Chapter 44: Monster
"Anong sabi sa'yo ni lola Mira?" pang iintriga ni Sephil.
"Wala naman. Pero kay Jaecey may sinabi siya."
"Ano?"
"Isa raw sa kanilang kambal ay magagawang pumatay. Hay nako."
"Oh? Ang creepy talaga ni lola! Tapos? Ano ginawa ni Jaecey?"
"Ayun, hindi niya tinapos 'yung panghuhula sa kaniya."
"What?! Bakit hindi niya tinapos?! Hindi na siya makakapagpahula ulit kapag nangyare 'yon. At ang pinakamasa pa, posibleng may mangyareng kamalasan sa kaniya!"
"Saan mo na naman nakuha 'yan?" walang ganang sabi ko.
"Ano ka ba! Kasabihan 'yun."
"Kasabihan lang 'yon, walang kasiguraduhan 'yon!"
"Ay bahala ka, basta ako naniniwala sa mga kasabihan at pamahiin ng mga matatanda." Proud niyang sabi.
Kakanuod niya 'yan ng mga documentaries tungkol sa mga manghuhula.
"Whatever."
-
Days passed.
"OmG, super excited na ako sa fieldtrip natin tomorrow!!" tili ni Cath.
"Sakit sa tenga!" reklamo ni Sephil.
"Edi tumili ka rin." sagot ni Cath na tinarayan naman ni Sephil.
"Mamshie, tabi tayo sa bus bukas okay?" sabi niya at inirapan ulit si Cath.
"Correction, tabi tayong tatlo." pinagdiinan niya pa kay Sephil 'yung 'tatlo'.
"CR lang ako." palagi na lang sila nagtatalo at palagi rin nila ako pinag aagawan hays ang ganda ko kasi.
Naglalakad ako papunta sa CR ng girls hanggang sa napatapat ako sa CR ng boys.
"Ipaubaya mo na sa'kin 'yun, hayaan mo naman na makabawi ako sa'yo." sabi nung lalake na nasa loob. Rinig ko ang usapan nila kasi medyo nakauwang ang pintuan.
Lalagapasan ko na sana sila kasi hindi naman ako chismosa pero may narinig ako na familiar na boses na nagsalita.
"Siguraduhin mo lang." sagot sa kaniya nung lalake at boses ni Jaebey! Lumapit pa ako ng kaunti sa pintuan para mas marinig ko.
Feeling ko may gagawin na naman sila na kalokohan e.
"Na-contact ko na si Oliver para sa gagamitin na room kung saan natin ikukulong si Jaecey." sabi nung lalake na kausap ni Jaebey.
Ano?! Anong ikukulong si Jaecey?!
"Baka mamaya pumalpak ka na naman niyan, Paolo ah?" si Paolo na naman! At bakit dito na naman sila sa CR nag usap ng katarantaduhan nila? Hindi na ba nadala si Jaebey doon sa voice record? Ang tanga niya naman.
Biglang bumukas 'yung pintuan ng boys at nanlaki ang mata ni Jaebey nung nakita ako.
"M-may narinig ka?"
"Oo, madami." sinamaan ko siya ng tingin. Nag iinit ang ulo at dugo ko sa narinig ko!
"Bell..kung ako sa'yo 'wag ka na makielam ha? Family matters 'to, hindi ka dapat nakikisawsaw." ouch. Hindi naman ako suki sa mga street foods like fishball etc. para masabi niya na nakikisawsaw ako?!
"Family matters? Ipinapahamak mo kambal mo." sagot ko.
"Deserve niya 'yon. Tyaka alam mo naman kung ano ginawa niya sa'kin nung bata pa kami diba? Gusto ko lang gumanti." ngumisi siya sa'kin. Grabe! Isip bata pa rin siya! Such a monster!
"Mukha kang tanga." natatawa kong sabi. Namula ang tenga niya sa inis at nagpipigil ng galit.
"Kung mukha akong tanga, ikaw naman ay tanga na talaga. Kaya nga hindi mo agad nalaman na niloloko na kita e hahah--" sinampal ko. Kapal ng mukha e.
"Hay, kulang pa 'yang sampal ko para numipis naman ang makapal mong mukha." nang aasar kong sabi.
"Pasalamat ka hindi ako napatol sa babae." mayabang niyang sabi.
"Oo hindi ka napatol sa babae pero napatol ka naman sa maraming babae. Babaero!"
"Wow. Makapagsalita ka parang hindi ka nabaliw sa'kin dati ah?" natatawa niyang sabi.
Yuck? Oo nga 'no? Kadiri naman ano ba 'yan!
"Kung makapagsalita ka parang hindi mo 'ko niligawan ah? Ano nga ulit 'yun? yung sinabi mo na papakasalan mo pa ako? HAHAHAHAHA! nakakadiri." tinarayan ko siya at tumalikod. "Isa pa, kapag may nangyareng masama kay Jaecey sa pinaplano mo, buong section natin ang makakalaban mo."
"Hu-hu. Na-ka-ka-ta-kot." sarkastik na sabi ni Jaebey. Nakakainis! Bwisit! "Tandaan mo Bell, marami akong pera. Kaya kong gawin lahat."
Nilingon ko siya.
"Share mo lang?"
Hindi ko na siya pinansin at bumalik na lang sa classroom. Hindi na ako nakapag CR sa kabwisitan ko sa kaniya.
Ibang-iba na siya magsalita ngayon. Hindi na siya 'yung dating Jaebey na napakabait. Hindi ko na siya kilala.
"Asan si Jaecey?" tanong ko kila Sephil.
"Kalalabas lang." sabi ni Cath. "Nagkasalisi ata kayo? Hinahanap ka rin niya e."
"Anong sabi mo sa kaniya?"
"Sabi ko lumabas ka. Kanina ka pa niya kasi hinahanap." kunot-noong sabi ni Cath.
Kanina pa? Eh bakit hindi man lang siya gumamit ng cellphone? Jusko naman Jaecey.
Paano kung makasalubong niya 'yung plastic twin brother niya? Nako talaga!
Lahat nung kasweetan na pinakita sa'min ni Jaebey kay Jaecey, lahat lang pala 'yon peke.
Parang siya, peke rin.
Lumabas ulit ako ng room para hanapin si Jaecey. Nakakainis naman kasi, ang tali-talino niyang tao pero sa gantong bagay hindi niya ginagamit utak niya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro