kita" narinig kong sabi ni Cath. Pinilit kong buksan ang mata ko kahit sobrang labo ng mga nakikita ko.


Naaaninag ko na lang na nakatayo sa malapit sa'kin at may baril na nakatutok sa direksyon ko na hawak niya.


Hindi na ako makakalaban pa, siguro nga katapusan ko na.


Narinig ko ang pagputok ng baril, nakita ko na lang na may lalakeng nakatalikod na naka black t-shirt ang humarang sa'kin. Hindi ko alam kung si Jaecey ba 'yon o si Jaebey.


Isa lang ang sigurado ako, isa sa kanilang dalawa ay iniligtas ako.


Hindi pa natutumba 'yung lalakeng nabaril, tuluyan na akong nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro