Chapter 38: Teamwork
Sinara ko kaagad ang bag niya at nagkunwaring walang nakita. Imposible na siya ang may gawa nun.
Kanina ko pa siya kasama at hinalukay ko pa ang bag niya kanina bago mag earthquake drill pero wala 'yung wallet ni Jaebey doon!
Hindi kaya? May gustong manira kay Jaecey? Pero isa lang ang taong alam ko na may galit sa kaniya.
At walang iba kundi si Jaebey!
Hindi, imposible rin na si Jaebey kasi okay na sila ni Jaecey.
"Nakapkapan na namin silang lahat pero wala." sabi nung dalawa kong classmate na si Mara at Dave na nagkapkap sa katawan.
"Wala rin sa mga bag nila." sabi ko.
"Paano na 'yan Jaebey? Ang laking pera pa naman nung laman ng wallet mo." sabi ni class president. "Atsaka nagsilabasan na tayo kanina nung nag eartquake drill paano kung isa sa kumuha dito ay itinago na sa ibang lugar 'yung wallet mo." dagdag niya.
"Imposible!" nagagalit na siya. "Sigurado ako na nandito lang 'yon! At isa sainyo ang kumuha!" tinignan niya kaming lahat ng masama. Nagsimulang magbulungan ang mga trashmates ko.
"Nakakatakot naman si Jaebey.. hindi naman siya ganiyan dati." bulong nung isa kong trashmate sa katabi niya, narinig ko naman.
"Ewan, baka lumalabas na tunay na ugali." sagot sa kaniya nung katabi niya.
Umupo na ulit si Jaebey at badtrip na badtrip siya.
Dumating na ang teacher namin sa Physic at bigla kaming bumalik sa kaniya-kaniya naming upuan na parang mga ninja sa sobrang bilis. Nagdiscuss agad si sir, walang intro intro.
Habang nakafocus ang lahat sa pakikinig pumilas ako ng isang papel mula sa notebook ko at nagsulat.
'Jaecey, akin na 'yung wallet. Ilabas mo ng dahan-dahan ha! Baka may makakita sayo! Alam kong hindi ikaw ang gumawa non.'
Tinupi ko ang papel at inilagay sa desk ni Jaecey, takang-taka naman siya at binigyan ko na lang siya ng meaningful look.
Pagkatapos niya basahin ay ginawa niya nga ang sinabi ko. Nung naramdaman kong nasa ilalim ko na nasa gitna na namin 'yung wallet agad ko 'yon hinawakan at binalutan ng panyo ko saka ko mabilis na ipinasok sa bag ko.
Tumingin ako sa kaniya and he mouthed 'thank you'.
Tapos na ang klase sa physic at may last subject na ang sunod.
"Hindi lang pala babaero si Jaebey, burara rin." natatawang sabi ni Sephil.
"Nakita ko na nasa bag ni Jaecey 'yung wallet." direstyong sabi ko.
"What?!" gulat siya e. "Bakit hindi mo sinabi kila Jaebey?!"
"Lower your voice! Wag kang maingay baka may makarinig!" tinakpan ko pa 'yung madaldal niyang bunganga.
"Why did you do that?" mahina niyang tanong. "Ikaw ang mapapahamak sa ginawa mo." nag aalala niyang sabi.
"Imposible kasi talaga na si Jaecey ang kumuha..Isipin mo kanina pa natin kasama si Jaecey at palagi ko pa siyang katabi, halos makabisado ko na nga ang mga kilos niya kasi palagi kong pinagmamasdan mga ginagawa niya." explain ko. Imbis na sumang-ayon si Sephil nang asar pa.
"Ikaw ha! HAHAHAHA! palagi naman pala pinagmamasdan." nang eechos niyang sabi.
"Tumigili ka nga. S-syempre baguhan lang siya sa classroom natin kaya dapat lang na pagmasdan ko siya bilang peace officer." sabi ko sa kaniya at inirapan ko siya.
Bakit ko ba kasi ginamit 'yung term na 'palaging pinagmamasdan' bwisit!
"Uyyyy" sinundut-sundut niya ang tagiliran ko. "Ikaw ha..wag mong sabihin na may lihim kang pagtingin kay Jaecey." sabi niya at ngumiti siya na mas ikinaloka ko!
"Shut up. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo!"
"Kinikilabutan o kinikilig? HAHAHA"
"Stop! Hays. I need your help!"
"Tsk. Iniiba pa ang usapan hahahaha. Oh ano 'yon?"
"Tulungan mo 'ko na maibalik 'tong wallet ni Jaebey sa bag niya ng walang nakakakita."
"Ok. I have an idea." she snaped.
-
"Hi, classmates! Gusto niyo ba makakita ng magic?" sabi ni Jaecey sa harapan at matagumpay niya naman na makuha ang atensyon ng lahat.
Habang inuuto ni Jaecey ang mga trashmates namin ay unti-unti kong binuksan ang bag ni Jaebey. Sakto naman na wala silang buong magtotropa.
Nakaupo ako sa upuan ni Jaebey habang nakatayo sa gilid ko si Sephil para takpan ang ginagawa ko at nag sspy na baka may nakatingin sa'min at mahuli kami.
"Teka!" biglang sigaw ni Jaecey. Napatingin kami sa kaniya at napatigil ang pagbukas ko sa zipper ng bag ni Jaebey.
Tumayo pala kasi si Mara at nakaharap sa direksyon namin ni Sephil kaya pala sumigaw si Jaecey hahahaha eto lang naman ang unang plano naming apat. Kasabwat din namin si Cath.
"Mara come here." Utos sa kaniya ni Jaecey.
Lumapit naman agad si Mara at tinuloy ko na ang pagbukas ng zipper at mabilis na isinuksok sa pinakailalim ng bag ni Jaebey ang wallet niya.
Tumayo ako sa upuan na parang walang nangyare.
"Ang corny ng magic mo." masungit kong sabi kay Jaecey kahit 'di ko naman talaga alam ang ginawa niya hahaha part din 'to ng unang plano.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro