Chapter 39: Eardrops
Si Ma'am Jessa na ang last subject namin at siya rin ang adviser namin. Kaya naman, inireport sa kaniya 'yung nawawalang wallet ni Jaebey at inulit ang paghahanap.
This time, si ma'am Jessa na mismo ang mag hahanap sa bawat bag.
'Yan ang pangalawang plano namin, pero si Cath nagplano niyan hahahaha.
*flashback*
"
Ma'am Jes, pwede po ba natin ulitin mamaya 'yung paghahanap sa wallet ni Jaebey? Kawawa naman po kasi siya." Lungkot-lungkutan na sabi ni Cath.
"Bakit nag check na ba kayo ng mga bag kanina?"
"Yes po, ma'am" sagot ko.
"Ma'am sige na po, 10,000 po ang laman nun! Sayang naman kung mawawala, paano kung pinaghirapan pala 'yon ni Jaebey." malungkot ulit na acting ni Cath. Hahahaha! Best actress talaga. "Ay, pero ma'am 'wag niyo po sasabihin na ako ang nag request na ipahanap ulit ha? ayaw po kasi ni Jaebey na ipahanap ulit pero naaawa po talaga ako sa kaniya." nag pout pa si Cath.
"Okay, okay."
"Thank you po, ma'am!" Umalis na kaming tatlo matapos naming kausapin si ma'am.
"Bakit mo pa ba pinapaulit Cath?" tanong ni Sephil.
"Syempre, para magmukha siyang tanga." ow! grabe talaga si Cath HAHAHAHA.
"Stand up. Walang lalabas at walang gagalaw." utos ni ma'am.
Inisa-isa niya ang bag at wala rin siyang nakita.
"Mr. Jaebey Alegre, check your own bag baka hindi mo lang nakita ng maayos. Class president, please help him."
Napakamot si Jaebey sa ulo niya at nagsimulang ikalat ang mga gamit niya.
"Eto ba 'yon?" sabi sa kaniya ni Jerome na class president namin.
Nagulat ang lahat dahil nakuha 'yung wallet sa bag mismo ni Jaebey.
Gulat na gulat ang reaksyon ni Jaebey at parang hindi niya matanggap na nandoon nga lang sa bag niya 'yung sinasabi niyang nawawala.
"P-paano napu--"
"Mr. Alegre, sa susunod bago ka mag complain sa mga kaklase mo siguraduhin mo muna na nahalukay mo na ang lahat ng parte ng bag mo." pangangaral sa kaniya ni Ma'am Jessa.
Naging bubuyog ang mga trashmates ko.
"I told you." natatawang sabi ni Cath sa likod ko.
-
Kanina pa namin uwian pero tumambay pa kami nila Cath sa school garden kasama ang tropa-c. Wait? Yak! Ang corny ng tawag ni Jaecey sa tropa ni Catherine!
"Wait lang ah, may kukunin lang ako sa locker ko." sabi ko sabay tayo.
"Need mo kasama mamshie?"
"No." umalis na ako at dirediretsyong pumunta sa locker ko.
"Mandayao!" bulong na sigaw sa'kin ng isa kong trashmate nung napadaan ako. Siya 'yung loner na nerdy sa klase namin, si Sean.
"Oh bakit?"
"M-may sasabihin ako." nakita ko na kinukutkot niya ang kuko niya sa kamay na parang kinakabahan.
"Kumalma ka. Ano 'yon?" mahinahon kong sabi.
"May nalaman ako tungkol kay Jaebey." natataranta niyang sabi. Hinayaan ko lang siya na magsalita at napa krus ang braso ako.
Kwinento niya sa'kin lahat ng narinig niya sa banyo ng mga lalake kanina. Walang hiya ka Jaebey! Ang sama sama mo!
"H-hindi ko sinasadya na marinig ko lahat. Nasa loob ako ng cubicle nung mga oras na 'yon kaya akala nila walang tao doon at saka sila nag usap." paliwanag niya. Napapamura na ako sa isip ko sa ginawa ni Jaebey.
"Pero 'wag ka mag alala, narecord ko lahat!" nabuhayan ako sa sinabi niya! Gusto ko sana magalit kay Jaebey ng tuluyan pero wala naman akong ebidensya na panghahawakan pero meron naman pala!
Pinarinig niya sa'kin 'yung usapan na nakarecord. NAIINIS AKO GUSTO KO SIYA PAGSASAMPALIN RIGHT NOW! Hindi ko tinapos pakinggang 'yung voice recors.
"Pwede ako makahingi ng favor?" tanong ko.
"Sure, sure. Basta wag mo sasabihin sa kanila na ako ang nagsabi sa'yo." Nakipag deal pa nga.
"Pwede mo ba 'yan ilipat sa voice recording device 'yan?"
"Ako bahala." sabi niya at tuluyan na siyang umalis.
Ang sama ng ugali mo Jaebey, pakitang tao ka lang pala sa harap ng maraming tao.
Kinuha ko ng padabog ang dapat kong kunin sa locker ko sa sobrang inis.
Bumalik ako sa school garden na galit.
"Oh bakit salubong ang kilay mo?" tanong ni Jaecey.
"kambal mo ba talaga si Jaebey?"
Napaayos siya bigla sa pagkakaupo niya sa tanobg ko. "Oo, bakit?"
"Mukhang hindi." nakakairita! nakakabwisit!
"Ha?"
"Hatdog."
ayan, sa sobrang inis ko namimilosopo na ako.
"Nandito na naman ba si Marize?" tanong sa'kin ni Sephil.
"Wala."
"Speaking of Marize, guys may ikukwento ako sainyo!" excited na sabi ni Cath.
Kwinento niya sa'min kung paano niya ininsulto si Marize. Sinabihan niya raw kasi ang pinsan niya na 'wag na papapasukin ang isang babae na nagngangalang 'Marize' binigyan niya pa ng picture 'yung pinsan niya para sure at binigay ito sa bouncer. Ang nakakatawa pa napanood niya raw kung paano nagtantrums si Marize kasi hindi pinapapasok ng mga bouncers at dinemo niya pa ang pagtatantrums ni Marize.
Habang tumatawa sila ay napatigil ako jusko! Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Jaebey! May suot-suot pala siya na maskera na nagpapakita sa lahat na mabuti siyang tao.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro