Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 65: Chance

Nakilala ko na si Kiel, nagchachat na rin siya sa'kin pero hindi ko masyado nirereplyan. May nagagalit kasi.


Hay! Ewan ko ba ba't ako nabobother kapag nagagalit si Jaecey!


"Huy mamshie ano na, si Kiel o Jaecey?" natatawang sabi ni Sephil.


"Ano ba kasi problema ni Jaecey?!"


"Nag seselos nga kase" sabi ni Joshua.


"Eh bakit hindi niya ako kausapin?!"


"Nag tatampo, suyuin mo."


"Bakit ko susuyuin? Kami ba?"


Nasa canteen kami ngayon, wala si Jaecey at Sean. Nag CR.


"Minsan gusto ko na batukan si Jaecey e, ayaw pa kasi umamin, halatang-halata naman na siya." sabi ni Joshua.


Pinatigil ko na si Kiel sa pagbibigay ng kung ano-ano, pinatigil ko na rin siya sa pagchachat sa'kin.


Medyo tumitigil naman na siya.


"Oo nga, ang hina niya gurl, doon ka na lang kay Kiel. Malakas pa loob" sabi ni Cath.


"Bakit kaya ayaw umamin sa'yo ni Jaecey, 'no?" tanong ni Sephil habang nakapangalumbaba sa mesa. Nasa harapan ko lang siya.


"It's complicated daw kase" natatawang sabi ni Joshua na katabi ni Sephil.


"Bakit?" sagot ni Cath.


"Syempre ex na ni Bell 'yung kambal niya e, edi pag uusapan sila."


"Ano naman? Iisipin mo pa ba ang iisipin sa'yo ng iba? Iniisip na nga nila iisipin mo pa." sabi ni Cath.


Inulit ko sa utak ko 'yung sinabi ni Cath, medyo 'di ko na gets e. Bilis magsalita.


"Mamshie, 'wag mo iisipin ang sasabihin ng iba. Follow your heart" advice ni Sephil.


"Grabe naman kung maka-advice, hindi naman ako mag ttake ng risk." sagot ko.


"Ikaw pala ang mahina e" bulong ni Joshua.


"Excuse me? Babae ako, ako dapat ang nilalapitan."


"Okay, sabi mo 'yan ah" sabi ni Jaecey, umupo siya sa tabi ko.


Tinaasan ko siya ng kilay. Naramdaman ko na tumayo si Cath na katabi ko at lumipat sa tabi ni Sephil.


"Enjoy your seat" nang aasar na sabi ni Sephil.


"I will" ngiting-ngiti na sagot ni Jaecey.


Nakita kong kinuha ni Cath ang cellphone niya at pinictur-an kami.


"Stop!" saway ko.


"Look" inabot ni Cath kay Jaecey 'yung cellphone. Nakakunot ang noo ko sa picture na nakatingin sa camera at medyo nakauwang pa ang bibig ko habang si Jaecey nakatingin sa'kin na parang tumatawa.


"You're so cute" sabi ni Jaecey.


"Anong cute dyan?! I-delete--" nilayo niya agad sa'kin 'yung cellphone ni Cath. Agad naman tinago ni Cath 'yung cellphone.


"Ilalagay ko pa 'to sa IG story ko mamaya, imemention ko na lang kayong dalawa" sabi ni Cath.


Sumimangot lang ako sa inaasal nilang lima. Si sean walang ibang ginawa kundi asarin ako, si Joshua naman panay 'congrats' kay Jaecey, si Sephil naman at Cath parang mga bulate na binuhusan ng asin at si Jaecey na tinatawanan ako.


"Mauna na kami Bell, dyan lang kayo" sabi ni Sephil, tumakbo agad silang apat palabas ng canteen.


Naiwan na kami ni Jaecey.


"Hey, sorry sa mga inasal ko sa secret admirer mo" sabi ni Jaecey, paano ba naman. Tinapon niya pala 'yung love letter, pinamigay 'yung chocolates, muntik pa niya ibigay sa babaeng pulubi 'yung teddy bear at minura niya pa sa chat si Kiel gamit ang account ko.


Akala mo jowa e.


Pero okay lang, natutuwa rin ako sa ginawa niya hihi. Hindi ko kasi type 'yung Kiel, gwapo siya pero mukha siyang chickboy.


"Okay lang" sagot ko.

"Really?" nanlaki ang mata niya sa tuwa.


"Ayaw mo? Sige binabawi ko na"


"No, no, no" mabilis na sagot niya.


"Bell, alam kong mahirap para sa'yo dahil ex mo na ang kambal ko pero can you give me a chance? Hindi kita pipilitin, hindi kita mamadaliin."


Hindi ako makapagsalita.


"Gusto ko lang iparamdam sa'yo 'yung nararamdaman ko para sa'yo" sabi niya.


"Akala ko ba hindi ka marunong lumandi?" pambabasag ko sa moment niya.


"Sa'yo lang ako natuto lumandi" umirap siya.


Natawa ako.


"Bell, seryoso ako. Nagsasabi ako sa'yo ngayon Bell para pag isipan mong mabuti, katulad ng sinabi ko kanina, hindi kita pipilitin, hindi kita mamadaliin. Rerespetuhin ko ang magiging desisyon mo, kapag hindi ka ulit pumayag, hindi pa rin ako titigil."


Ay, akala ko kapag hindi ako pumayag, titigil na siya.


"Okay" bigla na lang na ganun ang lumabas sa bibig ko.


"H-huh? What do you mean?"


"Binibigyan na kita ng chance"


"R-really?"


"Oo nga" natatawa ako sa itsura niya na parang bata na binigyan ng favorite niyang candy.


Ngumiti lang siya sa'kin.


"Tayo na?" sabi niya.


"Anong tayo na? Ligawan mo muna ako!" sabi ko sa kaniya.


Tumawa siya bigla.


"I mean, tayo na. Baka ma-late pa tayo sa klase" natatawang sabi niya. "Halatang gusto mo rin ako ah?"


"Luh, feeling." iniwas ko ang mukha ko sa kaniya dahil nakakaramdam na naman ako ng pag init ng mukha ko.


Umalis na kami sa canteen, habang naglalakad kami naiisip ko si Jaebey.


Wala na ako pakielam sa sasabihin ng iba, wala na akong pakielam sa kaniya. Kinain ko lang pala ang mga sinabi ko kanina.


Hindi ko na hahayaan na may masaktan pa ulit siya saamin. Simula ngayon, sabay na kami lalaban ni Jaecey.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro