Chapter 28: Suicide
"Mamshie saan kayo galing ni Catherine?" tanong sa'kin ni Sephil.
"Diyan lang sa tabi tabi." Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya hangga't nandito si Jaecey at Jaebey.
"Good morning class." bati sa'min ni ma'am Jessa. "I have a good news and bad news for today." sabi niya. "Which one do you want me to tell first?"
"Good news!" sigaw naming lahat.
"Okay.. The good news is, pasado kayong lahat sa first semester." nagpalakpakan kaming lahat. "And the bad news is.." napabuntong hininga siya. "Are you ready to here it?" pangbibitin niya.
"One of your classmates committed suicide yesterday." nagulat kaming lahat sa balita ni ma'am. Nagsilingunan kaming lahat sa buong classroom para tignan kung sino ang absent.
"Ma'am si Michelle at Luis lang po ang absent, s-sino po sa kanila?" takot na tanong ng sexytary namin na si Camila.
"Michelle." sagot ni ma'am.
Michelle? Siya 'yung kaklase namin na palaging mag isa at Top 2 sa klase. Sinubukan namin siya kaibiganin noon ni Sephil pero ayaw niya talaga makisalamuha sa iba.
"Gumamit siya ng death-drug." dagda ni ma'am.
Death-drug? 'yun 'yung illegal drug dati na kapag gumamit ka magiging adik ka, pero sa panahon ngayon pag gumamit ka non mamamatay ka. Kaya wala ng nagtatangkang gumamit ng drug na 'yon at wala na ring adik.
Wanna die? Then take death-drug.
"B-bakit po ma'am?" tanong nung president namin na si Daniel.
Napatingin ako sa mga iba kong trashmate at nakita ko na nag iiyakan na ang ibang girls.
"Nagkaroon siya ng depression, alam niya kasi na ilalabas na today ang final grades niyo at alam niya sa sarili niya na bumaba ang grades niya lately." sabi ni ma'am at nakikinig lang kami sa kaniya. "Sobra siyang na-pressure sa parents niya, gusto kasi nila na maging Top 1 si Michelle at wala rin siyang kaibigan para pagsabihan ng iba niya pang problema." kwento ni ma'am. Pinagmasdan ko ulit ang mga trashmates ko, 'yung iba umiiyak at 'yung iba nakayuko na lang.
"So, nagpakamatay siya dahil lang sa grades???" narinig kong sabi ng isa kong tashmate sa kaibigan niya na nakaupo sa likod ko.
"Ang OA naman nun" sagot nung kaibigan niya na si Claire.
Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.
Nilingon ko siya.
"Hoy basura, depression is not a joke and it can lead the person into the worst decision in life; suicide. Bobita." inirapan ko siya at lumingon na ulit ako kay ma'am Jessa.
Napatingin naman ako kay Jaecey na gulat na gulat sa ginawa ko dun kay bobita.
"What?" sabi ko sa kaniya.
"Wow" manghang sabi ni Jaecey at lumingon na siya kay ma'am Jessa.
"Big deal sa parents ni Michelle ang pagtaas at pagbaba ng grades niya and bukod doon may iba pang problema si Michelle na alam na namin at hindi pwede sabihin sa inyo dahil it is confidential." sabi niya. "Yun lang, dumaan lang ako para ihatid ang mga balita sainyo. Let's pray for Michelle's soul later. Mauuna na ako." ngumiti si ma'am at umalis na.
Pagkaalis ni ma'am ay nagsimula na naman na maging bubuyog ang trashmates ko. Nang may biglang scenario na pumasok sa utak ko.
"Mama.. ma, wala na si Ella.." sabi ko sa isang babae at pareho kaming umiiyak.
"S-saan ba ako o kami nagk-kulang?" sabi nung babae na umiiyak na tinawag kong mama. Hindi ko makita ang itsura niya.
"B-binigay namin sainyo ni daddy mo ang la-lahat ng pagmamahal." sabi niya. "Gin-ginawa namin lahat para mabuhay kayo ng ma-masaya pero bakit nagpak-kamatay si Ella?!" humahagulhol na siya. Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko.
"S-sorry, ma.. h-hindi ko rin po alam kung b-bakit.."
"Mamshie!! Bakit ka umiiyak?!" natatarantang sabi ni Sephil.
Hinawakan ko ang pisngi ko at may luha nga natumutulo na galing sa mata ko.
"Babe, bakit ka umiiyak, ha??" sabi ni Jaebey. Hindi ko alam ba't hindi ko mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha na bumabagsak sa mata ko. "Babe, stop crying." napatigil ako sa sinabi ni Jaebey.
"Anong sinabi mo?" sabi ko sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin.
Naiinis ako sa kaniya. Nagagawa niya pa rin ako tawagin na 'babe' matapos niya ako lokohin patalikod.
"B-bakit? May masama ba akong na-nasabi?" gusto ko siyang sampalin ngayon pero napatingin ako kay Cath the trash at umiiling-iling sa'kin na parang sinasabi niyang 'wag-ka-muna-magalit-huhulihin-pa-natin-siya.
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti kay Jaebey.
"Wala naman, na-miss ko lang ang pagtawag mo sa'kin ng 'babe'" ang plastik ng ngiti ko.
"Ganun ba, hahahaha" natutuwang sabi niya.
"Date tayo tomorrow? Sabado naman e." eto na ang tamang timing para simulan ang plano.
"Sure, what time?"
"Hmm, 5:00 PM" sana hindi totoo ang pambabae mo Jaebey. Ginagawa ko 'to ngayon dahil isa 'to sa plano ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro