Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: Locked

NAIIHI NA AKO SA KABA!


Hindi ko na kaya pang mag stay sa hallway na 'to! Baka mamaya maglaro na si Roberto!



Magsisisi ka sa ginagawa mo Jaecey. Nakakabwisit ka!



Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko. Yakap ko ang sarili ko at hindi ko magawang ihakbang ng malaki ang paa ko sa takot.


Nadaanan ko na ang kalahati ng unang room, apat at kalahati na mahabang room na lang makakapunta na ako sa library.


"HAHAHAHAHAHAHAHA" napahinto ako ng may isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa likod ko. At kilala ko kung kaninong tawa 'yon. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.


"You look stupid" natatawang sabi ni Jaecey.



"If I look stupid, then you are mentally, physically and emotionally stupid! You fool!" sigaw ko. Damn you evil Jaecey.


Nagsimula na ulit ako maglakad at nahabol niya ako. "Matatakutin ka pala." tuloy pa rin siya sa pang aasar.


"AwooOoooo" tunog multo niyang sabi. Mukha siyang tanga.


"Stop it. Hindi ka nakakatawa. You look stupid." iritang sabi ko.


"Bakit nag joke ba ako?" mapang asar niyang sabi.


"Whatever. You look stupid pa rin."


"If I look stupid, then you are mentally, physically and emotionally stupid! HAHAHAHAHAHA" sabi sa'kin ni Jaecey.


"Palagi mo na lang ginagaya mga sinasabi ko, wala ka bang ORIGINALITY???" pagsusungit ko sa kaniya. "Saan ka ba galing at bigla kang nawala?!" inis na sabi ko sa kaniya.


Hindi pa rin ako makamove on sa ginawa niya. Hanggang ngayon kasi medyo nangangatog pa rin ang tuhod ko sa takot.


"Doon sa hagdan. Akala ko hahanapin mo 'ko eh, pero ang ginawa mo nagsisigaw ka lang HAHAHA"



"Ha." I smirked. "At sa tingin mo nakakatuwa 'yung ginawa mo?" pinapagalitan ko na siya ngayon.


"No. But, I enjoyed it." nakangiting sabi niya.


"Anong nakaka enjoy ha?!" sinuntok ko 'yung kaliwang braso niya.


"yung pagmasdan ka habang naglalakad na parang batang nawawala sa isang mall"


"Atleast, you saw me na kaya ko maglakad mag-isa sa nakakatakot na building na 'to!"



"Ah ganun ba" napakamot siya sa ulo. "Sige bababa na ako" inosente niyang sabi habang nakaturo ang kaliwang kamay niya sa ibaba.


"Wait. What?!"



"Ang sabi ko bababa na ako."


"At bakit?" I cross my arms.


"Sabi mo kaya mo maglakad mag-isa at nakita ko rin 'yon. Kaya mauuna na ako, kaya mo naman na e, babush!" nakangiting sabi niya at kumaway pa talaga.


Nagulat naman ako nung naglakad na siya paalis. Hindi pala siya nagbibiro.


"S-sandali!" sabi ko at hinila ko siya pabalik.


"Oh bakit?" taas noo niyang tanong.


"Oo sinabi ko na kaya ko mag lakad mag-isa pero it doesn't mean na pwede mo na ako iwan dito!"


"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na natatakot ka at kailangan mo 'ko para samahan ka?" nang aasar niyang sabi.


"Fine! Oo na natatakot ako! Maasaya ka na?"


"HAHAHAHAHA"


"Sasamahan mo ako o hindi?"


"Say 'please masterrr' HAHAHAHA"


Hindi ko na siya sinagot, tinarayan ko sya at tumalikod ako. "Hey, I'm just kidding" natatawa niyang sabi.


"Shut up. Kung gusto mo pa makababa ng buhay tumahimik ka na lang" Urgh!


Nakakabwisit! Ngayon lang ako nabwisit ng ganito kay Jaecey! Nakakainis! Nakakabwisit!


Paano ba naman ngayon ko lang siya nakasama na kaming dalawa lang. Nakasama ko na rin siya ng isang beses na kami lang pero 'yun yung una naming pag uusap, mabait pa siya nun. May kapilyuhan din pala siyang tinatago.


Pumasok na ako sa loob ng library at pumasok din si Jaecey. Pagkasara ni Jaecey ng pinto, pareho kaming natigilan sa paglalakad nang tumingin kami sa buong paligid.


"Library ba talaga 'to o tambakan lang ng assorted books?" nagtatakang tanong ni Jaecey at saka niya binitawan ang door knob. Wala kasing katao-tao at wala ding bantay pero nakabukas lahat ng ilaw.


"Both"


Nagsimula na akong hanapin ang librong kailangan ko. Nakita ko si Jaecey na may hinahanap din.


"What are you looking for?"


"Nothing"


Hinayaan ko na lang siya at patuloy lang na naghanap.


"I found it!" sabi ko nang makita ko na ang book of accountancy na kailangan ko.


Nilapitan ko si Jaecey at nanlaki ang mata ko sa hawak niyang libro.


Libro ng kumpanyang katamae.


"Interesado ka diyan?"


"No." binitawan niya 'yung libro. "Are you done?" nakita niya na may hawak na akong libro. "Ok. Let's go." sunagot niya ang sarili niyang tanong.


Nauna siya maglakad at sumunod lang ako sa kaniya.


Binuklat ko naman ng kaunti 'yung librong hawak ko. Sinara ko 'yung libro nang mapansin kong ang tagal ni Jaecey buksan ang pintuan.


"Bakit ang tagal mo diyan?" Nakita ko na nahihirapan siyang buksan ang pinto.


Inusod ko siya at sinubukan ko na ako ang magbukas.


AYAW MABUKSAN.


"We're locked"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro