Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60: Naughty friends

Akala naman nila papayag ako sa gusto nila. Sabado na lang ngayon pero panay ang tawag nilang apat sa'kin para papayagin ako.


Nag ring ang phone ko. Natawag na naman si Joshua.


"Ano na naman?!" - Bell

"Pumayag ka na kasi, 5 days lang please."


Binabaan ko siya.


Maya-maya lang tumunog na naman phone ko. Si Cath naman ngayon.

"Wag niyo na ako kulitin." - Bell

"1 day na lang? Ano G?" - Cath

"No." - Bell

"Per--" - Cath


Binabaan ko siya.



Kakabitaw ko lang sa cellphone ko, tumunog na naman! Si Sephil naman ngayon!

"Kung gusto niyo, kayo ang gumawa!" - Bell

"Hindi ka namin titigilan hangga't hindi ka umo-oo" - Sephil


Binabaan ko rin siya.


Mabilis kong binitawan ang phone ko at tumayo sa kama para bumaba sa sala. Tumunog na naman agad! Si Sean naman!

Hindi talaga nila ako titigilan.

"Bell, sagot na namin lunch mo next next week." - Sean.

"May pera ako." - Bell


Binabaan ko rin siya.


Aba, susuhulan pa nila ako. Ayoko nga. Eto naman kasing si Jaecey, bida bida masyado pumayag agad!


Siguro gusto niya rin.


Sabagay, may gusto nga pala siya sa'kin.


Pero hindi pa rin ako payag!


Paulit-ulit na nag riring ang phone ko. Hindi ko na sinasagot kasi paulit-ulit lang din naman ang tumatawag at paulit-ulit din ang pangungulit nila.


Hindi na nga ako nag oonline simula kanina para maiwasan sila tapos eto naman ginagawa nila ngayon. Tawag nang tawag!


"Bell, ano ba 'yan? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag? Kanina pa tunog nang tunog 'yan." nagulat ako nang biglang pumasok si ate Tricia na highblood.


"Rinig mo ba?"


"Oo! Ang ingay! Kung ayaw mo sagutin, i-off mo!" padabog niyang sinara ang pintuan ko.


Inabot ko ulit ang cellphone ko, nakita kong may text si Sephil.


'Answer my call, it's emergency' - Sephil.


Emergency..


Emergency niya mukha niya!


May text ulit.


'Answer Sephil's call! You idiot, it is truely an emergency!' - Cath.


Katakot naman si Cath. Naririnig ko boses niya sa text lang.


Tumatawag ulit si Sephil kaya sinagot ko na.


"Mamshie, may emergency." - Sephil


Medyo umiiyak ang boses niya.


Baka na-acting, nahawa na kay Cath.


"Ano emergency mo?" - Bell

"May hindi kasi pumapayag.." - Sephil

Sumisinghot-singhot pa siya.

"Na?" - Bell

"Na makipag date kay Jae---" - Sephil


Binabaan ko siya.


Sabi ko na e, acting lang 'yon e. Bwisit.


Kinabukasan, nangungulit pa rin sila kahit sa chat. Isa-isa pa talaga nila akong chinat ha kahit may gc kami. Ang effort naman nila mangulit.


Tadtad ng messages ni Sephil ang phone ko.


Puro,


Hoy


Pumayag ka na


Please


Sige na


Minsan lang 'to


Promise, ngayon lang 'to.


'Wag kang KJ


Nagreply ako sa text niya ng 'kapag ayoko, ayoko. Period' ayaw talaga tumigil e.


Nagulat naman ako sa naging reply niya.


'Kapag hindi ka pa rin pumayag, ipagkakalat ko sa classroom natin na tumae ka sa CR ng girls nang hindi nagfflash.' - Sephil


Grabe! Kaibigan ko ba talaga 'to?!


Nagfflash naman ako e! Sadyang barado lang 'yung bowl nung time na pumupu ako. Nubayan!


Biglang tumawag si Sephil, sa sobrang inis ko pinindot ko 'yung answer button nang marahas.


"Ano na naman ipang bablackmail mo?!" - Bell

"Wala, hanggang dun muna" - Sephil

Tumatawa pa siya sa kabilang linya.

"Tigilan mo nga ako" - Bell

"Ayoko, ano? Papayag ka o ipagkakalat ko 'yon? HAHAHAHAHAHA" - Sephil

"Oo na! Oo na!" - Bell

"Ye--" - Sephil


Binabaan ko kaagad siya.


Napa-oo tuloy ako ng wala sa oras! Kung wala lang siyang pang blackmail sa'kin, hindi ako papayag e!


Kaso, ayoko naman masira image ko!


Nag text ulit si Sephil.


'Kapag hindi ka sumipot bukas, alam mo na HAHAHAHAHAHA' - Sephil


Binato ko 'yung cellphone ko sa kama sa inis! Bwiset!


Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong iblackmail para lang pumayag sa walang kwentang dare na 'yon!


Panigurado ako na nagdidiwang na sila ngayon sa GC.


Nag online agad ako para magchat sa GC namin. Hindi muna ako nag backread, atat na ako mainis e.


"ANO MASAYA NA KAYO?" - Bell

"Oo HAHAHAHA" - Sean


In-off ko na ang wifi sa phone ko para magkaroon ako ng peace of mind.


Sa sobrang inis ko dumapa ako sa higaan ko, sinubosob ko 'yung mukha ko sa unan atsaka nagsisigaw.


Nang kumalma na ako. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at lumapit sa cabinet.


Pinili ko lahat ng magaganda kong damit. May off-shoulder, fitted jeans, crop top, sunday dress, t-shirts with cute designs, sandals. Hinanap ko rin 'yung favorite kong matte lipstick--


Wait, Bakit ko ba pinaghahandaan 'to?! Dare lang naman 'to! Walang seryosohan!


Babalik na sana ako sa pagkakahiga ko pero naisip ko na 'date' yon, dapat maayos ang itsura.


Tama!


Bumalik ulit ako sa cabinet ko.


Tumunog ang phone ko. Lumapit ako sa kama ko para kunin 'yon at tignan kung sino na naman na hampaslupa ang nag text sa'kin.


Nagtext na naman si Sean.


'Monday - Park'
'Tuesday - Mcdo'
'Wednesday - Cinema'
'Thursday - Mall'
'Friday - Rides'

Goodluck on your five days date with Jaecey :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro