Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: Side effect

'Isa ang papatay dahil sa pagmamahal, isa ang magbubuwis ng sarili niyang buhay dahil sa pagmamahal at may isa na mananatiling buhay upang ipagpatuloy ang pagmamahal.'


"May mamamatay?! mahal ko pa sa buhay?! Kainis na matandang 'yon!" Naiirita kong sabi sa kwarto ko. Akala ko malilinawan na ako pagkatapos ako mahulaan, 'yun pala mas lalo lang gumulo ang isip ko!


Kamukha niya 'yung nakita ko sa simbahan pero hanggang pwetan ang haba ng buhok nito kaya imposible na siya 'yung nakita ko sa simbahan.


Ano 'yun? Isang buwan lang ang nakalipas bigla nang humaba ng ganun kabilis 'yung buhok niya?? Imposible.


Bumaba ako sa sala at nadatnan ko si ate Tricia na umiiyak.


"Te, anong iniiyak mo diyan?"


"Wala." matipid niyang sagot.


"Wow, pwede na pala umiyak ngayon ng walang dahilan."


"Si Joshua kasi.."


"Joshua?"


"Yung bestfriend ng jowa mo"


"Oh ano?"


"Ghinost ako."


Tumawa ako nang malakas.


"Ate, bakit ka naman kasi pumatol doon? Alam mo naman na babaero 'yon hahahaha"


"Pa-fall kasi siya."


"At na-fall ka naman?"


"Di ko napigilan."


"Naging kayo ba?"


"Hindi." hindi naman pala tapos umiiyak siya?


"Oh?! Hindi naman pala tapos umiiyak ka diyan."


"Masakit ma-ghost! Masakit umasa sa wala!" pagdadrama niya.


Nakakunot lang ang noo ko habang hinahayaan siya na magdrama.


"Ahhh, so naging M.U kayo? malanding ugnayan o malabong usapan?" natatawang tanong ko.


"Mutual Understanding." sumama ang tingin niya sa'kin dahilan para itigil ko ang pagtawa ko. "Ngayon, alam mo na kung bakit sinasabi namin sa'yo na makipag hiwalay ka na kay Jaebey." oh ba't nadamay si Jaebey.


"Ano connect?"


"Dahil kaibigan siya ni Joshua, hindi imposible na pareho sila ng ugali."


"HAHAHAHA ate, alam ko namang bitter ka na kay Joshua pero 'wag mo naman idamay si Jaebey.. iba si Jaebey."


"Sigurado ka? diba nga kung ano ang kaibigan mo, ganun ka rin."


Natahimik ako.


"Iba si Jaebey."


"Hindi ka nakaka sigurado. Tandaan mo, mayaman si Jaebey pwedeng marami siyang kayang gawin na hindi mo alam."


Tumayo siya sa kinauupuan niya at umalis. Naiwan naman akong nakatulala dito sa sala.


Aminado akong nasasaktan din ako ni Jaebey emotionally pero never siya nambabae. At malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya gagawin 'yun.


-


"Bell, gising na. May pasok ka pa." napadilat ako sa narinig kong boses ni mama.


Ang sama ng pakiramdam ko..


"Hindi ka pa ba babangon?" sabi ni mama at saka ako hinawakan para hilain. "Nak, ang init mo? Nilalagnat ka ba?" hinawakan niya ang noo at leeg ko.


"Nilalagnat ka nga. Ano bang ginawa mo kahapon bakit ka nilalagnat ngayon?"


"Wala naman po." Wala naman talaga bukod sa nagpahula pero wala namang connect 'yun.


"Hindi ka ba napagod ng sobra kahapon?" napagod, napagod kakaisip.


"Hindi rin po."


"Wag ka na muna pumasok, ikukuha kita ng gamot." lumabas si mama ng kwarto ko.


Bigla namang tumunog ang cellphone ko. May text si Sephil.


"Mamshie?! Ayos lang ba ang pakiramdam mo ngayon???" - Sephil

"Bakit mo natanong?" - Bell


"Kasi ano, may side effect ang pagpapahula mo. Pwede kang lagnatin." - Sephil

"Nilalagnat na nga ako, kaya hindi ako makakapasok ngayon." - Bell


"Sorry mamshieeee!! Nakalimutan ko sabihin sa'yo kahapon kasi wala ka sa mood makipag usap :(( edi sana naagapan agad natin :((." - Sephil

"It's okay." - Bell


"Sorry talaga mamshie!! Magpagaling ka!! Ako na bahala na mag sabi kay Jaebey." - Sephil

"WAG" - Bell


"Bakit??" - Sephil

"Basta, 'wag." - Bell


"??? Hindi ko sasabihin sa kaniya na nilalagnat ka ngayon kaya hindi ka makakapasok????" - Sephil

"I mean, 'wag mo sasabihin 'yung tungkol sa hula." - Bell


"Wala akong balak sabihin. Babye na, magsstart na ang klase. Mwa!" - Sephil


Eto lala ang side effect sa pagpapahula, kainis! Hays.


Bumalik na si mama na may dalang gamot at pagkain. Umupo siya sa harapan ko.


"Mama."


"Hmm?"


"Naniniwala ka ba sa hula?" napatingin siya sa'kin.


"Oo." nagulat ako sa sagot niya, hindi man lang siya nagdalawang isip bago sumagot.


"Bakit po?"


"Kasi diyaan kami nagsimula ng daddy mo.." panimula niya. Medyo naguluhan naman ako.


"Ha?"


"Kasi nung bata pa kami ng daddy mo at magkaklase pa lang kami, may matanda kaming nakilala sa sasimbahan at biglang sinabi sa'min na kami raw ang magkakatuluyan sa future." kwento niya. "Edi eto na nga, husband and wife na kami ngayon."


"Wow.."


"Meron pa, noong 1 month ka pa lang sa sinapupunan ko may matandang babae na manghuhula at sinabi niya na babae raw ang ipapanganak ko." ngiting sabi niya. "At isang magandang bata nga ang lumabas" ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang mukha ko.


Tumayo na si mama. "Kumain ka na at ayan na ang gamot mo, ilagay mo na lang dyan sa lamesa mo lahat ng 'to pag natapos ka na. Aakyat ulit ako."


"Sige po. Last question! Uhm, saan niyo po nakilala 'yung matandang babae na sinasabi niyo?"


"Nakilala namin siya sa.. sa simbahan."


"Saang simbahan po?"


"Kung saan tayo nagsisimba."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro