Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 62: The Date

Day 3


Nasa sinehan kami ngayon ni Jaecey pinapanood ang bagong labas na movie. Nasa kanan ko siya nakaupo, naka focus lang siya sa pinapanood namin habang nanginginain ng popcorn.


"You like it?" tanong ko kay Jaecey.


"No, I like you." diretsyo niyang sagot.


Hinampas ko ang kaliwang braso niya.


"What? Hindi mo ba gusto na gusto kita?" natatawa niyang sabi.


"Oo!" iniripan ko siya.


"Why?"


"Hindi tayo pwede" sagot ko.


"Kung hindi mo ba ex si Jaebey, pwede tayo?" napalingon ako sa kaniya.


Hindi ko siya sinagot at nanonood na lang ulit. Hindi ko rin kase alam ang isasagot ko sa kaniya. Bakit ba kasi napaka straight to the point niyang tao e!


Tahimik lang kami habang nanonood hanggang sa,


"Akbayan mo" may narinig akong bumulong kay Jaecey sa likod namin.


"Joshua?" nagtatakang tanong ko.


Anong ginagawa niya dito?


Tumayo si Joshua at lumipat sa tabi ni Jaecey. Hindi naman puno ng tao ang sinehan ngayon.


"Sinusundan niyo ba kami?" tanong ko kay Joshua.


Hindi niya ako pinansin! Inakbayan niya lang si Jaecey.


"Alam mo bro, kumilos ka naman. Chance mo na 'to oh!" sermon ni Joshua kay Jaecey.


"Shut up" sagot ni Jaecey.


"Ang hina mo!" sabi ni Joshua, kulang na lang batukan niya na si Jaecey sa pagkadismaya niya e.


"Hello? Nandito rin ako sa tabi niyo?" pag papapansin ko.


"Alam namin" pamimilosopo ni Joshua.


"Tsk" padabog kong sinandal ang likuran ko sa sandalan ng upuan.


"My bro, hindi mo naman agad sinabi na hindi ka pala marunong manligaw. Edi sana naturuan kita bago kayo mag date." bulong ni Joshua.


"Ang ingay mo" saway ko sa kaniya.


"I'm sorry"


Natapos na ang pinapanood namin, umalis na rin si Joshua.


Papunta kami sa food court.


"Sa tingin mo ba sinusundan nila tayo?" tanong ko kay Jaecey.


"Siguro." matipid na sagot ni Jaecey habang diretsyo lang ang tingin sa daanan.


Bakit ba nila kami sinusundan.


"Are u okay?" tanong ko.


Hindi kasi siya mukhang okay e.


Tumango lang siya.


"Weh, hindi e" pamimilit ko.


"I'm sorry, hindi kasi ako marunong pumorma sa babae"


"Ba't ka nag sosorry? Hindi mo naman kailangan pumorma, dare lang naman 'to, diba?" pag papaalala ko sa kaniya.


Tama, dare lang naman 'to. Wag siya masyadong serious.


Pagkatapos namin kumain sa food court, napagdesisyonan na namin umuwi. Naubos ang oras namin sa panonood ng movie e.


Sayang 2 hours, sana pala nagdaldalan na lang kami.


Char.


-


Day 4


Panay sorry si Jaecey sa'kin kahapon, hindi raw kasi siya marunong lumandi.


Sus! Hindi raw e nilalandi niya na nga ako.


Hindi nga lang effective.


Naglalakad lakad na kami ngayon sa SM gala-gala lang ganern.



"Hindi ka pa ba nagkakaroon ng girlfriend?" tanong ko.



"Hindi"


"Kahit noong nasa Australia ka pa?"


"Oo"


"Wala bang nagkakagusto sa'yo doon?"


"Meron" naningkit ang mata ko sa naging sagot niya.


"Sino?"


"Bakit mo tinatanong?"


"Gusto ko lang malaman"


Kwinento ni Jaecey 'yung naghahabol sa kaniya noon na Mitzi raw ang pangalan. Deniscribe niya pa talaga sa'kin na maganda raw si Mitzi, matalino, mabait, model, napakacharming na tao. Tapos pinag bbake pa raw siya noon kahit hindi niya naman sinasabi na ipag bake siya.


Edi wow!


Pagkatapos ni Jaecey dumaldal hindi ko na siya pinansin.


"Hey, bakit ang tahimik mo na?"


"Wala"


"Weh?"


"Wala nga, napapagod lang ako dumaldal"


"Hindi naman ikaw 'yung dumadaldal ah tapos ikaw pa 'tong napagod." sabi niya habang tumatawa.


"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" pagsusungit ko.


"Okay, okay" natatawang sabi niya, tinaas niya pa ang dalawang kamay niya na nagsasabing susuko na siya.


"Wala naman pala e" inirapan ko siya.


Hindi ko alam bakit ba ako nagsusungit ngayon! Nakakainis naman kasi 'yung kwinento niya!


Hindi ako nagseselos ah, naiinis lang ako!


Pinasok ni Jaecey ang dalawa niyang kamay sa dalawang bulsa pants niya.


"Sige na nga, kunware hindi ko alam na nag seselos ka"


Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya! Nakakaloka ha!


"Hindi ako nagseselos!" sigaw ko sa kaniya.


Tinalikuran ko siya at iniwan siya. Naririnig kong tinatawag niya pa ako pero hindi ko siya pinansin.


Napahinto ako sa paglalakad nung napatapat sa Katamae Store nasa loob ng window glass 'yung Incredible Chair.


Naramdaman kong nasa tabi ko na si Jaecey.


"Gusto mo 'yan?" masayang sabi ni Jaecey.


"Hindi ah! Yan nga ang pinaka ayoko e." sabi ko.


"Bakit?"


"Tignan mo naman kase" sabi ko sabay turo roon sa Incredible Chair. "Wala man lang belt, paano kung umupo 'yung tao dyan tapos pinaandar tapos nalaglag, edi nadisgrasya pa." napailing na lang talaga ako sa pinag iimbento ng Katamae Company na 'yan.


"Tapos ngayon ibebenta na agad ng ganiyan ang itsura? Ewan ko na lang kung may bibili diyan!"


"Nananahimik 'yung upuan inaaway mo" natatawang sabi ni Jaecey.


"Nakakainis kais 'yang Katamae na 'yan! Tyaka si Mit--" napahinto ako nung muntik ko na mabanggit ang pangalan ni Mitzi!


"Mi..Mi..Mi pera ka pa?"


Tumawa si Jaecey nang malakas.


"You're really not jealous, huh?" natatawa niyang sabi. "I still have money, what do you want?" ngiting-ngiti niyang tanong.


"Nothing." hindi nga ako nagseselos!


"Wala? Hmm, baka gusto mo ng free? Ako, free. I'm free for you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro