Chapter 55: Accident
Nagmadali akong lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko silang lahat na nasa sala.
"Bell, 'wag mo naman pinaghihintay ang manliligaw mo." pang aasar sa'kin ni ate Tricia.
Nakita ko si Jaecey na nakikipaaglaro kay Jojo.
"Ate! Boyfriend mo na po ba si kuya?" inosenteng tanong ni Jojo habang nakaturo ang isang kamay kay Jaecey.
"Hindi." diretsyong sagot ko kay Jojo.
"Ay sayang naman." sabi ni Jojo at nilagpasan ako.
Nakita kong tumayo si Jaecey at lumapit sa'kin.
"Mukhang malungkot si Jojo na hindi mo ako boyfriend ah?" ngiting-ngiti na sabi ni Jaecey.
Gusto ko siya sabunutan sa ginagawa niya kaso baka pagalitan ako ni mama.
"Ano ba ang sadya mo?"
"Sinabi ko na sa chat ah."
"Jaecey nak, kain muna kayo oh." alok ni mama. May niluto siyang cookies.
"Okay lang po, tita. Kakain naman po kami ni Bell sa labas." paalam ni Jaecey.
Napatingin naman sa'kin si mama na nagtataka.
"May date po kami." diretsyong sabi ni Jaecey.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya!
"Ay oo nga pala! Nakapagpaalam na yan sa'kin kanina si Jaecey nak, sige na maligo ka na para makapag-date na kayo." Tuwang-tuwang sabi ni mama.
"Ma!" saway ko.
Napailing na lang ako at bumalik sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Nasa mcdo na kami ngayon.
Ano na lang sasabihin ko kay ate?! Argh!
"Are you okay?"
"Yes."
Tapos na kami kumain. Hindi ko siya kinakausap kanina pa.
"Ba't parang ang tahimik mo?"
"Wala."
"Hindi bagay sa'yo ang nakabusangot."
"Anong meron?" dineretsyo ko na siya.
"W-what?"
"Anong ibig sabihin ng pinaggagawa mo? 'Yung ganito, 'yung chats, 'yung mga corny mong banat tapos 'yung paalam mo pala kila mama na 'may date' tayo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"It's just---"
"What? You like me? Kung oo, hindi ko matatanggap ang feelings mo."
Hindi siya makasagot at napayuko siya.
Mali ba 'yung ginawa ko?
Umayos ako ng pagkakaupo ko at tinanggal ko ang likod ko sa pagkakasandal sa upuan.
"Look, ex-boyfriend ko na ang kambal mo. Kung na-offend man kita ngayon, I'm sorry."
"I guess, hindi mo pa nalalaman lahat." sagot niya at tinignan niya ako ng diretsyo.
"What are you talking about?"
Nakatingin lang siya sa'kin ng seryoso.
"Nothing." naging malamig ang tono niya.
"If i'm bothering you now, I'm sorry. But, I will wait." sabi niya.
"Jaecey..hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Hindi mo kailangan gawin 'to."
"Iintayin ko na makilala mo ako."
"Kilala na kita---"
"Hindi pa. Hindi mo pa kilala ang tunay na ako."
"H-ha?"
"Iuuwi na kita. I'm sorry for what happened today." inalis na niya ang tingin niya sa'kin.
Tumayo na siya at naunang maglakad palabas ng mcdo.
I can't understand him.
Hindi ko pa raw kilala ang tunay na siya? Bakit? Ano ba talaga siya? Maligno, ganon? Jusko! 'wag naman sana.
Tahimik lang kami buong byahe. Siya ang nagddrive habang ako nakatingin lang sa labas.
Kakausapin ko ba siya?
Parang nakonsensya tuloy ako bigla.
"J-jaecey, I'm sorry." sabi ko habang nakayuko.
"It's okay."
Natahimik na ulit kami.
Nanlaki ang mata ko ng mawalan ng preno si Jaecey at bumangga ang sinasakyan namin sa isang malaking puno.
Sumakit ang ulo ko sa pagkakauntog. Buti na lang nag seat belt ako.
Nakahawak lang ako sa noo ko habang iinda ang sakit.
"Bell!" natatarantang sabi ni Jaecey na nasa gilid ko.
Napatingin ako sa kaniya, nakita kong may kaunting dugo na natulo sa noo niya hanggang sa natakpan na ng dugo 'yung nunal niya.
Kinakausap niya ako pero hindi ko maintindihan 'yung sinasabi niya. May pumasok na scenario sa isip ko.
"Ralph, may sasabihin pala ako sa'yo." sabi ko.
"Ano 'yon?"
"Gusto kita."
Napahinto kami sa paglalakad.
"H-ha?" nagtatakang tanong nung lalake.
"Sabi ko, gusto kita. Pero 'wag ka mag alala hindi naman kita pipilitin na gustuhin mo 'ko pabalik."
"Tina.."
"Shhh, okay lang. Alam ko naman na hindi mo ako gusto at hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa'kin. Pero sapat na sa'kin 'yun, gusto ko lang ipaalam sa'yo na gusto kita. Ayokong magsisisi ako sa huli na hindi man lang ako umamin sa'yo."
Napansin kong unti-unting luminaw ang itusra nung lalake.
"Tina..." hinawakan niya ang mukha ko at saktong luminaw ang itsura niya.
Si Jaecey ulit!
Yun yung panaginip ko kanina na hindi natuloy!
Napatingin ako kay Jaecey na hawak hawak din ngayon ang mukha ko.
Parehong-pareho sila. Parang parehong-pareho rin ang pangyayareng 'to. Background lang ang naiba.
"Ikaw.."
Kumunot ang noo ni Jaecey sa sinabi ko.
"Ikaw 'yung palagi kong nakikita!"
Bumaba ako ng sasakyan dahil sa hindi ako makapaniwala na si Jaecey nga ang nasa mga weird scenarios na nakikita ko!
"Bell! Saan ka pupunta?!"
"Lalayo sa'yo!"
Tumakbo ako palayo.
Habang tumatakbo ako may biglang malakas na busina ang narinig ko sa gilid ko.
Napahinto ako.
Hindi ko magalaw ang paa ko.
"Bell!" narinig kong sigaw ni Jaecey sa likod ko.
Naramdaman ko na lang na may tumama sa katawan na matigas na bagay at nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro