Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35: Community Service

"Two weeks?!" reklamo ni Cath. "Myghad! Bellinda and Sephil masisira yata ang beauty ko sa community service na 'to!"


"Community service lang 'to, hindi mo 'to ikamamatay." sagot sa kaniya ni Sephil.


Nagsisimula na kasi kami maglinis ngayon, sabi ni Ma'am Jessa tuwing uwian lang kami maglilinis.


"tsk! Kahit na! Sa bahay nga namin hindi ako pinaglilinis ni mom and dad kasi ayaw nila na mapagod ako na ikasisira ng beauty ko." wow rich kid.


"Mas mainam pa na ganito lang ang nakuha mo kaysa naman ipatawag pa ang mom and dad mo." sabi ko sa kaniya.


"Nakuha 'natin'" pagtatama niya at nginitian ako.


"Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan ang parusa na'to, ang dami daming Janitress sa University na 'to." sabi ni Sephil.


"Ganito, para tumigil na kayo sa kaka-rant niyo isipin na lang natin na tulong natin 'to sa mga Janitress." nginitian ko silang dalawa. Malapit na kami matapos maglinis.


"Oh..So, this is the punishment given to the three of you!" sabi ng isang babae na nasa likuran namin. "Nakakaawa kayo."


Sabay-sabay kami napalingon sa nagsalita at nakita namin si Marize!


"Do you need help? Hahaha!" pang iinsulto niya.


Binagsak bigla ni Cath 'yung walis na hawak niya at mukhang makikipag sagutan kay Marize.


"Anong ginagawa ng isang outsider dito?" tinarayan niya si Marize.


"Hmm, bibisitahin ko lang ang baby ko." sagot niya at ngumisi-ngisi habang nakatingin sa'kin.


"School 'to, hindi hospital of babies." pambabara ko sa kaniya.


"Si Jaebey kasi ang tinutukoy ko, stupid." sabi niya sa'kin.


"Ikaw ang stupid, may pangalan si Jaebey tapos tatawagin mo siyang baby? Ang baduy ha." sagot sa kaniya ni Sephil.


Nakakabwisit 'yung itsura niya! Kung wala lang kami sa loob ng school baka hinampas ko na sa kaniya 'tong walis tambo na hawak ko.


"Wala akong pake sa'yo. Btw, saan ko makikita ang classroom niyo? Kaklase niyo siya hindi ba?" tanong ni Marize.


"Aba malay namin. Hindi kami tanungan ng nawawalang babaero." sagot sa kaniya ni Cath at tumngin sa'min ni Sephil. Actually, wala ng tao sa room namin kasi uwian na. "Tyaka sa pagkakaalam ko, sa forest ka lang madalas na makakakita ng snakes. Hindi ako aware na pati pala sa school meron na rin." natatawa niyang sabi.


"Mga bastos! Ganiyan ba ang mga estudyante rito sa Maligaya University?! Ang sasama ng ugali ninyo." inis na sabi sa'min ni Marize. Siya nagsimula ng away tapos ngayon maiinis siya.


"Masama kami sa masama at mabait kami sa mabait. Kaya kung masama ang trato namin sa'yo, alam mo na." nginitian ko siya at saka kami umalis.


Totoo naman masama lang kami sa masama rin, hindi naman pwede na maging masama ka sa taong wala namang ginagawa sa'yo.


Iniwan namin si Marize the snake na speechless. Bahala siya maghanap ng classroom namin at tignan natin kung may maabutan pa siya doon hahaha!


"May naisip akong magandang plano para kay Marize." sabi ni Cath sa'min habang nililigpit ang mga walis.


"Ano 'yon?" tanong ko.


"Nako Cath ah! Baka mapahamak na naman tayo sa plano mo!" sabi sa kaniya ni Sephil.


"Don't worry, hindi tayo mapapahamak." nakangiting sabi ni Cath at parang excited na excited siya sa binabalak niya. "Kung dito lang siya sa school natin nag-aaral, malamang napahirapan ko na ang buhay niya pero dahil hindi siya taga rito edi sa labas ko siya pahihirapan." dagdag niya.


"Cath, masamang gumanti." sabi ni Sephil.


"Hindi naman ako gaganti. Nararapat lang talaga na mangyari sa kaniya 'yung binabalak ko!"


"Siguraduhin mo na hindi tayo mapapahamak sa gusto mong mangyari."


"Don't worry pretty doggy, hindi niya naman malalaman na ako ang magiging pasimuno." grabe ang harsh niya talaga sa mga kaaway niya.


"Tapos na kayo?" biglang sumulpot si Jaecey. Ano pang ginawa niya dito? Eh kanina pa ang uwian.


"Yes." sagot ko.


"Uwi na tayo." sabi niya.


"Hinintay mo ba kami papa Jaecey??" pag papa-cute ni Sephil sa kaniya. "Ang sweet mo naman!" sabi niya at tulak ng mahina kay Jaecey.


"Hinintay ko lang si Bell." diretsyo niyang sagot. Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi niya at tinignan ako ni Cath at Sephil na nang aasar ang tingin.


"W-why?"


"Break na kayo ni Jaebey diba? Edi wala ka ng kasabay umuwi?" bumibilis tibok ng puso ko! No! No! No! Erase Bell, erase!


"Oo nga pero kasabay ko naman sila." palusot ko at tinuro ko si Sephil at Cath.


"Hindi ka namin kasabay. Iba ang daan mo sa daan namin, 'diba Sephil?" pinanlakihan siya ng mata ni Cath at napa-oo si Sephil. "Paano ba 'yan mauuna na kami ni Sephil, babye Bellinda and Jaecey! 'wag masyado maging sweet sa daanan ha? Baka mabundol HAHAHA!" pinanlakihan ko siya ng mata sa pang aasar na ginagawa niya sabay takbo palayo na hila-hila si Sephil.


"A-ah. Don't get me wrong, I just want to make sure na makakauwi ka ng safe." Anong ginagawa niya? Bakit siya ganito ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro