Chapter 5: Gift box
January 1, 2056
Nakapagtataka, never ko pa nakasama sa school si Jaecey..
Tumayo ako sa pag kakaupo ko sa sahig. Hindi ko alam kung sanhi lang ba 'yon ng pagkauntog ko o ano, pero parang totoong totoo talaga 'yung scenario.
Hindi ko muna masyadong inisip 'yung lumabas sa isip ko. Bumaba na agad ako at iniligpit ang pinagkainan ko.
"Oh, bakit ka bumaba? 'diba sinabi ko sa'yo na tawagin mo ako kapag may kailangan ka" sabi sa'kin ni mama.
"Ah, kaya ko naman po"
"Magpahinga ka, nak. Tignan mo, namumutla ka" sabi niya sa'kin na may halong pag-aalala.
"Ah sige po, balik na po ako sa kwarto ko"
Bumalik ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. "Sigurado ako na Jaecey 'yung nakita ko. Hindi si Jaebey" sabi ko sa sarili ko sa salamin.
"Paano ka nakakasiguro, Bell?" kontra ko sa sarili ko.
"Pareho ang itsura nung Ralph na tinawag ko at nung kambal" sabi ko ulit.
"Yun lang???" pagdududang sabi ko sarili ko.
"Hindi. Eto pa, 'yung Ralph na nakita ko, may maliit din na nunal sa taas ng kanang kilay niya" pagkukumbinsi sa sarili ko sa harap ng salamin na si Jaecey ang nakita ko sa scenario na pumasok sa isip ko kanina.
"Oh, edi si Jaecey nga!" pagsang-ayon ko sa sarili ko.
"Pero kas--" napahinto ako sa pagsasalita ng may narinig ako na kumakatok sa pintuan.
"Bell?" may tumawag sa'kin sa labas habang kumakatok sa pinto ko.
"Pasok!!" sigaw ko.
"Sino kausap mo?" nagtatakang tanong sa'kin ni ate Tricia.
"Huh? Ako? May kausap? Sino? Saan?"
Sarili ko kausap ko, ate tricia.
"Whatever. Okay ka na ba?" sa kaniya ko pala namana ang hilig sa pagsabi ng word na 'whatever' hahahaha.
"Medyo"
"Oh eto" sabay abot sa'kin ng gift box "happy birthday" bati niya ulit sa'kin.
"Ay wow! Thank you, ate Tricia!!! Nag abala ka pa!" tuwang tuwang sabi ko.
"Dapat lang na magpasalamat ka, mas mahal pa 'yan sa tuition ko"
Tinignan ko lang siya at tumingin din siya sa'kin at pareho kaming nagtawanan. Pareho kaming natawa sa kasungitan niya.
Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko. May text si Jaebey.
"Let's have a dinner later" - Jaecey
Dinner? Hindi man lang ako kinamusta.
tsss.
"I'm not feeling well today" - Bell
"Ano sabi?" tanong ni ate Tricia.
"Hindi ka lang pala masungit, chismosa ka pa HAHAHAHA" pang-aasar ko sa kaniya. "Dinner daw kami mamaya"
"Tapos?"
"yun" matipid kong sagot.
"yun lang?!" sabi niya at halatang sa boses niya na dismayado siya.
"Bakit? May dapat pa ba siyang sabihin?" pagkukunwari ko.
"Tsk! Wala talagang kwenta 'yang boyfriend mo" bulong niya.
"Anong sinabi mo?"
"Wala! ang sabi ko hiwalayan mo na 'yang bf mo!" pagmamaldita niya sabay alis sa kwarto ko.
Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi niya. 'di bale, baka puntahan ako rito ni Jaebey mamaya hehe.
Binuksan ko na 'yung gift box na bigay sa'kin ni ate.
"Woa"
Glimpse soap ang laman nitong box. Eto 'yung sabon na isang pahid mo lang sa balat mo at sa isang kisap-mata mo lang, maputi ka na!
Sa panahon ngayon, meron ng Glimpse soap na beauty product. Hugis safeguard 'to pero color red. As far as I know, this product is too expensive. Pang rich kid ang presyo mga mamsh. Hindi 'to product ng Katamae ha.
Nag vibrate ulit 'yung phone ko. May text ulit si Jaebey.
"Do you remember the gift I bought for you yesterday? The giant robot teddy bear. Just play with it when you miss me, hahahaha. Ily!" - Jaebey.
Speaking of that human size teddy bear, nasaan 'yun? wala rito sa kwarto ko eh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro