Chapter 68: Headache
Napadilat ako at nakita kong nasa kwarto ko na ako. Medyo masakit ang ulo ko.
Nakita ko si Jaecey na nakaupo sa kama ko habang nakapatong ang dalawang siko niya sa legs niya.
"Jaecey.."
Agad siyang napalingon siya.
"Gising ka na, you idiot."
"What happened?"
"Inuntog mo lang naman sarili mo sa pader." nasstress niyang sabi.
"Bell" sabi ni mama. May dala-dala siyang yelo at towel na nakalagay sa isang maliit na planggana.
"Jaecey, makakauwi ka na" sabi ni mama.
"Sige po, tita. Thank you sa pagkain." nagmano siya kay mama.
"Chat na lang kita mamaya." sabi ni Jaecey at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.
Pagkalabas ni Jaecey agad kinurot ni mama ang tagiliran ko.
"Ouch" react ko.
"Ano bang pumasok sa isip mo at inuntog mo ang sarili mo sa pader?!" pinapagalitan niya ako.
Hindi agad ako nakasagot. Umupo siya sa tabi ko.
"Eh kasi ma, may problema po ako" sabi ko.
"At sa tingin mo masasagot ng pag untog ng ulo sa pader ang problema mo?" galit pa rin siya.
"Ganito kasi 'yan, ma." kwinento ko sa kaniya lahat ng kwinento ko kay Jaecey kanina. Pati 'yung sa nauntog ako kagabi kwinento ko rin.
"Kaya ayun ma, inuntog ko ulit sarili ko." sabi ko.
Nahalata ko naman na nasstress si mama sa sinabi ko at sa ginawa ko.
"Totoo ba ang sinasabi mo?" medyo kumalma na siya.
Tumango ako. Hindi naman makapagsalita si mama dahil sa mga kwinento ko.
"Magpahinga ka muna, tyaka na lang ulit tayo mag usap pag okay ka na." tapos niya na ako pahiran ng yelo sa noo.
Feeling ko may bukol sa noon ko huhu, ang engot ko naman kase ba't ko ba inuntog sarili ko!
Tumunog ang cellphone ko at nakita kong may text si Sephil.
"HOY GAGA KA BAKIT MO INUNTOG SARILI MO?! AKO TULOY NAPAGALITAN NI JAECEY!!!" - Sephil
Naririnig ko ang boses niyang sumisigaw sa isip ko hahahaha.
Hindi ako nag reply at nagpahinga na lang.
-
"What's that?" taas kilay na tanong sa'kin ni Cath habang nakaturo sa noo ko na may bukol.
"Stupidity." sagot sa kaniya ni Sephil at pinag krus ang braso sa harap ng dibdib niya.
Hindi ako nakasagot sa kanila. Ang gaga ko naman, nakakahiya!
"Hindi naman masyado halata 'yung bukol?" nahihiyang tanong ko sa kanila.
"Sa malayo, hindi. Sa malapit, oo" sabi ni Sean.
Sa kaniya ako magtitiwala dahil may salamin siya sa mata.
"Untog pa more" sabat ni Joshua.
Maya-maya lang dumating na si Jaecey.
"Musta bukol?" tanong niya.
Manliligaw ba talaga 'to? Diba dapat sabihin niya 'okay ka lang?' , 'masakit pa ba?' , 'pahinga ka mabuti ha'.
"Lumalaki" sagot ko at inirapan ko siya.
Kinabukasan medyo nawawala na ang bukol sa noo ko. Hindi na rin galit sa'kin si mama. Hindi na rin niya sinabi kay daddy dahil sigurado kami na pagagalitan ako nun. Si ate Tricia naman tinawanan lang ako at sinabing ang tanga ko raw. Buti pa si Jojo concern sa'kin, kiniss niya pa 'yung bukol sa noo ko para raw mabilis mawala.
"Ayan, medyo nawawala na bukol mo." sabi ni Sephil.
"Wag tatanga-tanga sa susunod ha?" sabi naman ni Cath. Hindi naman niya kasi alam ang dahilan ba't ko nagawa 'yon.
Ganyan talaga ang mga tao ngayon, lalaitin 'yung pagkakamali mo kahit hindi naman nila alam ang rason kung bakit mo nagawa 'yon.
Si Jaecey naman walang ibang ginawa kundi i-check 'yung bukol sa noo ko. Konti na lang iisipin ko na napapamahal na sa kanila 'tong bukol sa noo ko.
"Bell, lika" sabi sa'kin ni Joshua.
Lumapit ako sa kaniya.
"Bakit?"
"Pakainin natin bukol mo" sabi niya at aaktong lalagyan ng tinapay 'yung noo ko!
Agad siyang binatukan ni Jaecey.
"Stop it."
"Wag mo kasi pagtripan si Bell pre" natatawang sabi ni Sean kay Joshua. "Yan ang mapapala mo palagi."
Kapag kasi pinagtitripan ako ni Joshua lagi akong pinagtatanggol ni Jaecey, minsan pa nga kulang na lang suntukin na siya ni Jaecey e.
"Asan si Cath?" biglang tanong ni Joshua.
Napalingon kaming lahat sa kaniya at nakita namin na wala nga si Cath, katabi lang 'yon ni Sephil kanina.
"Hindi ko rin alam e, biglang tumakbo palabas nung nag ring 'yung cellphone niya e. May tumawag ata." sagot ni Sephil na busy sa pagkain ng pancit.
Luh? Dati naman kapag may tumatawag sa kaniya sa cellphone niya hindi siya naalis sa tabi namin.
Lumabas ako sa canteen para tignan kung nasaan si Cath. Hindi pa ako nakakalabas ng pinto bigla na lang kami nagkauntugan ni Cath.
Lalong sumakit 'yung bukol ko!
"Cath! Ano bang ginagawa mo?!" irita kong sabi sa kaniya.
Dahan-dahan lang ako na naglalakad kanina para hanapin siya tapos siya naman parang natataranta na pumasok dito.
"S-sorry." natataranta niyang sabi.
"Okay ka lang?" tanong ko. Napatingin ako sa cellphone niya na hawak-hawak niya na nasa gilid niya.
"Oo" sabi niya, tinago niya ang cellphone niya sa likuran niya. "Sino tumawag sa'yo?"
"A-ah, a f-friend!" sabi niya at nauna na maglakad papunta sa lamesa namin.
Okay lang ba 'yon? Ang weird niya ah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro