Chapter 51: Joshua's POV
Joshua’s POV
Inexplain sa’min ni Jaebey lahat ng plano niya bago mag fieldtrip. Meron na ring place kung saan ikukulong si Jaecey bago patayin. Wala talagang awa si gago.
Okay pa sana ‘yung ikukulong lang pero nung binanggit sa’kin ni Jaebey na papatayin niya kambal niya? Hindi na kinakaya ng konsensiya ko.
“Nasaan si Jaecey?” sigaw ni Bell kay Jaebey.
“Hindi ko nga alam, kulit e.” iritadong sagot ni Jaebey.
“Imposible! Narinig ko ang usapan niyo ni Paolo nung isang araw diba?!” kumunot naman ang noo ni Jaebey sa sinabi ni Bell.
“Anong pinagsasabe mo?” maang-maangan niya. “Paolo? May pinag usapan ba tayo na tungkol kay Jaecey?” umiling naman si Paolo. Ang sama talaga ni Jaebey.
Pati si Paolo dinadamay niya sa kolokohan niya. Merong lumang bahay dito sila Paolo na pinsan niya raw ang may ari na si Oliver pero hindi naman daw ginagamit ‘yung bahay kaya doon dinala si Jaecey. Medyo malayo ‘yun dito kaya natagalan sila bumalik kagabi pagkatapos dukutn si Jaecey.
Hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang kaba na nararamdaman ko para kay Jaecey. Wala naming ginagawa na masama sa kaniya si Jaecey pero pinapahirapan niya at gusto pa talaga patayin.
Hindi na yata siya tao.
“Wala naman akong sinasabi na si Jaecey ang pinag usapan niyo ah?” Bell crossed her arms.
“Woah.” Sabay sabay naming sabi ng mga kaklase naming haha! Nice one, Bell.
“S-syempre si Jaecey ang hinahanap mo sa’kin, kaya matic na agad nasi Jaecey ang tinutukoy mo na sinasabi mong pinag usapan namin.” Sagot ni Jaebey. Nice, nakalusot si gago.
“Wag mo ‘ko gawing sinungaling.” Inis na sabi ni Bell.
“Hindi naman kita ginagawang sinungaling, nagsasabi lang ako ng totoo.” naaawa ako kay Jaebey, sa totoo lang.
Umalis na si Bell sa inis yata kay Jaebey. Mabuti na rin na umalis na siya, kahit naman anong sabihin niya kay Jaebey, hindi siya sasagutin ng matino non. Gago ‘yun e.
Hindi ako mapakali! Gusto ko tulungan si Jaecey, ewan ko ba!
“Huy, Joshua mukhang si Paolo na ang bagong bessy ng bessy mo ah?’ natatawang sabi ni Lucas.
“Bessy? Bading ka ba?”
“Oo, crush nga kita e.” sabay kapit sa kamay ko.
“Yak! Lumayo ka nga sa’kin, bading!” umarte pa ako na nandidiri.
“Joke lang, gago! Hahaha!” sinuntok niya pa braso ko sabay alis na at lumapit na kila Paolo.
Hindi ko sila malapitan ngayon matapos ko tanggihan si Jaebey sa pinapagawa niya sa’kin na si Paolo na ang gumawa. Pinaghanap niya kasi ako ng liblib na lugar malapit sa building na’to para doon itatapon ang katawan ni Jaecey kapag daw napatay niya na. Ha! Nababaliw na siya. Syempre hindi ako pumayag, ano ako baliw? Tulad niya pa ako sa kaniya.
Kating-kati na ang dila ko na sabihin lahat ng nalalaman ko kay Bell. Bakit kasi ngayon ko lang na-reliaze na baliw na talaga si Jaebey! Edi sana matagal na akong tumiwalag sa kaniya. Okay lang kahit hindi muna ako mag aaral, ayoko lang na pagsisihan ko lahat hanggang sa pagtanda ko.
Biglang bumalik si Bell.
“Jerome, sabi ni ma’am bumalik daw lahat sa mga kwarto. Bukas na raw uuwi dahil nawawala pa rin si Jaecey.” Sabi ni Bell sabay tingin ng masama kay Jaebey,
Nagsiakyatan na ulit sila at nag paiwan ako.
“Oh, bakit hindi ka pa umakyat?” masungit na tanong sa’kin ni Bell.
“May sasabihin ako.”
“Kung tungkol ‘yan sa babaero mong friend, hindi ako interesado.” Tinalikuran niya agada ko pero nagsalita ako.
“Tungkol kay Jaecey.” Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa’kin.
Good thing. Naging interesado siya. Nag sorry muna ako sa kaniya bago nag kuwento kung ano ba mga nangyare.
Gusto rin iligpit ni Jaebey si Sephil at Cath dahil sa pagbabantay na ginawa nila. Buti na lang, nakumbinsi ko siya at ipinaalala sa kaniya na hindi kami nananakit ng babae, physically. Ewan ko na lang kung nagbago ang pananaw niya sa buhay tsk.
Gusto kong umiyak sa sobrang guilty pero syempre hindi ako iiyak, babae ang kaharap ko at kapatid pa ni Tricia! Ayoko naman mag mukhang weak.
“Ang dami ko pang gustong itanong sa’yo pero mas gusto ko na iligtas muna si Jaecey.” Sabi sa’kin ni Bell.
Hinala niya ako para sumama sa kaniya at hinarap niya ako kay Sephil at Catherine.
Tinignan lang ako ng masama ni Sephil at Catherine tapos may binulong sa kanila si Bell.
Tagal naman nila mag bulungan at patingin-tingin pa sila sa’kin.
Mga babae talaga. Basta chismisan sobrang tagal pwede na abutin ng bukas.
Medyo natakot naman ako nung biglang lumapit sa’kin si Sephil.
“Matapos mo makipagsabwatan kay Jaebey lalapit ka sa’min ngayon?!” sigaw sa’kin niya sa'kin dahilan para mapaatras ako.
Grabe naman ‘tong babaeng ‘to! Ngayon ko nga lang siya nakausap tapos sinisigawan pa ako.
Sabagay, ‘di ko rin naman sila masisisi kung nagkakaganyan sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro