Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: The Plan

Saturday, catch day! Nagagalit pa rin ako hanggang ngayon sa mga pinakitang litrato sa'kin kahapon ni Cath the trash haha. Sa unang pic, magkaakbay si Marize at si Jaebey tapos sa pangalawang pic, nakakandong na 'yung lintang Marize na 'yon kay Jaebey at ang pinakamalala yung third pic, nag kiss sila. Oh diba. Wow.


Nagtext si Jaebey.


"I'm so excited for today, babe" - Jaebey.


Sige lang, ma-excite ka lang. Tignan natin mamaya kung ma-excite ka pa.


"Babe, I'm sorry. Hindi pala tayo matutuloy. May out of town kami ngayon ni Sephil with her ate baka bukas pa ako makauwi :(((" - Bell

"Aww, it's okay. Next time na lang, ingat! ^_^"  - Jaebey.


Mukhang nag didiwang ka na ngayon na wala ako sa paligid mo today.


Isa 'to sa plano namin ni Cath the trash. Yayayain ko si Jaebey tapos babawiin ko. Si Cath the trash naman, kakaibiganin niya raw si Marize, gabi-gabi raw kasi 'yon na nasa bar. Kaya ayun pinuntahan niya kagabi at nakipag friends siya.


*Flashback*

'Every night nasa bar si Marize, kakaibigan ko siya and for sure hindi niya ako tatanggihan dahil pareho kaming maganda.' sabi ni Cath the trash.

'Anong gagawin mo pagkatapos mo siya kaibiganin?'

'Pag nakuha ko ang loob niya mamayang gabi, ittext kita bukas. Pag natext na kita, itext mo bigla si Jaebey na hindi na kayo matutuloy.'

'Okay? Ano pa plano mo?'

'Ganito, kapag nalaman na ni Jaebey na hindi kayo matutuloy panigurado ako na si Marize ang ipapalita niya sa'yo sa dapat na magiging date niyo.' sabi niya. 'Dapat kang magsinungaling ngayon para mahuli mo siya.'

'Sigurado ka ba na magwwork ang plano mo?'

'Ofcourse! Magaling ako manghuli ng mga manloloko, pati nga boyfriend ng iba nahuhuli ko e'

'Sasabihan ko si Marize mamaya na magkita kami sa bar bukas ng 6:00 PM at magsama siya ng boys. Ibibigay ko rin sa kaniya ang cellphone number ko.' panimula niya. 'Baka iniisip mo na malandi ako kaya ako nagpunta sa bar ah? Hindi 'no! Kaya ko lang nakita si Jaebey nung araw na 'yon kasi niyaya ako ng mga pinsan ko, tatanggi dapat ako nun pero nakita ko si Jaebey na pumasok din sa loob ng bar. Syempre na-curious ako, kasi absent ka nung araw na 'yun at balita ko may lagnat ka, so sino 'yung iddate niya sa bar na 'yun diba?'

May punto siya. Marunong din pala siya mag isip.

'Next, 6:00 PM dapat magkasama na tayo sa liblib na lugar malapit sa bar para pag nag text sa'kin si Marize na nandoon na sila magreready na tayo at 7:00 PM naman ay papasok na tayo sa bar para hulihin ang boyfriend mo. That's it. The end.' nag crossed arms siya.

'Bakit hindi na lang tayo pumasok agad pagtapos niya magtext sa'yo?'

'Syempre! Kakapasok lang nila nun sa bar. So, wala pa silang gagawin nun.' oo nga naman.

'So, hihintayin pa natin na may mangyari?' dismayado kong sabi.

'Oo! Isipin mo kung pumasok agad tayo doon at nahuli sila na magkasama na wala pang ginagawa edi syempre makakagawa ng palusot sa'yo si Jaebey! Mag-isip ka nga.'


Mukhang tama si Cath the trash at mukhang magiging successful ang plano namin.


Sinabihan ko sila mama at ate na kapag hinanap ako ni Jaebey sabihin nila na wala ako. At sinabihan ko na rin si Sephil about dito.


Sumang-ayon din si Sephil sa plano namin ni Cath the trash at hindi siya makapaniwala na nagkasundo kami para hulihin si Jaebey.


-


5:30 PM na.


Nagbihis na agad ako sa sobrang excited na mahuli ang isang cheater. Tinext ko si Cath the trash na ready na ako umalis.


Saktong alas sais lumabas na ako ng bahay para pumunta sa tagpuan namin ni Cath the trash.


"You're late." pagsusungit sa'kin ni Cath the trash.

"Dumating na ba sila?"


"Hindi pa." nandito kami ngayon sa may liblib na puro puno at tanaw mo ang mga tao na papasok sa bar.


"Si Jaebey!" gulat kong sabi nang makita ko na bumaba ng kotse. At nakita ko na may babae rin na bumaba sa sasakyan niya! Si Marize!


"I told you." proud na sabi sa'kin ni Cath the trash.


Mga manloloko! Mga hinayupak! Humanda kayong dalawa sa'kin mamaya!


"Hey.." nagulat kami ni Cath the trash nang may nagsalita sa likod namin.


"Sephil?!" sabay naming sabi ni Cath the trash.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Gusto ko lang samahan ang bestfriend ko sa pagbugbog kay Jaebey." Ngiting-ngiti na sabi ni Sephil.


"Paano niya nalaman na nandito tayo?" tanong sa'kin ni Cath the trash.


"Coz, I'm her bestfriend." mataray na sabi ni Sephil kay Cath the trash.


"Sinabi ko sa kaniya lahat."


Bigla naman napataas ang kilay namin ni Cath the trash sa inaakto ngayon ni Sephil na pinipisil-pisil niya ang kamao niya.

"Mamshie, I'm ready." nakangising sabi ni Sephil.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro