Chapter 36: Boys Punishment
Maaga kaming pumasok sa school ngayon nila Cath at Sephil para mag aral. Sapilitan pa nga ang pagsama ni Cath sa’min hahaha.
“Alam niyo naman na ayoko mag study tapos pinilit niyo pa ako sumama sainyo.” Reklamo ni Cath.
“kung ganon, anong dahilan mo sa pagpasok sa isang malaking eskwelahan na’to?” tanong sa kaniya ni Jaebey.
“I mean wala ako sa mood mag aral today! And this early?! Nakakaantok!”
“Cath, mas okay nga ‘yon e. Mas gumagana ang utak ng tao sa umaga kasi bagong gising, fresh pa ang utak, wala pang masyadong iniisip kaya mas maganda na mag aral sa umaga.” Pagkumbinsi ko sa kaniya.
“Fine, fine!”
“Look! Sila Paolo ba ‘yon?” nagtatakang sabi ni Sephil habang nakatingin sa malayo sa bandang kanan namin. “Sila nga! Ang aga naman nila?”
“And bakit sila may hawak na walis?” tanong ni Cath. OmG!
“Baka eto na ‘yung punishment sa kanila ni ma’am Jessa!” sabi ko.
“Community service rin?” tanong ni Jaecey.
“Yes.” May sumagot na babae sa tanong ni Jaecey na nasa likod namin.
“G-good morning po, Ma’am Jessa!” bati namin sa kaniya nung lumingon kami.
“Ma’am ‘yan po ba ‘yung tinutukoy niyo na mas mabigat na pasura? Early in the morning sila maglilinis?” sabi ni Sephil kay Ma’am na parang nakikipag chismisan lang.
Sasagot na sana si ma’am kaso biglang “Ma’am Jessa pinapatawag na po kayo ng principal.” Singit nung isang lalake na sumusundo yata kay ma’am Jessa.
“Ask them na lang kung anong klaseng punishment ang binigay ko sakanila.” Sabi ni ma’am Jessa at ngumiti siya. Ang ganda niya talaga lalo na pag nakangiti!
Napagplanuhan namin na kunwaring mapapadaan kami kung saan naglilinis sila Paolo. Isa sa tropa ni Jaebey na nag bbar din.
“Uy, Paolo! What are you doing?” pagkukunwari ni Cath.
Umacting naman kami na parang nagtataka sa kinikilos nilang magtotropa haha! Si Paolo lang ang kausap naming ngayon at hindi napapansin nung iba na nandito kami.
“Punishment sa’min ni Ma’am Jessa. Hays, isa-isa niya pa kaming chinat kagabi para sabihin sa’min na pumasok ng maaga para sa punishment at kapag hindi kami pumunta, automatic na ipapatawag ang parents.”
“ow.em.ji.! grabe naman si ma’am Jessa.. ‘diba?” Lumingon sa’min si Cath at natatawa naman ako sa acting niya. Best actress.
Sumang-ayon na lang kami nila Jaecey sa pinagsasabi niya hahaha!
“At eto pa ang nakakainis.” Dagdag ni Paolo. “Bago mag start ang klase at pagkatapos ng klase kami maglilinis sa loob ng isang buwan!” nagkatinginan kami nila Sephil sa gulat. Grabe nga si ma’am Jessa hahahaha!
“What?! Isang buwan? As in one month?” sabi ni Cath habang nakataas ang isang daliri. “O-n-e m-o-n-t-h?” ini-spell pa niya.
“Oo e.” dismayadong sabi ni Paolo. “Sige na sige na! maglilinis na ulit ako” umalis na siya sa harap namin at nagsimula na ulit maglinis.
“I’ts pay back time, Jaebey! Hahahaha!” tuwang-tuwa na sabi ni Cath.
“Alam mo mas natutuwa ka pa kaysa sa tunay na niloko e.” sabi sa kaniya ni Sephil.
“Ofcourse! Sinaktan niya ang Bellinda ko, kaya matutuwa ako ng sobra kapag siya naman ang nahirapan.” Ngumisi siya kay Sephil at tumawa ng malakas. Para siyang witch na nagtagumpay sa plano niya.
Nauuna maglakad si Sephil at Cath habang kami naman ni Jaecey ang magkasabay. Naiilang ako sa kaniya simula nung sinamahan niya ako umuwi kagabi, hinatid niya na rin pala ako.
“Kumusta ang puso mo?” biglang tanong ni Jaecey.
“Tumitibok pa naman.”
“hahahaha”
“Ha-ha-happy?”
“Happy!” para siyang bata. “Btw, Valentines na bukas may lakad ka ba?”
“bakit mo natanong?”
“uhm, wala lang. For sure naman kasi na maaga ang uwian natin tomorrow at wala masyadong gagawin, baka gusto mo lumabas?”
“No, ayoko. Baka pag initan ka lang ni Jaebey.”
“Bakit naman? Okay naman na kami e.”
“Wala feel ko lang.” nandito na kami sa library ngayon para mag-aral.
Nagtabi-tabi kaming apat sa upuan.
“Sana pala isinama ko sila Cassandra.” Malungkot na sabi ni Cath.
“Ano nga ulit pangalan nung iba mong kaibigan?” tanong sa kaniya ni Jaecey.
“Cassandra, Carmela, Critz, and Camila.” Mabilis na sabi ni Cath habang pinaglalaruan ang buhok niya.
“o-oh, lahat pala kayo starts with the letter C ang first name.” manghang sabi ni Jaecey. “Bakit hindi mo sila sinama?’
“Ayaw din nila mag study.”
Habang nag uusap sila biglang may pumasok na weird scenario sa isip ko.
Nasa loob kami ng library at may katabi akong lalake. “Ano ang gulo? Hindi ko maintindihan.” Nahihiyang sabi ko. May nakalagay na libro sa harapan namin at nakikita ko na Mathematics book ito.
“Ganito ‘yan..” habang nag eexplain ‘yung lalake hindi ako nakikinig sa kaniya. Tinititigan ko lang siya at nakita ko ang itsura niya!
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang magulat ako sa nakita ko! Nakita ko na napatingin sa’kin sila Sephil sa biglang pagtayo ko.
Nakita ko kasi kung sino ang lalake na nagtuturo sa’kin doon sa weird scenario.
Si Jaecey!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro