Chapter 40: Movie booth
"Eto na hinihingi mo." inabot sa'kin ni Sean ang recording device ng palihim.
"Salamat."
Valentine's day na ngayon pero puro galit ang nararamdaman ko ngayon kay Jaebey! at dapat 5th anniversary na namin ngayon kung hindi lang sana siya babaero.
"Sayang relationsh*t niyo ni Jaebey 'no?" nang aasar na sabi sa'kin ni Sephil.
"Walang sayang doon at walang dapat ikapanghinayang." pagsusungit ko sa kaniya. "Btw, happy valentine's day my Sephil!" kiniss ko siya sa pisngi.
"Yuck!" diring-diri niyang sabi. Minsan mas masarap na lang maging sweet sa kaibigan kaysa sa jowa e.
"Paano ba 'yan pareho na tayong single ngayon? Edi, tayo na lang mag-date mamaya!" masayang sabi ko.
"May lakad ako mamaya e, family date." malungkot niyang sabi. Nalungkot din tuloy ako. "Uhm, kayo na lang ni Jaecey mag date mamaya tutal pareho naman kayong single hahaha!" ayan na naman siya sa pang aasar niya.
"Whatever!"
"Bellinda, Sephil!" sigaw ni Cath. "Punta tayo sa horror movie booth pleaseeee!" ano raw? horror? horror movie?!
"A-ay, hindi ako nanonood ng h-horror e." sagot ko.
"Bawal ang kill-joy ngayong Valentine's, Bellinda."
"Sino nagsabe?" banat ko.
"Ako! narinig mo naman na ako ang nagsabi 'diba?" pamimilosopo ni Cath. Hindi ko talaga akalain na magiging kaibigan ko 'tong babaeng 'to.
"What a coward girl." sabi sa'kin ni Jaecey at pailing-iling pa.
"Sino kausap mo?" sabi ko sa kaniya.
"The coward one, you!" tumawa siya ng malakas. Walanjoka.
"Ako? tinatawag mo na duwag?" nilapitan ko pa siya habang kinakausap ko. "Ha!" napasmirk ako.
"Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo 'yung nangyare sa'tin sa kabilang building sa third floor? hahaha!"
"What?!" sabay na sigaw ni Sephil at Cath.
"Anong sinasabi nito na n-nangyare sa-sainyo?!" natatarantang tanong ni Sephil at napatakip pa siya sa madaldal niyang bunganga.
"Don't tell me na matagal na may something sainyo?!" sabi ni Cath.
"hin--" biglang hinawakan ni Cath ang magkabilang balikat ko.
"Bell! kapag nalaman ng lahat na matagal ng may something sainyo ni Jaecey, ikaw na ngayon ang magiging cheater!" ang OA naman ng mga kaibigan ko punyeta!
"May i-o-OA pa ba kayo?" sabi ko sa kanila. "Walang nangyare! okay?" pangkalma ko sa kanila. "Tinakot lang naman kasi ako nitong Jaecey na 'to sa third floor na 'yon! Alam naman nating lahat na may ghost doon 'diba?" sumang-ayon kayo sa'kin please.
"Duwag ka pa rin." sabat ni Jaecey.
Yung totoo ang weird niya talaga minsan mabait siya, minsan naman ang harsh niya, madalas mapang asar, minsan ayaw magsalita o makipag usap, para siyang may sayad.
"Papatunayan ko sa'yo na hindi ako duwag." pagmamayabang ko sa kaniya.
"At paano mo naman mapapatunayan sa'kin 'yon, Miss Coward?" nang aasar niyang sabi.
"Madali lang." sagot ko at humarap ako kay Cath. "Catherine, saan ba 'yang horror movie booth na sinasabi mo? Lets go na! pipila pa tayo para bumili ng limang piso na ticket." sabi ko kay Cath saka ko pinasadahan ng tingin si Jaecey.
-
"Ayoko na!" mangiyak-ngiyak kong sabi. Sa tuwing tatayo ako para lumabas sa movie booth na 'to palagi nila akong hinihila pabalik.
"Ang tapang tapang mo pa kanina tapos ngayon paiyak ka na HAHAAHAHA" pang aasar ni Jaecey.
"Alam mo nakakainis ka!"
"Shhh, just enjoy the movie hahaha sayang limang piso mo." mas sayang ang maganda kong buhay kapag inatake ako sa puso sa kaba dito!
Biglang tumahimik 'yung scene na pinapanood namin kaya napatingin ulit ako sa screen sa inis kay Jaecey. Ayoko sa lahat 'yung sinasabihan akong duwag pero urgh! ayoko ng horror movies!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" tili ko ng biglang may lumabas na multo sa screen!
"Hey, be conservative." bulong sa'kin ni Jaecey dahilan para magtaasan ang mga balihibo ko! ang lalim ng boses niya nakakaakit---- no! Bell, erase! Bigla ko siyang natulak sa pinag iisip ko!
Nalaman kong nakayakap na pala ako sa malaki niyang braso sa sobrang takot! Paupuin daw ba nila ako sa aisle tapos itinabi pa sa'kin 'tong bwisit na Jaecey na'to! Nakakatakot na nga 'yung movie tapos ang lamig lamig pa tapos nandito pa sa tabi ko ang nilalang na 'to.
Sakto naman na natapos na ang horror movie at binuksan na ulit ang mga ilaw! Wow! nagkaroon ulit ng liwanag ang buhay ko. Tumingin agad ako kay Jaecey at inirapan siya ng bongga.
"I won." pang aasar na sabi sa'kin ni Jaecey habang naglalakad kaming walo palayo sa horror movie booth na 'yon!
"Matatakutin lang ako pero hindi ako duwag." depensa ko.
"Okay, sige maniniwala na ako. Baka tuluyan ka ng umiyak e." bwisit talaga.
Habang pinapakalma ko ang sarili ko may pumasok sa weird scenario sa isip ko.
"Ate, nood na tayo Aldub!" may babae na nangungulit sa'kin.
"Sige, sige buksan mo na 'yung TV" tinawag ko ang isang lalake na nagngangalang Ralph matapos ko utusan 'yung babae na nangungulit sa'kin.
Tumabi sa'kin sa upuan 'yung Ralph na tinawag ko. Meron kaming pinapanood na babae at lalake pero hindi ko makita ang itsura at maya-maya lang kinikilig na kami.
"Kinikilig talaga ako sa Aldub HAHAHAAHA" sabi ko habang hinahampas 'yung lalakeng katabi ko.
"Mas doble ang kilig na ipaparamdam ko sa'yo kaysa sa kilig mo diyan sa Aldub hahahaha" sabi niya at biglang luminaw ang itsura niya. Luminaw ang itsura nung Ralph!
Sumasakit ang ulo ko sa nakita ko! bakit sa tuwing may nakikita ako na weird scenarios siya ang kasama ko?!
Bakit palaging si Jaecey ang kasama ko? at si Jaecey din ang nakita ko bilang Raplh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro