Chapter 71: Bad guys
May date kami ngayon ng tropa. Si Jaecey at Joshua nauna na sa tagpuan namin. Ewan ko ba bakit ayaw nila kami isabay. Si Cath naman hindi makakasama sa'min dahil may pupuntahan daw sila ng family niya pero itatry niya raw na makasunod sa amin.
"Alam mo gusto ko na matapos 'tong seniro high na 'to" sabi ni Sephil.
Naglalakad na kami ngayon sa kalsada, wala masyadong sasakyan na nadaan dito kasi village ang dinadaanan namin. Si Sean naman nasa likuran lang namin nakasaksak ang earphone sa tenga.
Habang nag haharutan kami ni Sephil 'di namin mapigilan na magsabunutan hanggang sa maghabulan.
"Hoy!" sigaw ni Sean sa likuran namin. Naiwan na namin siya sa kakahabulan namin ni Sephil.
Maya-maya lang may van na puti ang huminto sa harap namin ni Sephil. Hindi namin 'yon pinansin at tuloy lang kami sa harutan.
"Tama na kasi Seph, masakit na!" natatawang sabi ko.
"Ayo--" natigilan kami si Sephil nung nakita namin na may bumaba na limang lalake mula sa van na nakaitim, pati mukha nababalutan ng itim na tela.
Parang mga kidnapper?
"Tara na Sephil---" hinawakan ko ang kamay ni Sephil. Tatakbo na sana kami ni Sephil nung bigla nila kaming hinatak at tinakpan ang bibig namin.
Nagsisisigaw ako kahit natatakpan ng kamay nung lalake ang bibig ko. Nakita ko si Sephil na sinusubukan niyang magpumiglas pero masyadong malalakas 'tong mga lalake na 'to! Ang laki ng mga katawan nila.
Napalingon ako kay Sean na nakaupo sa sahig habang inaayos ang sintas ng sapatos niya! Hindi niya kami napapansin dahil nakasuot ang hoodie sa ulo niya at medyo nakatagilid siya, may earphones din pala na nakalagay sa tenga niya kaya hindi niya man lang ako naririnig!
Hindi na kami nakalaban ni Sephil, hanggang sa naipasok na kami sa loob ng van. Bago ako naipasok nakita ko pa si Sean na tumayo pagkatapos niya ayusin ang sintas ng sapatos niya.
"Ano ba!" sigaw ko doon sa lalake na may hawak sa bibig ko kanina.
"Huwag mo 'ko sigawan!" sigaw niya pabalik. Nakakatakot 'yung boses niya, boses criminal!
"Saan niyo ba kami dadalhin?!"
"Tumahimik ka na lang!"
"Huwag mo 'ko utusan!" sigaw ko ulit sa kaniya.
"Ipuputok ko 'to sa ulo ng kaibigan mo kapag hindi ka pa tumahimik!" tinutok nung isang lalake ang baril niya sa ulo ni Sephil. Nanahimik tuloy ako.
Nagulat naman ako nung si Sephil naman ang nag ingay.
"Ang kapal ng mukha niyo!" sigaw niya.
Nagulat ako doon sa lalakeng katabi niya na bigla niyang sinampal si Sephil dahilan para mawalan siya ng malay.
"Sephil! Seph!" inaalog ko siya para magising.
Sisigawan ko sana 'yung lalakeng sumampal sa kaniya pero 'yung lalakeng katabi ko tinakpan ang bibig ko na may kasamang panyo.
May naamoy ako sa panyo na pinantakip niya sa bibig ko hanggang sa pumikit na lang bigla ang mga mata ko.
"Bell, bell gising!" dumilat ang mata ko at napansin kong nakahiga ako sa sahig ng patigilid. Nakita ko ang isang kwarto na walang laman na gamit.
Napatingin ako kay Sephil na namamaga ang mata.
"Umiyak ka ba--- a-ah!" sinubukan ko ibangon ako katawan ko pero ang sakit ng katawan ko. Doon ko lang narelize na nakatali pala ang dalawang kamay ko sa likod ko. Ang sama yata kalagayan ng pagkakahiga ko kanina.
"Bell" natataranta si Sephil, hindi alam ang gagawin kung paano ako tutulungan na bumangon mula sa pagkakahiga, hindi niya ako matulungan kasi nakatali rin ang kamay niya.
"I'm okay" sabi ko. Umiyak naman si Sephil.
"Sino gagawa sa'tin nito?" sabi niya habang umiiyak.
"Hindi ko rin alam" tumulo na rin ang luha sa mga mata ko. Ayokong nakikitang umiiyak si Sephil, naiiyak din ako e.
Biglang napalitan ng galit ang pag iyak ko. Isa lang ang taong kayang gumawa nito sa'min.
Si Jaebey!
"Ang kapal talaga ng mukha niya." Inurong ko ang katawan ko pataas, para akong uod sa ginagawa ko. Nung naramdaman ko na ang pader sa ulo ko, pinilit kong buhatin ang likod ko gamit ang mga kamay ko na nakatali sa likuran ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makasandal na ako sa pader.
"Si Jaebey.." sabi ni Sephil. "Siya lang ang pwede gumawa nito! Diba sila lang naman ni Jaecey ang magkaaway? Bakit tayo nadadamay?!" umiiyak na galit na sabi si Sephil.
"Huwag ka na umiyak" pilit ko siyang pinapatahan. "Makakaligtas din tayo rito" kumbinsi ko sa kaniya.
"May mga baril na hawak 'yung lalake, pwede nila tayong patayin any time." natatakot na siya.
Pinalapit ko siya sa tabi ko kaya umurong-urong din ang katawan niya na parang naglalampaso ng sahig gamit ang pwetan.
"Ang sama sama ni Jaebey." pagmamaktol niya.
"Hindi naman tayo sigurado kung siya nga talaga ang may gawa nito e. Malay mo wala siyang alam dito?"
"Bakit mo siya pinagtatanggol?!" kunot noo na sabi ni Sephil.
"Hindi ko siya pinagtatanggol, ayoko lang manisi nang wala namang ebidensiya."
"Kailangan pa ba ng ebidensiya? Nagawa niya na 'to kay Jaecey noon!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro