Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50: Joshua's help

“Nasaan si Jaecey?” Nakapalibot na sa’min ngayon ang trashmates naming.


“Hindi ko nga alam, kulit e.” iritadong sagot ni Jaebey.


Lumapit ako lalo sa kaniya.


“Imposible! Narinig ko ang usapan niyo ni Paolo nung isang araw diba?!” kumunot ang noo niya.


“Anong pinagsasabe mo?” maang-maangan niya. “Paolo? May pinag usapan ba tayo na tungkol kay Jaecey?” umiling naman si Paolo. Ginawa pa nga akong sinungaling.


“Wala naman akong sinasabi na si Jaecey ang pinag usapan niyo ah?” I cross my arms. May naring ako na mga nag ‘woah’ na trashmates naming.


Napatigil siya sa sinabi ko hahaha! Ang isda nga naman nahuhuli sa sarili niyang bibig.


“S-syempre si Jaecey ang hinahanap mo sa’kin, kaya matic na agad nasi Jaecey ang tinutukoy mo na sinasabi mong pinag usapan namin.” Nagawa pa ngang magpalusot.


“Wag mo ‘ko gawing sinungaling.” Inis kong sabi.


“Hindi naman kita ginagawang sinungaling, nagsasabi lang ako ng totoo.” pinagdiinan pa ‘yung ‘totoo’ at ngumit pa sa’kin. Kadiri!


Anong nagsasabi ng totoo? Niisa nga sa mga sinabi niya walang totoo.


Hindi ko na siya pinatulan pa. Nagsasayang lang ako ng oras sa pakikipagtalo sa kaniya. Isa pa, kahit anong talak ko sa kaniya hindi niya pa rin sasabihin kung nasaan si Jaecey.


Bumalik na ako sa loob ng hotel para balikan sila Cath. Nakita ko naman ang mga teachers na na uusap-usap.


Ano nang gagawin ko? Saan namin makikita si Jaecey? Hindi naman kami pwede magpaiwan dito! Ilang beses ko na tinawagan si Jaecey kanina pero naka turn off ang phone niya!


“Mamshie, may oras pa tayo para maghanap. Hindi raw aalis ang bus hangga’t may kulang.” Balita ni Sephil.


“Sabi kahapon sa’kin ni Paolo, mag sstay daw sila dito. Hindi sila sasama pauwi.” Sabi ni Cath.


Ano?! Kaya pala kampanteng-kampante siya sa katarantaduhan niya.


“Mandayao, pakisabihin ang class president na bumalik lahat sa loob ng kwarto nila. Bukas na tayo uuwi.” Nanlaki ang mga mata namin sa utos sa’kin ni Ma’am Jessa.


“eh ma’am paano po ang mga pagkain? Hindi naman po kasama sa binayaran naming ang magiging pagkain namin for today and we don’t have enough money na.” malungkot na sabi ni Sephil.


“Sagot na ng hotel ang magiging pagkain niyo dahil sa hotel na ‘to Nawala si Jaecey.” Sagot ni ma’am.


“How about we check the CCTV footage, ma’am?” suggest ni Cath.


“Ginawa na namin ‘yan kanina pero nakapatay ang CCTV kagabi simula sa second floor hanggang ground floor pati rin ang CCTV sa labas nakapatay nang hindi alam ng mg nagbabantay doon.” Sabi ni ma’am.


“Paano nangyare ‘yun?!” gulat na gulat na sabi ni Sephil.


“Malamang planado lahat ‘to.” Sagot ni Cath.


Bumalik ako sa labas para gawin ang inutos sa’kin ni Ma’am. Lahat naman sila nagsibalik maliban lang kay Joshua.


“Oh, bakit hindi ka pa umakyat?” masungit na tanong ko sa kaniya. Kapag nakikita ko siya parang nakikita ko rin si Jaebey! Nakakainis!


“May sasabihin ako.”


“Kung tungkol ‘yan sa babaero mong friend, hindi ako interesado.” Tinalikuran ko siya pero nagsalita ulit siya.


“Tungkol kay Jaecey.” Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya.


“A-ano ‘yon?”


Hinala niya ako palayo sa building na ‘yon at huminto sa isang malaking puno.


“I’m sorry.” Simula niya. Mukhang magdadrama siya ngayon!


“Kung mag dadrama ka lang sa harap ko, pwede mamaya na lang? kapag nahanap na si Jaecey?”


“Hindi na kasi kinakaya ng konsensya ko, Bell.” Mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Pakiramdam ko buong buhay ako magsisisi kapag hindi ko ‘to ginawa.” Ok, nagdadrama na siya.


“Spill the beans.”


“Dinukot talaga ni Jaebey si Jaecey at ang malala pa, may balak na talaga siya na patayin ang kambal niya.” Nag aalalang sabi niya. “Sa totoo lang, simula nung bumalik si Jaecey para na siyang nawala sa katinuan niya.” Sabi niya habang napapakamot sa ulo niya. “Hindi naman siya ganun dati nung hindi pa nabalik si Jaecey e.”


Sinasabi ko na nga ba, nasiraan na siya ng bait.


“Alam mo ba kung saan niya dinala si Jaecey?”


“Oo, dadalhin kita don.”


“Sabihin mo na lang sa’kin kung nasaan.”


‘Hindi ko alam ang exact address kaya hindi ko masabi sa’yo, ang alam ko lang ‘yung daan papunta don.”


Napahinga ako ng malalim. “Paano pala siya nadukot?” ang laki kaya ng katawan ni Jaecey tapos pumayag siya na magpadukot?


“Kagabi, napansin nila Paolo na may binabalak kayo nina Cath.” What? Ang galing naman nila. “Kaya ayun binigyan ni Lucas si Sephil at Cath ng kape na may halong pampatulog para hindi masira ang plano ni Jaebey. Balak niya pa nga na dukutin din ‘yung dalawa, buti na lang napigilan ko pa siya.” Kwento niya. “Tapos nung nakatulog na ‘yung dalawang babae, mabilis na silang nakapasok sa kwarto nila Jaecey at tinurukan ng annestisia si Jaecey para hindi magising pag binuhat na siya.”


Napanganga na lang ako sa mga kwento niya!


“Ang dami ko pang gustong itanong sa’yo pero mas gusto ko na iligtas muna si Jaecey.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro