Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 73: Confession

"At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?" mataray na sabi ko.


"Maniwala ka man o sa hindi, balak ko na talaga siya patayin nun. Nung gabing nawala siya papatayin ko na dapat siya pero hindi ko kaya. Sabi ko sa hapon na lang, pero natuwa ako nung nakaligtas siya kasi alam kong hindi ko talaga siya kayang patayin."


Hindi ko na alam ang isasagot sa kaniya, naguguluhan ako.


"Bakit?" yan na lang ang nailabas ng bibig ko.


"Dahil kambal ko siya."


"May puso ka naman pala e, pinapahirapan mo pa sarili mo." inirapan ko siya.


"Kaya hindi na ako nagpakita sa inyo ulit, nahihiya kasi ako kay Jaecey lalo na sa'yo."


"Bading." bulong ko.


"Hindi ako bading." Sagot niya. "Nung nang gulo ako sa birthday party non, susubukan ko sana makipag bati sa kaniya kaso nakita ko na pinaghandaan niyo siya, nagselos ako."


"Paano mo nalaman na nandoon kami?"


"Diba kila Joshua ako nakatira dati? Edi doon ako dumeretsyo, hihingi sana ako ng tulong sa kaniya noon para makipag ayos na talaga kay Jaecey pero naabutan ko kayo na nagsasaya. Ayun, inggit na naman ang nangibabaw sa'kin."


"Bakit ka ba naiinggit kay Jaecey? Diba dapat magkasundo kayo at sinusuportahan ang isa't-isa?"


"Look, hindi totoo lahat ng sinabi ko sa'yo noon. Hindi totoo na may mga masamang ginawa sa'kin ni Jaecey. Imbento ko lang lahat 'yun para kamuhian mo siya."


"What?!" gusto ko siya sapukin ngayon pero nakatali ang kamay ko.


Naiiyak na siya kaya kinalma ko muna ang sarili ko.


"Ikaw na lang ang meron sa'kin noon, Bell. Natatakot ako na kapag bumalik siya, maagaw ka niya sa'kin. Alam kong magugustuhan mo siya, kilala ko siya e."


"Tama ka, nagugustuhan ko na nga siya." sagot ko.


Akala ko magagalit siya pero ngumiti lang siya sa'kin. Si Jaebey ba talaga 'to?


"Patapusin mo muna ako magkwento." masungit na sabi niya. Natawa ako ng kaunti sa sinabi niya.


"Sige."


"Nung bata pa kasi kami ni Jaecey, palagi na lang siya ang napapansin nila mama. Sinisi ko rin siya sa pagkamatay ni mama at papa kahit alam kong kasalanan ko naman talaga kaya sila namatay" umiiyak na siya.


"B-bakit? bakit ikaw?" nagtataka kong sabi. Never niya na-open sa'kin ang ganitong bagay noon nung kami pa.


"Kinulong ko noon si Jaecey sa restroom ng school namin para hindi siya makauwi. Bata pa kami non, kaya ako ganon. Umuwi ako sa bahay, akala ko ako ang papansinin nila mama kasi ako ang una nilang nakita. Yayakapin ko sana nun si mama pero bigla niyang tinanong kung nasaan si Jaecey."


Hinahayaan ko lang siya mag kwento. Nagugulat sa mga katotohanan.


"Ilang oras na naghintay sila mama noon at aligaga na sila kasi hindi pa rin nauwi si Jaecey. Pinagalitan oa nila ako kasi dapat daw inaasikaso ko siya o hinanap muna. Edi, mas lalo akong nagalit. Sinama ako nila mama papuntang school, tulugan ko raw sila maghanap. Habang nasa sasakyan kami gusto ko pigilan si papa sa pag dadrive para hindi na makita si Jaecey." tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng luha niya.


Umurong ako papalapit sa kaniya.


"Sa sobrang inis ko, ginulo ko si daddy sa pagmamaneho niya hanggang sa naging paliko-liko na ang takbo ng sasakyan. Pinapagalitan ako ni mama habang ginugulo ko si daddy. Inaalog alog ko kasi ang kamay niya habang nag dadrive hanggang sa bumagga kami abandonadong bahay." humagulhol na siya.


"Na-nauntog ang ulo ko sa upuan ni daddy. Napatingin ako sa kanila na walang malay at duguan. Basag-basag na rin ang wind shield. Gi-ginigising ko sina mama non pero hindi sila gumigising, bumaba ako ng sasakyan para buksan ang pintuan ni mama pero napaatras ako nang gumuho 'yung abandonadong bahay at natabunan ng malalaking bato 'yung sasakyan namin." iyak na siya ng iyak.


Huminga siya ng malalim bago ulit nag salita.


"Pagkatapos non, sinisi ko si Jaecey kung bakit sila namatay. Sabi ko kay Jaecey kung hindi lang siya hinanap nila mama edi sana buhay pa sila ngayon. Walang nakakaalam sa totoong nangyare, sa'yo ko lang sinabi 'to." inuntog-untog niya ang likod ng ulo niya sa pader na sinasandalan niya.


"Nagalit sina lola kay Jaecey kaya siya dinala kila tita sa Australia pero si Jaecey hindi man lang nagsalita. Hindi niya ako sinumbong. Nag sorry pa siya sa'kin at nagpaalam bago umalis. Yayakapin pa sana niya ako pero pinagtulakan ko na siya palayo." napanganga na lang ako sa mga sinasabi niya.


Naiiyak ako para sa kaniya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang dinadala noon pa na parang ngayon niya lang iniyak lahat ng sakit na nararamdaman niya.


"Kaya ko siya siniraan sa'yo kasi ayokong mapunta rin ang atensyon mo sa kaniya. Iniisip ko noon na baka mabaliw na ako kung pati ako babalewalain mo dahil kay Jaecey."


Nilamon pala talaga siya ng selos, inggit at galit. Ngayon, naiintindihan ko na siya pero gusto kong magalit sa kaniya kaso hindi ito ang tamang oras para magalit sa kaniya.


"Nung bata pa tayo---"


Napatigil si Jaebey sa pagkukwento niya ng bumukas ang pintuan. May pumasok na isang babae na nakajeans at jacket, natatakpan din ang mukha niya katulad nung mga machong lalake.


"Hello, Bellinda." sabi nung babae.


Kinakabahan ako na parang ayaw tanggapin ng tenga ko ang narinig ko dahil kilala ko kung kaninong boses 'yon.


Kay Catherine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro