Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58: Doubt

Kinakabahan na ako ngayon dahil kakapasok ko lang ulit at mag sstart na ang long test namin.


Nasa kanan ko si Cath at nasa kaliwa ko naman si Sephil. Kailangan daw na paggitnaan nila ako para masalba ako kung sakaling hindi ko kayanin.


Nasa likod naman namin sina Jaecey, Joshua at Sean. Napag gigitnaan si Joshua, nasa kanan niya si Jaecey at nasa kaliwa si Sean. Ang swerte niya naman! Parehong genius ang katabi niya. Nasa kanan ang human calculator at nasa kaliwa niya naman ang human analyzer.


"Ma'am Jessa is not around today kaya ako ang magbabantay sainyo habang mag ttest kayo." sabi nung subteacher.


"Talking with your seatmates is not allowed during the examination, this is an indivual long test not a group long test. Understood?!" sabi niya habang ipinamimigay na ang mga questionnaires.


Ang strict niya. Mataba siya at may salamin sa mata. Nakapusod din ang buhok niya sa likod.


Meron akong tatlong yellow pad, 'yung isa pang computation, 'yung isa naman pang extra. No erasure kasi tapos calculator is not allowed din! Grabe! Hindi naman ganito si ma'am Jessa e, feeling major teacher 'tong subtitute teacher na 'to. Nihindi nga namin siya kilala.


Unang kita ko pa lang sa questionnaire pakiramdam ko babagsak na ako!


1-15 puro terms lang pero pagdating sa 16 - 50 puro,


Adjusting!


Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakikita kong mga questions at mas lalo akong nanghina nung mapansin kong palakad-lakad si Ma'am na panay ang bantay sa'min!


Makalipas ang dalawang oras, natapos din kami sa pagsasagot. Nakahinga ako ng maluwag kasi kung ano 'yung mga naituro sa'kin ni Sephil kahapon, yun din 'yung nandito sa test.


Iilang questions lang ang hindi ko alam kaya hinulaan ko na lang.


"Kumusta ang test, Bell? Nakasagot ka?" tanong sa'kin ni Joshua.


"Sakto lang."


"Paanong sakto lang?"


"Hindi naman kasi ako sure sa iba kong sagot." habang nag uusap kami ni Joshua napatingin ako kay Jaecey at nakita ko siyang nakatingin sa'kin. Agad umiwas ng tingin.


Nagkayayaan na kami na tumambay muna sa school garden matapos mapiga ang utak namin dahil sa accounting na 'yan!


Pa-circle ang upo naming anim.


Napalingon kaming lahat kay Cath nang magsalita siya.


"Guys, you know what, feel ko may manliligaw si Bellinda pero hindi niya sinasabi sa'tin."


Grabe! Nahawa na siya sa kadaldalan ni Sephil.


"Luh? pinagsasabi mo na naman, Cath? Wala akong manliligaw 'no." sagot ko.


Napatingin naman ako kay Jaecey na ngayon ay hindi makatingin sa'min.


"Mamshie, totoo ba?"


"What?"


"Nagchat kasi sa'kin kagabi 'tong si Bellinda humihingi ng payo about sa pambubusted kuno."


"May binusted ka?"


"Sino?"


"Ano section?"


"Gwapo ba, mamshie?"


"Ano itsura?"


"Tropa ba namin sa ibang section?"


Sunod-sunod silang nagtanong habang iinitay akong sumagot. Lahat sila nakatingin na sa'kin at nagtanong maliban lang kay Jaecey.


"Wala nga. Nacurious lang ako kaya ako nagchat kagabi dito kay Cathalkative!" sigaw ko.


"Ba't ka galit?" natatawang sabi ni Joshua.


"Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang ako." humina ang boses ko.


"Deffensive." bulong ni Sean habang tinakpan pa ang bibig para hindi ko makita ang sinasabi niya pero narinig ko naman.


"My bro, tahimik mo ah?" sabi ni Joshua kay Jaecey.


Tinaasan lang siya ng kilay ni Jaecey.


"Hayaan mo 'yan pre, baka nagseselos lang 'yan." sabi ni Sean at hinawakan ang balikat ni Joshua para sa kaniya ito lumingon, saka sila tumawa nang malakas.


Nakita ko naman na pati si Cath at Sephil nakikitawa rin.


"I'm not jealous." sagot ni Jaecey.


"Okay lang 'yan, my bro. Naiintindihan ka namin, diba nga may limang rason kung bakit tahimik ang isang tao? Una, walang gana makipag usap. Pangalawa, nagugutom. Pangatlo, galit. Pang apat, natatae. At ang pinakamalupet ang pang lima--"


"Nagseselos!" sabay-sabay na sabi nilang apat.


Pag untugin ko kaya sila?


"I'm hungry." sagot ni Jaecey saka kumuha ng pagkain sa loob ng bag niya.


"Bell naman kasi 'wag ka naman manhid" pang aasar pa ni Sean.


Inirapan ko lang siya sa sinabi niya.


"Hindi mo man lang ba na-appreciate 'yung pagsusulat ni Jaecey ng mga lectures para sa'yo?" sabi ni Joshua at nag nagtawanan na naman silang apat.


Seryoso? Nagsulat siya para sa'kin?


Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na rin ako ng pagkain sa bag ko.


"Manhid-manhidan muna tayo.." pang aasar na naman ni Sean habang pasayaw-sayaw ang ulo niya. Binato ko tuloy sa kaniya yung notebook na hawak ni Cath.


Nakipag agawan pa ako kay Cath sa notebook niya para lang ibato kay Sean nang manahimik na siya!


"Alam niyo guys, communication is the key." sabi ni Sephil.


Ano na naman pinagsasabi niya.


"Oo nga! Kanina pa kayo hindi nag uusap ni Jaecey e, kala niyo hindi naman napapansin?" sabi ni Joshua habang nanguya pa ng biscuit na kinakain niya.


Sinaway naman siya ni Sephil, table manners daw.


Oo nga? Hindi ko rin alam kung bakit hindi kami nag papansinan e.


Napapansin ko kasi na parang naiilang siya? Ewan.

Go with the flow lang ako e.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro