Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 64: Jealous

May pasok na lang kami ulit pero si Jaebey hindi pa rin napasok pero sila Paolo bumalik pa, hindi raw sumama si Jaebey sa kanila pabalik. Pagtapos nun, hindi na raw nila ma-contact si Jaebey.


Humingi rin sila ng sorry kay Jaecey sa kalokohang ginawa nila, pinatawad naman agad ng mabait na nilalang na 'yon.


Napalinon ako kila Sephil na nagtititili sa likod.


"Mamshie, mamshie!!!" kinikilig na sabi ni Sephil.


"Ano? May crush ka na?"


"Look" ngiting-ngiti na sabi niya habang inaabot sa'kin ang isang little envelope.


Nung kinuha ko 'yon nakita ko na may heart pa.


"Ano 'to love letter?"


"Oo, mamshie" kilig na kilig ang gaga.


Nabasa ko sa upper right nung envelope kung kanino galing


'Secret Admirer'


Wow. May pa-secret pa.


Bubuksan ko na sana 'yung envelope kaso may biglang umagaw nung love letter sa'kin.


Napatingala ako sa kumuha


Si Jaecey.


"Akin 'yan!" inagaw ko sa kaniya 'yung love letter. Pero inagaw niya ulit.


Napatayo ako nung bigla siyang tumalikod at naglakad palabas ng classroom dala 'yung love letter!


Sinundan ko siya pero tumakbo siya. May nakabangga pa tuloy ako na unknown student.


Napalingon lingon ako sa paligid pero wala na si Jaecey! Bumalik na lang ako sa classroom.


"Ba't niya kinuha 'yon?" nagtatakang tanong ni Cath.


"Nagseselos lang 'yon" sabat ni Sean.


"Sabi ko kasi sa'yo mamaya mo na ibigay e" hinampas ni Cath ang balikat ni Sephil.


"Ako pa ngayon sinisisi mo? Kasalanan ko ba kung may gusto si Jaecey kay Bell?" napairap si Sephil.


"Ha? May gusto si Jaecey kay Bell?!" sigaw nung isa kong trashmate na chismosa.


Napahawak ako sa noo ko at napatalikod sa kanilang lahat.


Bigla namang naghiyawan ang mga bubuyog! Mas lalong lumakas ang hiyawan nila nung bumalik na si Jaecey sa classroom. Tumingin lang siya sa mga trashmates namin at naglakad papunta sa'kin.


"Tell to your secret admirer that his handwritting is ugly, ugly as him." tinalikuran niya ako.


Si Jaecey ba 'to? First time niya ata nanglait.


"Binasa mo?!" reklamo ko.


Lumingon lang siya sa'kin at bumalik na sa upuan niya. Bwisit! Ayoko sa lahat 'yung binabasa 'yung letter na para sa'kin!


Kinabukasan may chocolate naman na dumating galing doon sa secret admirer pero may another info,


'From your secret admirer, ABM 11-2'


Natutuwa ako na pagkain ang binigay niya ngayon. Nagulat naman ako nung kinuha 'yon ni Jaecey at dinistribute sa trashmates namin!


"Hoy!" sigaw ko sa kaniya. "Ano bang ginagawa mo?!"


"Share your blessings" masungit na sagot ni Jaecey.


Napatingin ako kila Sephil na parang nanghihina sa pinaggagawa ni Jaecey. Nagkibit balikat lang sina Joshua habang pinagmamasdan ang kaweirdohan ni Jaecey.


Kinabukasan may isang box naman na binigay si Admirer. May another info ulit


'From your secret admirer, ABM 11-2, K.M.C'


Initial siguro 'yon ng name niya.


Nasa CR kami ngayon nina Sephil para makaiwas kay Jaecey.


"Sino kaya 'to?" sabi ko kina Sephil habang hawak 'yimung pink box.


"Ewan namin"


Binuksan ko 'yung box, may laman siya na malait na pink teddy bear tapos may heart na dark pink sa bandang tyan at nakaukit ang name ko doon.


"Hala ang cutieee!" sabi ni Sephil.


Napangiti ako kasi ang cute nga.


"May friend ako sa facebook na ABM 11-2, tignan ko mga mutual friends niya baka malaman natin kung sino 'yung K--- what are the initials again?" sabi ni Cath.


"K.M.C" sagot ko.


Binuksan niya ang phone niya at todo search siya.


"Sino pala nag aabot sainyo nito?" tanong ko.


"One of his classmates" busy pa rin si Cath sa kasesearch.


Maya-maya lang nagsalita na siya.


"Eto ba 'yon? Eto na yata 'yun!" excited na sabi ni Cath. Hinarap niya sa'min ang phone niya.


'Kiel Miguel Contreras'


"Mamshie, gwapings" bulong ni Sephil, magkadikit na ang mukha namin  habang nakatingin sa screen ng phone ni Cath.


"Alam na naten" sabi ni Cath. Hindi ako nakapagsalita sa gulat, napaka gwapo naman nun?


Lumabas na kami ng CR, hindi pa kami tuluyan na nakakalabas nauntog na ako sa likod ni Sephil nung napahinto siya sa paglakad niya. Napatingin ako kay Cath na nasa unahan ni Sephil na nakatingin sa'kin ngayon.


Si Sephil naman sinilip niya kung ano 'yung nasa gilid ng pintuan, nagulat siya at napatingin din sa'kin.


Okay? Ano meron?


Naglakad na ako papunta doon sa tinitignan nila tutal ayaw naman nila magsalita. Nagulat din ako nung nakita kong nakatayo si Jaecey sa gilid ng pintuan ng pintuan.


Ang cold lang ng tingin niya sa'kin saka niya binaba ang tingin niya sa hawak kong box. Mabilis ko namang iniwas sa kaniya 'yung box, nilagay ko sa likuran ko para kunin ni Cath o Sephil, nasa likod ko lang kasi sila.


"What?" tanong ko.


"Galing ba ulit 'yon sa ugly secret admirer mo?"


"Oo, bakit?" Nakatingin lang talaga sya doon sa box na hawak na ngayon ni Sephil.


"Nothing" tumalikod na siya at iniwan na kami.


"Nangangamoy selos na naman" pailing-iling na sabi ni Cath.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro