Chapter 54: Chat
Nakahilata ako ngayon sa higaan ko dahil weekend na naman.
Kinuha ko ang cellphone ko, pinag iisipan ko kung ichachat ko ba si Jaecey.
Gustong gusto ko na siya tanungin kung nakita niya ba 'yung portrait doon sa museum.
Hinanap ko na ang name niya at nag chat.
JAECEY ALEGRE
Goodmorning.
Typing..
Yes?
Grabe naman, wala man lang good morning?
Typing..
Miss me?
What do you want?
Hindi kita na-mimiss. May itatanong
lang ako.
Typing..
Ano 'yon?
Nakita mo ba 'yung portrait doon sa museum?
Nung fieldtrip?
Typing..
Ang daming portaits doon, alin don?
'Yung lumang picture tapos kamukha natin 'yung nandoon?
Typing..
Typing..
Typing..
Tagal naman sumagot.
No.
Seen-in ko na lang. Tagal niya nag type, No lang pala sagot niya.
Nag vibrate phone ko. Nag pop up ang chat head ni Jaecey.
JAECEY ALEGRE
Are you sure na kamukha natin?
Yes.
Typing..
Baka namimiss mo lang ako kaya mo nasasabi mo yan? HAHAHA
Kapal mo naman!
Alam mo kahit kailan hindi ka talaga matino kausap.
Typing..
Okay lang naman sa'kin kung namimiss mo 'ko e.
Shut up.
Pinatay ko na ang wifi sa phone ko para hindi ko na siya maka-chat. Ipinatong ko na lang sa lamesa na katabi ko.
Bwisit! Pa-fall masyado.
Ayoko naman siya jowain, ex-boyfriend ko ang kambal niya. Ang panget naman kung pareho ko sila jojowain. Baka sabihin pa nila tinuhog ko 'yung magkapatid.
Pero nakakaurat naman kase! Dalawang beses ko na siya nakita sa weird scenario or past life kuno na 'yan.
"Bakit nakakunot noo mo?"
"Kanina ka pa ba diyan?"
"Ngayon lang. Kumusta pala si Jaecey?" tanong ni ate.
"Ayun, nagffeeling na crush ko siya." napairap ako.
"Wag mo sabihin na, tutuhugin mo 'yung magkapatid?"
Ayan na nga ba ang sinasabi ko.
"No way! Baka mamaya niyan babaero rin si Jaecey. Kambal pa naman sila."
Umupo si ate Tricia sa kama ko habang ako nakahilata pa rin.
"Eh si Jaebey?"
"Wala na kaming balita sa kaniya. Simula nung bumalik na kami galing fieldtrip."
"Eh si Joshua?" napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"Miss mo?" nang aasar na tanong ko.
Sinabunutan niya ako bigla.
"Hindi no! May manliligaw na kaya ako ngayon."
"Wow ang bilis ah. Buti naman at nagkakaroon ka na ng manliligaw ngayon."
"Hindi ka ba nililigawan ni Jaecey?"
Literal akong napa-face palm.
"Hindi! At hindi rin ako papayag kung sakali!" iritadong sabi ko.
"Sa totoo lang, mas gusto ko si Jaecey kaysa kay Jaebey." sabi ni ate.
"Edi ikaw ang magpaligaw kay Jaecey."
"Hindi ka ba nagkakagusto sa kaniya? Kahit slight lang?" ginawa niya pa sa kamay niya ang 'konti sign'
Hindi ko siya masagot. Hindi ko alam kung bakit?
Ano ba 'yan!
"Umalis ka na nga matutulog na ako."
"Ba't 'di ka makasagot?" natatawang sabi niya.
"Inaantok na kasi ako." bumangon ako at tinulak ko siya palabas ng kwarto.
"Oo o hindi lang naman ang isasagot mo e, mahirap ba 'yun?" tumatawa pa rin siya habang tinutulak ko palabas.
"Goodnight!" sinarado ko bigla ang pinto.
Narinig kong pinalo pa ni ate 'yung pintuan, nainis yata kasi padabog kong sinarado 'yon.
Lumundag ako sa higaan ko at inabot ang phone ko. Nabasa ko ulit 'yung walang kwentang chat namin ni Jaecey. Naiinis na naman ako!
Natulog na lang ako para mawala ang inis ko.
"Punta tayo sa mcdo?" pagyaya sa'kin ng isang lalake. Malabo ang mukha niya.
Naglalakad kami sa gilid ng kalsada.
"Sige." tahimik lang kami na naglalakad hanggang sa may humarurot na sasakyan mula sa gilid ko.
Lumipat 'yung lalake sa pwesto ko.
Meron kaming pinag uusapan nung lalake pero hindi ko alam kung ano. Ang alam ko lang nagtatawanan kami.
May nakita akong tricycle drivers na madadaanan namin.
"Sagutin mo na kase." ngiting-ngiting sabi ni manong driver.
Nakaramdam ako ng kilig.
"Ralph, may itatanong pala ako." sabi ko.
"Bell!" may kumakatok sa kwarto ko.
Nagising ako nang hindi mawala sa isip ko 'yung napanaginipan ko.
Si Ralph na naman.
Sino ba kasi 'yun?!
Bumangon ako para buksan ang pintuan ko.
"Nak, nandiyan si Jaecey sa baba. Kanina ka pa hinihintay." sabi ni mama.
Si Jaecey?! Anong ginagawa niya dito?
Agad kong sinarado ang pinto ng hindi man lang kinausap si mama.
Agad akong naghilamos at nagmumog, inayos ko rin ang magulo kong buhok at nagpalit ako ng matinong pambahay.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong 9 na ng umaga.
Kinuha ko ang phone ko at nag online saglit. Nag pop up ang chat head ni Jaecey at tadtad ng messages.
JAECEY ALEGRE
Hey, tulog ka na?
Okay, goodnight.
Punta ako sa inyo bukas ng 8:00 AM
Kain tayo sa mcdo. Alam ko naman na gusto mo 'ko makasama e HAHAHAHAHAHAHAHA
See you tomorrow!
Ang kapal niya talaga! Huminga ako ng malalim para magpigil ng hindi ko malaman na pakiramdam!
Nag pop up ulit 'yung chat head niya.
Online siya ngayon!
JAECEY ALEGRE
Goodmorning, baba ka na diyan. May date pa tayo, 'wag ka na mahiya. :)
TF?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro