Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52: Saved

“Matapos mo makipagsabwatan kay Jaebey lalapit ka sa’min ngayon?!” sigaw ni Sephil kay Joshua.


Dapat talaga hindi ko muna hinarap si Joshua sa kanila.


"Hindi ako naniniwala sa kaniya." seryosong sabi ni Cath. "Pakiramdam ko part 'to ng plano nila."


Tinignan ako ni Cath na parang sinasabi niyang 'wag-ka-ngang-mag-tiwala-sa-bugok-na-'to.


"H-ha? Hindi! Don't get me wrong. Nandito ako para tulungan kayo, pagod na pagod na ako maging sunud-sunuran kay Jaebey." paliwanag ni Joshua.


"Patunayan mo nga sa'kin na hindi ka traydor. Ay, paano mo pala mapapatunayan sa'kin kung sarili mo ngang tropa nilalaglag mo??" mataray na sabi sa kaniya ni Cath, nilagay niya pa ang hintuturo niya sa kaliwang balikat ni Joshua at tinulak nang mahina.


Mukhang hindi siya mag titiwala kay Joshua.


"Kaya ko nga siya nilaglag para tulungan kayo. Nagawa ko siyang traydorin para tulungan kayo at si Jaecey!"


Hays pakiramdam ko tuloy sa'ming dalawa ni Jaecey, ako ang lalake.


Karaniwan sa mga movies babae ang dinudukot at lalake ang nagliligtas tapos sa story ng buhay ko baliktad????


"Bellinda ano na? Pagkakatiwalaan ba na'tin 'tong shokoy na 'to?" iritadong tanong sa'kin ni Cath.


"Anong shokoy?! Sa gwapo kong 'to tatawagin mo lang ako na shokoy?! Ikaw nga kamukha mo si Valentina na kalaban ni Darna!"


So, may bago na namang kabangayan si Cath. Ano ba pang bago.


"I guess, mapagkakatiwalaan natin si Joshua." natatawang sabi ni Sephil.


"What?! Are you insane?!" inis na sabi ni Cath.


"Bakit kasi hindi ka magtiwala kay Joshua? Hindi ba pasado ang looks niya sa'yo?" nang aasar na sagot ni Sephil.


Napatingin naman ako kay Joshua na nag papa-pogi sa harapan ni Cath.


Nagulat kami Sephil at Joshua sa sunod na nangyare.


"Bakit mo 'ko sinampal?!" galit na sabi ni Joshua.


"You deserve that!" sigaw sa kaniya ni Cath.


"Nandito tayo para iligtas si Jaecey, hindi para mag away kayo." mahinahon kong sabi sa kanila.


Totoo naman, hindi ko sila pinagsama-sama para lang mag sigawan sa harapan ko.


Mas nasstress pa ako sa sigawan nila kaysa sa pagkawala ni Jaecey!


"Sorry." sabi ni Joshua. "Eto kasi e!" habol niya pa sa turo kay Cath.


Sasagot pa sana si Cath pero hinarangan ko si Joshua para ako ang makita niya.


"Ok! Fine!" susuko rin pala. "So, anong plano mong shokoy ka?" sabi ni Cath habang sinisilip pa si Joshua na nasa likuran ko.


Nag usap na sila nang matino hanggang sa natapos na ang plano namin. Sa walang tao kami nag usap dahil hindi alam ni Jaebey na pinagtataksilan na siya nitong long time bestfriend niya.


Isa sa patunay si Joshua na hindi lahat ng kaibigan mo ay tapat sa'yo.


Hindi lahat kayang tiisin ang panget mong ugali.


Hindi lahat kaya kang sabayan.


At ang masaklap, sasaksakin ka pa patalikod.


-


Hapon na, oras na para kumilos.


Hindi namin pinaalam kay ma'am Jessa ang lahat. Nakiusap kasi si Joshua sa'min na huwag na namin sabihin, ayaw niya naman daw na mapahamak si Jaebey sa ganitong paraan. Gusto niya raw 'yung karma na ang bahala.


Sabi rin ni Joshua kanina, gabi raw papatayin si Jaecey kaya hapon palang pupunta na kami.


Pahirapan pa kami sa paglabas ng building dahil baka makita kami nila ma'am Jessa. Buti na lang magaling si Joshua sa mga pasikot-sikot sa isang building kaya nakalabas kami nang walang nakakakita sa'min.


Ewan ko lang kung nakita kami ng CCTV hahaha! Bahala na.


"Dito lang kayo." sabi ni Joshua.


Nasa isang subdivision kami, iniwan niya muna kami sa isang kanto. Mauuna raw siya para paalisin 'yung mga bantay ni Jaecey para makapasok kami nina Sephil. Kasama rin namin si Sean.


Isasama dapat namin 'yung mga makikisig naming trashmates pero baka mapaghalataan na madaming wala.


Nag text na sa'kin si Joshua.


"Okay na. Diretsyo lang kayo tapos kapag may nakita kayo na mansion, may katabi 'yon na parang abandong bahay na kulay gray. Yun na 'yon." - Joshua.


Sununod lang namin 'yung sinabi ni Joshua.


Nagmadali ako pumasok at nakita ko si Jaecey! Pawis na pawis!


Ano bang ginawa ni Jaebey?!


"Jaecey! Anong ginawa sa'yo?!" nag aalala kong sabi. Paano ba naman, nanghihina siya at namumutla.


"Hindi siya pinakain simula kahapon at wala ring kahangin-hangin sa lugar na 'to." sabi ni Joshua.


"Bakit hindi niyo pinakain?!" sigaw ko sa kaniya.


"Utos 'yon ni Jaebey sa mga nagbabantay sa kaniya." Lumapit siya sa'min at binuhat si Jaecey. "Kailangan na natin umalis bago pa bumalik 'yung mga bantay."


Nagmadali kaming bumalik sa sasakyan ni Joshua.


Nayayamot na naman ako kasi Katamae Car 'tong gamit niya. Pero no choice! Hindi ako pwede mag inarte ngayon.


Matagumpag naming nailigtas si Jaecey at naibalik ng matiwasay sa hotel.


"Bumaba na kayo, may aasikasuhin lang ako." sabi ni Joshua.


"Saan ka pupunta?"


"Ititikom ko lang 'yung bibig ng mga naging bantay ni Jaecey." sagot niya.


"Ha? Bakit pa? Hayaan mo na sila."


"Magsusumbong ang mga 'yon, kaya sige na."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro