Chapter 37: Missing wallet
Para akong tulig na naglalakad ngayon papunta ng classroom. Kasama ko pa rin sila Jaecey at hindi ko na alam kung paano ko siya i-aaproach matapos ko siyang makita ulit sa weird scenario.
"Mamshie, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik?" tanong ni Sephil.
"A-ah, okay lang ako."
Nasa classroom na kami at pumunta na ulit sa kaniya-kaniya naming upuan.
"Bellinda! Tabi ta--"
"Nauna ako."
Biglang umupo si Jaecey sa tabi ko!
"Hoy Jaecey ako dapat diyan!" pang aaway sa kaniya ni Cath.
"Can't you see? Nakaupo na ako oh. Doon ka na lang sa tropa-c mo."
"Tropa-c what?!"
"Diba lahat kayo nag sstart sa letter C ang name? Kaya tropa-c." sabi sa kaniya ni Jaecey. "Go, go." itinalikod niya ang katawan ni Cath at itinulak ng mahina papalayo sa amin.
"Thank you ha! Napaka gentleman mo kasi." sarkastik na sabi ni Cath.
Lumingon sa'kin si Jaecey, tinaas taas niya pa ang kilay niya at ngumiti. Grabe! Ang creepy niya ngumiti ngayon!
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya sa pagkailang ko.
"Hey, I bought Choco Mucho. You want?" bigla ulit ako napalingon sa kaniya sa tuwa.
Ipinatong niya ang bag niya sa desk at dahil patay gutom ako, ako na ang nagbukas ng bag niya at hinanap ko ang Choco Mucho.
"Wait." pagpigil niya sa'kin at kinuha ang isang box ng Choco Mucho.
"What?"
"Sabihin mo muna na sobrang gwapo ko." wtf?! Si Jaecey ba talaga 'tong katabi ko ngayon?!
"Are you crazy?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ok, madali naman ako kausap." tumayo siya na parang ipamimigay sa iba 'yung isang box ng Choco Mucho.
"Oo na sige na sobrang gwapo mo!" sigaw ko at sakto naman na tumahimik ang buong classroom na parang may dumaan na anghel.
Sabay sabay tumingin ang mga nakapalid sa'min. "AyyiiEeeeEEeeeWww." Pang aasar ng mga trashmates ko. Inirapan ko silang lahat sa ginawa nila.
Nararamdaman ko naman na nag iinit ang mukha ko! Putakte. Iniladlad ko tuloy ang nakatali kong buhok ng wala sa oras. Tinakpan ko ang tenga ko baka kasi mamula 'to sa init na nararamdaman ng mukha ko sa pang aasar nila! mahirap na.
"Mamshie, 'wag mo na takpan tenga mo. Nangangamatis na nga mukha mo e." bulong ni Sephil.
Napalingon ako sa kaniya sa sinabi niya. Ako?! Nangangamatis ang mukha?! At bakit naman mangyayare 'yon?!
Sasagot pa sana ako sa kaniya ng bigla naming marinig ang tunog ng sirena.
Napa duck, cover and hold kami. Naalala ko na may earthquake drill pala ngayon.
Naging maayos ang earthquake drill namin at matiwas kami na nakabalik sa classroom.
"Oh nasan na chocolate ko Jaecey." pangungulit ko.
"Eto n--"
Nagpunta si Jaebey sa harapan at nag announce!
"Guys, nawawala ang wallet ko na may lamang 5,000. Ngayon lang nawala."
"Baka nailaglag mo habang nag earthquake drill?" tanong nung class president.
"Hindi. Nawala na talaga 'yon bago pa mag earthquake drill at dito lang ako sa classroom nagstay simula kanina."
"Peace officer, pakihalungkat ang mga bag." utos ni president.
Tumayo ako at nagpunta sa harapan para unahin ang mga bag nila. Yes, peace officer ako sa section na 'to hahaha!
Kulay brown daw 'yon na mahaba at nay nakatahi na 'Bey' sa tela nung wallet.
Nakadalawang row na ako pero wala pa rin akong makitang wallet ni Jaebey. Sa ikatlong row kami nakaupo nila Jaecey.
"Oh." sabi sa'kin ni Claire sabay abot ng alcohol.
"Para saan 'yan?"
"Mag spray ka muna ng alcohol sa kamay mo bago mo hawakan ang mga gamit ko."
Aba ang arte! Inaabot niya pa rin sa'kin 'yung alcohol.
Hindi ko siya pinansin at hinawakan ko na ang bag niya.
"Hindi mo ba ako narinig? Gumamit ka muna ng alcohol! Baka may germs 'yang kamay mo!" maarte niyang sabi.
"Hoy bobita! Kahit anong hugas ang gawin ng isang tao at kahit ilang beses pa siya maglagay ng alcohol meron pa ring one percent of germs ang matitira! Kaya 'wag kang mag inarte diyan na akala mo ang linis-linis mo!" sagot ko sa kaniya dahilan para mapabuka ang bibig niya sa gulat.
Porket pinagsabihan ko siya at sinabihan na bobita nung nakaraan inaaway-away niya na ako ngayon. Hindi siya uubra sa'kin.
Hindi ko na siya pinansin at patuloy na naghalungkat sa mga bag. Hanggang sa nakarating ako sa row namin nila Jaecey.
Buong puso naman inabot sa'kin ni Sephil ang bag niya. Wala rin ang wallet doon.
Inabot sa'kin ni Jaecey ang bag niya at nagulat ako sa nakita ko sa loob! Nakatinginan kami ni Jaecey at pareho kaming nagulat.
Nandoon 'yung wallet ni Jaebey!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro