Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53: At peace

“Anong gagawin mo shokoy?” tanong ni Cath.


“Wala ka na don.”


“Mag ingat ka, baka mamatay ka e.”


Bumaba na kami nila Sephil at akay-akay na ngayon ni Sean si Jaecey. Tumakbo si Sephil at Cath para puntahan si ma’am si Jessa at kumuha ng makakain ni Jaecey. Ilang beses din nag text sa’kin si mama kanina kung ano raw ba nangyare ba’t hindi pa rin kami nakakauwi, sabi ko naman sa kaniya na ipapaliwanag ko na lang pag nasa bahay na ‘ko.


Sa kwarto namin nila Cath dinala si Jaecey, mahirap na baka mawala na naman siya sa sarili niyang kwarto.

“Salamat sa tulong mo, Sean.”


“Walang anuman.”


Lumabas na si Sean at naiwan kami ni Jaecey, nasa higaan ko siya ngayon. Umupo ako sa tabi niya habang nakahiga naman siya.


“T-thank you.” Pilit na nagsasalita pa ‘tong si Jaecey.


“Magpahinga ka na.”


Tatayo na sana ko ng bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay yakap!


“What are you doing?” sinusubukan ko kumalas pero mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya.


“Salamat, Tina..”


“H-ha?” tinawag niya akong Tina?!


Bigla akong binitawan ni Jaecey at napabangon sa kinahihigaan niya.


“Cristina! Salamat, Cristina.”


Napangiti naman ako sa sinabi niya, tinawag niya pa talaga ako sa second name ko.


Biglang pumasok si Cath.


“Eto na ang food!” may dala-dala siyang tray na may lamang mangkok at tubig. Napatigil siya nung nakita niya kami na magkatabi sa kama ko.


Ngumiti siya sa’kin ng napakalawak. Dire-diretsyo niyang inilapag ‘yung tray sa may lamesa at dire-diretsyo rin na pumunta sa pintuan nang hindi man lang kami kinausap.


“Saan ka punta?” I asked.


“Diyan lang”


“Dito ka lang.”


“Ayoko makaistorbo sa sainyo.” Nginitian niya ulit ako ng pagkalawak-lawak. Ngiting nang aasar. “Tulungan mo ‘yan kumain si Jaecey ah, subuan mo na rin baka sakaling maging crush ka rin niya HAHAHAAHA!”


Pinandilatan ko siya sa sinabi niya, tumakbo siya palabas at padabog na sinarado ang pinto sa kamamadali. Gusto ko pa sana siya sabunutan sa sinabi niya! Magsama sila ni Sephil!


Ilang beses ko ba kasi kailangan sabihin sa kanila na hindi ko nga crush si Jaecey!


“Hey, crush mo ‘ko?”


Halos mawindang ang buong pagkatao ko sa tanong niya!


“Hindi ah!”


Tumayo ako at kinuha ang tray para iabot sa kaniya.


“Ayan! Kumain ka na, hindi ko naman siguro kailangan na subuan ka pa ‘diba? Malaki ka na, kaya mo na ‘yan.” Aktong lalabas ako ng kwarto pero napalingon ako sa narinig ko sa kaniya.


“A-aray.” Hawak-hawak niya ang kamay niya.


“Nyare sa’yo?”


“Masakit kamay ko, hindi ko mahawakan ‘yung kutsara.” Ngiting-ngiti pa siya.


“Tigilan mo ‘ko sa arte mo.”


“Hindi ako umaarte, masakit talaga.” Nakangiti pa rin siya.


May nasasaktan ba na nakangiti?!


“Ano gusto mo gawin ko?”


Ngumuso lang siya doon sa mangkok.


“Itatapon ko?” Umiling siya, ayaw mag salita e. “Hindi ka pipe, Jaecey. Magsalita ka”


“Subuan mo ‘ko.”


“Ano ka baby?!”


“Oo, baby mo.”


Nararamdaman ko na naman ang pag init ng mukha ko kaya agad akong tumalikod sa kaniya. Nababaliw na rin siya.


“Sige na, subuan mo na ‘ko. Malay mo magustuhan kita HAHAHAHA”


Bwisit! Dapat pala hindi ko na lang siya niligtas, char.


Nilingon ko siya.


“Hindi nga kita crush!” sigaw ko.


“Oh, ‘wag kang magalit hahaha wala naman akong sinasabi na crush mo ‘ko ah. Napaghahalataan ka.” Tumawa siya nang malakas.


Wtf!


Sa inis ko sa kaniya, kinuha ko ‘yung kutsara at dinuldol ko ‘yon sa walang kwenta niyang bibig.


-


Buong sabado ‘yung fieldtrip namin at nung linggo kami nag extend. Nung Monday naman nakauwi na kami sa kaniya-kaniya naming bahay. Ikinancel muna ang pasok ng section namin dahil sa nangyare. Oo, section lang namin ang naiwan.


Tanong naman nang tanong sa’kin si mama kung anong nangyare. Panay naman ang kwento ko sa kaniya. Imbis na pagpahingahin niya muna ako, ayun dinaldal niya lang ako nang dinaldal. Sinabi nya pa na ang sama ni Jaebey at mabuti na lang raw na break na kami, kapag daw nakita niya ulit si Jaebey tutuktukin niya raw ng sandok.


“Hindi na napasok si Mr. Alegre and his friends?” tanong ni Ma’am Jessa. Home room namin ngayon.


Ilang araw na hindi napasok sina Jaebey, Paolo, Lucas, Renz, at Kristoffer. Sila lang naman ang dumukot kay Jaecey kaya kami na late ng uwi galing sa fieltrip. Walang nakakaalam kung nasaan sila, kahit si Joshua hindi na rin alam.


“Mr. Agustin, hindi mo na ba talaga sila na-c-contact?” tanong ni Ma’am Jessa kay Joshua.


“Hindi na po ma’am.” Sagot ni Joshua.


Palagi na siya nasama sa’min ngayon, mabilis din sila naging close ni Jaecey at palagi naman sila nagsasagutan ni Cath. Pati rin si Sean, palagi na namin kasama.


“Newt week, kapag hindi pa rin sila pumasok, automatic drop out na.” sabi ni Ma’am. “If anyone of you saw them by chance, chat niyo agad ako. Okay?”


Hindi rin pala kasi sila nag oonline, hindi rin namin alam kung sino ang pamilya na pwede naman contact-in. Lahat sila walang parents at only child.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro