Chapter 63: Star City
Day 5
Hay salamat last day na 'to. Matapos bumanat ni Jaecey nang bumanat kahapon, hindi ako nakatulog ng maayos!
Tapos ngayon ang aga pa namin umalis para marami kaming masakyan na rides.
Inasar niya pa ako nang inasar sa Mitzi na 'yon kahapon. Kesyo nagseselos daw ako kahit hindi naman! Naiinis lang ako!
"Nasunog daw 'to dati" sabi ni Jaecey.
Nasa Star City kamj ngayon, ayon sa schedule ni Sean, rides daw ang friday.
"Oo"
Ang daming tao sa lugar na 'to pero mas maraming bata. Ang dami rin rides, sa bawat rides ang daming pila.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Kahit saan, basta kasama kita."
Sinamaan ko lang siya ng tingin sa sinabi niya, tinawanan niya lang ako. Hay! Nagsisimula na naman siya sa mga banat-banat niya na ang corny corny naman!
"Sabi ni Sephil, try mo mag isip ng bago baka sakaling kiligin ako" sabi ko sa kaniya, nginitian ko pa siya.
Lumingon siya sa'kin habang nakataas ang kilay.
"Hindi naman kailangan ng bago, ang mahalaga magkasama na ulit tayo" seryosong sagot niya.
"Ulit?" nagtatakang tanong ko.
Nanlaki bigla ang mata niya.
"I m-mean, kasi 'diba hindi tayo nag uusap nung nakaraang linggo... 'yun." sabi niya habang umiiwas ng tingin sa'kin.
Mukha tuloy siyang may tinatago.
Nagsimula na kaming sumakay sa mga rides. Tatlong rides ang nasakyan namin. Surfdance, viking at jungle splash.
Pagkatapos namin sumakay sa surfdance, pareho kaming sumuka ni Jaecey. Natawa na lang kami pareho pagtapos namin sumuka.
Tapos noong nag viking kami, tinatawanan niya ako, paano ba naman ang sakit kaya sa puso, parang naiiwan 'yung kaluluwa ko sa tuwing umaandar pataas 'yung viking.
Takot pala si Jaecey sa heights and slides halos umiyak na siya kanina sa pagmakakaawa na 'wag kaming pupunta sa jungle splash hahaha! Siya naman ang tinawanan ko.
Buti na lang nag baon kami ng extra clothes kaya agad kaming nakapagpalit nung nabasa kami.
Nagpahinga muna kami ni Jaecey at pumunta sa mga tindahan ng pagkain. Maya-maya lang nakita namin sina Cath.
"Kumusta ang date?" ngiting-ngiti na salubong sa'min ni Joshua.
"Masaya naman" sagot ko.
"Uy, nag enjoy si Bell sa date nilaaaa. Yieeeeeee!" pang aasar ni Sean.
"I mean, masaya rito sa Star City!"
Napag usapan namin kagabi na susunod sila rito sa star city para naman makapag bonding kaning mag totropa.
Hindi ko akalain na magkakaroon pa pala ako ng circle of friends. Akala ko habang buhay na lang ako kay Sephil e HAHA!
Matapos naming kumain sumakay na kaming anim sa rides na gusto namin.
Sumakay kami sa starfrisbee tyaka sa giant wheel. Meron pa kaming isang sinakyan pero hindi ko maalala kung ano tawag. Halos mapaos kami sa kasisigaw kanina sa sobrang enjoy.
Sasakay pa sana kami sa pang apat na ride na gusto namin kaso gabi na, kailangan na namin bumyahe pauwi.
Kinabukasan napahaba ang tulog ko sa pagod. Gumising ako na good mood, ang saya lang kasi talaga kahapon.
Sa sobrang saya namin hindi na kami nakapag picture.
Pinuntahan ko sina mama sa kusina. Naririnig ko kasi ang mga boses nila mula doon.
"Bellinda, may ice cream doon sa ref" sabi ni mama.
"Sige p--" paos ako huhu.
"Bakit wala kang boses?"
"Ka--" hindi ako makapagsalita.
Sumulat na lang ako sa papel at saka pinabasa kay mama.
'Kasisigaw po sa rides kahapon'
"Huwag ka muna kakain ng ice cream" sagot ni mama.
Napanganga ako sa sinabi niya! gusto ko kumain ng ice cream! T_T
"Ate, sayang vanilla pa naman 'yung binili ni daddy" sabi ni Jojo habang nakaupo sa dining chair.
Magmamaktol pa sana ako pero may naaalala ako.
Agad akong napaupo sa tabi ni Jojo, tatanungin ko sana siya pero wala nga pala akong boses!
"Ha? Ano, ate? 'di po kita maintindihan" sabi ni Jojo.
Mabilis akong kumuha ng papel at nagsulat.
'Sinabi mo ba kay kuya Jaecey mo 'yung favorite flavor ko sa ice cream?'
Nakita kong kumunot ang noo ni Jojo sa nabasa niya.
"Hindi po" inosente niyang sagot. Ako naman ang napakunot ang noon ngayon.
Nagsulat ulit ako sa papel.
'Bakit sabi niya sa'kin ikaw daw ang nagsabi sa kaniya?'
"Hindi ko po alam, wala po akong sinasabi sa kaniya." sagot niya.
Hindi nagsisinungaling ang bata.
Nagsulat ulit ako sa papel.
'Ano pinag usapan niyo nung last na pumunta siya rito?'
"Hmm" nag iisip siya. "Hindi ko po maalala." sagot niya.
Nadisimaya naman ako ng kaunti. Tumayo na ako para itapon 'yung mga papel na pinagsulatan ko.
"Ay, ate Bell naalala ko na." sabi ni Jojo, nabuhayan naman ako sa sinabi niya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya para marinig ko ng tama 'yung sunod niyang sasabihin.
"Tungkol po kay pikachu 'yung pinag usapan namin" sabi niya.
"Wala na?" pinilit kong magsalita.
"Wala na po, 'yun lang."
Imposible naman na si Sephil ang magsabi sa kaniya e hindi naman alam ni Sephil.
Pamilya ko lang at si Jaebey ang nakakaalam. Pero kung si Jaebey ang nagsabi sa kaniya, edi sana sinabi niya na galing kay Jaebey 'yun, hindi kay Jojo.
May tinatago ba 'yon sa'kin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro