Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 70: He's back

"Ang saya niyo ah?" sabi ni Jaebey.


Napaatras ang iba kong trashmates.


Anong nangyare sa kaniya? Ang lago na agad ng bigote at balbas niya, umitim din siya. Nakasuot siya ngayon ng jacket na black, pants na black, sapatos na black pati 'yung cap and mask niya black din.


Ibang-iba ang itsura niya, para siyang tumanda tingnan?


"Happy birthday." bati sa kaniya ni Jaecey.


"Enjoy na enjoy ka ah? At talagang pinaghandaan ka pa ng mga 'to?" tinuro niya ang mga trashmates ko, tinignan niya rin sila at humakbang ng dalawang beses palapit sa'min.


Napaatras ulit ang mga trashmates ko.


"Pinaghandaan ka rin nila." Ngumiti sa kaniya si Jaecey, ngumiti rin siya sa mga trashmates namin na mukhang natatakot kay Jaebey.


"Oo nga pinaghandaan ka rin namin, tignan mo oh, pinagluto kita ng spaghetti." sinakyan ni Claire ang sinabi ni Jaecey at dinala niya kay Jaebey 'yung spaghetti.


Tinignan lang siya ni Jaebey mula paa hanggang ulo. Lumapit siya ng kaunti kay Claire.


Inilagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng plato na hawak ni Claire, nagulat kami sa sunod niyang ginawa. Inangat niya pataas ang plato dahilan para masubsob 'yung plato sa mukha ni Claire.


"Jaebey!" sigaw ni Jaecey.


Tumakbo agad ako papalapit kay Claire na punong-puno ng spaghetti ang mukha at damit.


Tumayo ako at hinarap si Jaebey sa inis.


"Tama ba na itapon mo kay Claire 'yung pagkain!" sigaw ko sa kaniya.


"Eh sinungaling siya e." sagot niya habang hindi nakatingin sa'kin.


Para siyang hindi na-guilty sa ginawa niya!


"What's your problem?" sabi ni Noah.


"Wala kang pakielam." baliw na talaga si Jaebey.


"Jaebey, pwede umalis ka na dito? Ginugulo mo lang ang birthday party dito e!" sabi sa kaniya ni Joshua.


"Uy! Traydor, nandito ka rin pala?" natatawang sagot niya. Inakbayan niya pa si Joshua.


Tinulak naman siya ni Joshua at muntik pang ma-out balance si Jaebey.


"Hindi ka ba marunong tumanaw ng utang na loob?"


"Tapos na ako tumanaw ng utang na loob sa'yo."


Tinalikuran lang siya ni Jaebey.


"Pwede ba ako maki-join?" tanong ni Jaebey habang tumitingin tingin sa amin.


Walang sumagot sa kaniya.


"Ah, hindi pala talaga ako invited dito.." sabi niya habang hinihimas-himas ang baba niya.


"Dahil diyan, eto na ang magiging last birthday mo." sabi ni Jaebey kay Jaecey atsaka siya tumawa nang malakas.


"Nababaliw ka na!" sigaw ko sa kaniya.


Bigla niya akong sinampal at natumba ako sa sahig sa lakas ng sampal niya.


"Bell!" narinig kong sigaw ni Sephil at lumapit sa'kin.


Inalalayan ako ng iba kong trashmates at nakita kong sinuntok ni Jaecey si Jaebey.


Nakapatong na si Jaecey kay Jaebey at puro suntok sa mukha ang ginagawa ni Jaecey.


Ang dami ng dugong nalabas sa bibig ni Jaebey.


Inaawat na nina Joshua si Jaecey.


Tumayo na si Jaecey at nakahiga pa rin si Jaebey sa sahig na nanghihina.


Tumingin sa'kin si Jaecey at lumapit.


"Bell, are you okay?" alalang tanong niya sa'kin habang hawak ang kaliwang pisngi ko.


Tumango lang ako.


Napa-aray naman ako nung medyo nataaman ni Jaecey 'yung medyo namamagang part ng pisngi ko sa sampal ni Jaebey.


"Shit!" bulong na sabi ni Jaecey pero sapat na para marinig ko.


"Palabasin niyo 'yang lalakeng 'yan!" sigaw ni Jaecey.


Agad namang kumilos sila Noah para bitbitin si Jaebey palabas.


"Joshua! Paano ba nakapasok 'yung nilalang na 'yon dito?!" sigaw sa kaniya ni Cath.


"S-sorry. Nakalimutan kong may susi pa pala siya sa bahay na 'to. Wag kayong mag alala, papalitan ko rin agad 'yung kandado."


Tinapos na ni Jaecey ang party at nagsiuwian na. Nawalan ng gana ang lahat na magsaya dahil sa paninira ni Jaebey.


-


"How could he do that?! Hindi naman siya nananakit physically ng babae before, diba mamshie?" sabi sa'kin ni Sephil.


"Baliw na nga kasi siya." inis na sagot ko.


"Nandito na naman si Jaebey, hindi na ulit kayo magiging masaya." dismayadong sabi ni Cath.


"Pwede kaming maging masaya kahit nandiyan siya."


"Hindi ka sure."


"Paano kung manggulo na naman siya?" sabi ni Sean.


"Kailangan mo mag ingat ngayon, Jaecey, pati na rin ikaw Bell." sabi ni Joshua.


"Alam ko takbo ng utak non, panigurado ako na hindi niya papalampasin 'yung paninigaw mo sa kaniya at 'yung pagsuntok sa kaniya ni Jaecey." napahawak si Joshua sa noo niya sa stress.


"OmgGGg, baka need na natin humingi ng tulong sa police? para mas safe?" suggest ni Cath.


"Police ang tatay ko at mga tito ko. Pwede ko sila kausapin para sa inyo." sabi ni Sean.


Woah! Ngayon lang namin nalaman na puro police pala ang angkan niya.


"Bell, from now on, palagi ka ng dapat nasa tabi ko. Okay?" biglang sabi ni Jaecey.


Kinakabahan na naman ako sa sinasabi niya!


Oo na! Crush ko siya!


Slight lang.


"At bakit?" pinipigilan ko lang kiligin.


"For your safety."


"Paano ako magiging safe sa'yo, e ikaw nga lagi target ng kambal mo."


"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi na naman kita nagawang iligtas dahil wala ka sa tabi ko."


Ha?


Na naman?


Bakit na naman?


Parang wala namang naganap noon na hindi niya ako nilagtas dati.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro